Chapter 21

3.7K 62 5
                                        

SHEENA

"Mama... hoy gumising ka! Pambihira. Dito ka pa talaga magpapahimbing ng tulog!"

"Mama..."

"Hoy! Barney—"

Nagising akong rinig na rinig ang bunganga ni Edraela. At hindi nga ako nagkamali, dahil pagmulat ko ay natanaw ko siyang nakaupo sa isang wooden chair habang nakatali roon.

"Buti naman gising ka na, Mare." Nagawa pa nitong magbiro!

Napabaling ang tingin ko sa lalaking nakasuot ng puro itim, may hawak-hawak itong shotgun na nakaayos sa kanyang dibdib.

"Nasa'n kaming hayop ka?! Edraela, okay lang ba?" sigaw ko, hindi man lang umimik sa akin ang lalaki.

Gustuhin ko mang gumalaw, hindi ko magawa dahil sa nakatali rin ang dalawang kamay ko sa likuran ng upuan. Maging ang paa ko'y nakatali.

"Ano ba!? Sumago—"

"Mama, ang ingay niyo po!" sigaw sa akin ng anak ko.

"Manahimik kayong mga bubwit kayo!" Finally, nakapagsalita na rin iyong lalaki, sinigawan nga lang kami. Umirap ako't benelatan siya.

"Pwede ba, kalasin mo 'tong bwesit ka!" Inis na inis na ako. Pilit kong ginalaw ang kamay kong nakatali, nagbabakasakali na lumuwag man lang ito.

He just showed me his damn middle finger. Bumaling ako sa pintuan nang bumukas ito at iniluwal doon ang demonyong kaytagal mamatay. Sunog ang kalahating mukha nito sa may bandang noo, habang may nakatakip sa kanyang kaliwang mata, na para bang isang pirate.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang ako'y masilayan. Lumapit ito't tumayo 'di kalayuan sa akin. "Finally, after years, nakita na kita," may bahid na sabik nitong sabi.

Napamura ako. "Animal ka, kalasin mo ito!"

"Not so fast, sweetheart. Not so fast." He started to walk near me. Patuloy lang ang ginawa kong pagkalas sa tali sa likuran ko.

I heard Edraela sob, probably she's now afraid. Dahil doon ay bumaling sa kanya si Samuel. "Hey, kid! I didn't want to involve you here, but it seems like you copied your damn father, that's why I need to–"

"Manahimik kang panot ka, hindi kita maintindihan!" umiiyak na sigaw ng anak ko. Nakita ko kung paano nagulat si Samuel at kaagad iyong napalitan ng galit.

Pambihirang bata ito.

He stood up, inches away from Edraela. "What did you just—I mean, anong tinawag mo sa aking bubwit ka—"

"Panot!" At talagang inulit pa ng anak ko! Naiiyak na ako sa pweding gawin sa kanya ni Samuel.

"S-Samuel, hayaan mo na lang 'yang anak ko, please," pagmamakaawa ko, na benalewala lang niya. Nilapitan nito ang anak ko't basta na lang na sinampal. Napasigaw ako kasunod ng pag-iyak ni Edraela.

"Litsugas kang animal ka!" sigaw sa kanya ni Samuel. Naaawa akong bumaling sa anak kong takot na takot.

Lumingon ito sa akin at nagmamakaawang tumingin, saka lang siya bumaling doon sa tauhan ni Samuel. "Manong, ilayo mo ako sa mukhang alien na ito," mangiyak-ngiyak nitong ani.

Hindi ko alam kung matatawa rin ba ako nang makita ko ang reaction ng tauhan ni Samuel na pilit pinipigilan ang tawa nito.

"You!" Samuel yelled while pointing at my daughter.

"Samuel, tama na! I'll do anything, just please, lubayan mo ang anak ko!" sigaw ko, na siyang ikinahinto nito. Nakangiti itong bumaling sa akin habang tumango-tango.

Lust And ObsessionWhere stories live. Discover now