Alas sinco ng madaling araw kaming umalis ni Edraela para makahanap kaagad kami ng pwesto sa kabilang baryo upang magbinta ng mga souvenirs.
"Mama, kapag ba nagkapera tayo, pupunta tayong mall?" pangungulit ng anak ko habang naglalakad kami.
Hawak-hawak ko siya sa kabilang kamay, habang ang isang kamay nito ay bitbit ang ginawa kong souvenirs. "Oo naman, anak, pangako 'yan."
"Hoy! Bumili ka, maganda ito, 'di katulad ng pagmumukha mo–"
"Edraela! Diyos ko kang bata ka! Sinong bibili sa atin kung ganyan ka?" Agad kong tinakpan ang walang prenong bibig ng anak ko. Umirap ang babaeng ini-entertain ng anak ko.
Dinilaan ni Edraela ang babae hanggang sa makalayo ito. "E sa narinig ko siya, Mama, eh, sabi niya pangit raw po ang souvenirs natin–"
"Sige na, huwag ka nang magdahilan pa. Bad 'yon, okay? Ito oh, ilako mo na 'yan." Kinurot ko ang pisngi nito, saka siya hinalikan. Natatawang tinanggap niya ang sampung pares ng bracelet. "Mag ingat ka, ha? Dito lang ako."
"Opo, Mama!" Kumakaway na sigaw nito paalis.
Mabuti na lang talaga napaaga kami, dahil sure akong sobrang init na mamaya.
"Magkano ito?" Nag-angat ako ng tingin sa babaeng nakaturo sa bracelet.
Ngumiti ako sa kanya. "Isang daan lang po."
She took out her wallet. "Can I have five?" Tumanggo naman ako sa kanya. Binigay ko ang bracelet matapos nitong magbayad. "Thank you."
Dahil na kay Edraela ang sampung pares, lima na lang ang naiwan dito sa table ko. Mag-aalas siete na ng umaga kaya hihintayin ko na lang si Edraela, para makabili kami ng umagahan.
"Excuse me, have you seen this–Sheena?!" Pareho kaming nagulat nang magtama ang tingin naming dalawa.
Bumalot kaagad bigla sa puso ko ang takot at galit.
"H-Hades."
There was a shock that plastered on his face. "H-How?" he murmured while still staring at me. "Is this really yo–aray! Fvck!"
Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Edraela at basta na lang pinatid ang tuhod ni Hades. Mura ito nang mura habang hawak ang tuhod nitong pinatid ng anak ko.
Mabilis kong nilapitan si Edraela at niyalo sa kanya. "My god, Edraela Noriane, bakit mo siya pinatid?"
"Hoy! Ikaw, hindi porket chupapi poreyner ka, eh lalandiin mo na ang mama ko!" sigaw ng anak ko, nakaturo pa kay Hades.
Hades looked at her with wide eyes. "What the fvck?! Hanep na Edrael–"
"Minumura mo ba akong shokoy ka?!" Sulpot na naman ng anak ko, habang nakaturo kay Hades.
Nahihiyang binaba ko ang kamay nito. Yumukod ako upang magpantay kami. "Anak, bad 'yan, 'di ba? Ang turo ni Mama rumespeto."
Tumanggo-tanggo ang anak ko. Nag-angat siya ng tingin kay Hades. "Sorry po."
Ngumiti si Hades sa kanya. "She looks like—"
"Ano'ng ginagawa mo rito?!" putol ko sa dapat nitong pagbanggit ng pangalan ng taong kinamumuhian ko. "Umalis ka na. Sigurado akong pinapahanap ako ng gagong iyon para ano, ipahamak muli!" singhal ko't mabilis na niligpit ang paninda naming.
I felt his hand holding my elbow. "Sheena, listen, Edrael's in coma–"
"Wala akong pakialam kahit mamatay pa siya. Umalis na kayo!" pangtataboy ko rito at binawi ang braso kong hawak niya. He looked at me with his pity eyes.

YOU ARE READING
Lust And Obsession
General FictionSheena Easton Hernandez was a runaway bride who attempted to escape from an old billionaire who forced her to marry him. On the day of her wedding, she decided to flee without considering the possible consequences of the old man's actions. She did n...