Chapter 24

3.5K 57 2
                                        

5 months after...

"Mama!" Napabaling ako kay Edraela habang tumatawa itong tumakbo palapit sa akin habang hinahabol naman siya ni Edrael.

After those past months, we deserve to get relaxed, and that's what we did. Pumunta kaming tatlo sa Batangas para magpahinga sa lahat ng napagdaanan namin. Those past months were really a challenge for us, especially for Edrael. I remember how he did everything just to win my heart back, and I couldn't say he really deserves a second chance.

"I'm gonna catch you, Edraela!" he shouted while laughing, which made my daughter yell.

Binayaran ni Edrael ang buong resort, ng sa gano'n ay ma-enjoy raw namin ang buong bakasyon. Tatawa-tawa akong inaabangan sila habang nakaupo lang ako sa may buhanginan at hinintay na humupa ang sunset. Edraela quickly sat on my lap when she finally reached me.

Malakas siyang natawa nang kilitiin siya ni Edrael. "Papa, tama na po!" But that didn't stop Edrael. He continues what he's doing.

"God knows how much I love both of you," he suddenly said, which made me smile. I can feel my cheeks turn red.

Papalubog na ang araw, tumabi siya sa akin at saka ako binigyan ng halik sa labi. "I love you, Sheena Easton Hernandez."

"And I love you too, Edrael–"

"I love myself!" Bigla na lang na sulpot ni Edraela habang nakasimangot. Nag-cross arm pa ito't umirap sa amin, na ikinatawa naming dalawa ni Edrael.

Edrael tapped her head and kissed her forehead. "Of course we love you, my baby Edraela." Pinaulanan niya ito ng halik na ikinahagikhik ng anak ko.

As they are doing that, I slowly grab the camera to take a picture of us, since nagpapakita na sa amin ang sunset.

"Wait, picture tayo." Tumayo ako't inayos ang standee ng camera kaharap sa amin, habang ang likuran namin ay ang dagat at ang magandang sunset.

I tapped the timer, saka ako mabilis na lumapit sa dalawa. Lumuhod ako't ginawang upuan ang binti ko, habang nakatayo naman sa pagitan namin ni Edrael si Edraela, kaya nagkapantay kami. Si Edrael naman ay bahagyang niluhod ang isang paa upang pantayan rin ang anak namin.

Sabay naming hinalikan si Edraela, kasabay no'n ay ang pag-flash ng camera. Kasunod noon ang biglang pagtayo ni Edrael sabay sigaw, "I'm going to catch you!" Dahilan para magtawanan kami ni Edraela na tumatakbo palayo kay Edrael.

That day was the most memorable for us. We did all the water activity in the morning, eat all the foods we love, spend time together, snorkiling, diving, and everything.

Alas siete na nang mapagdesisyunan naming bumalik sa kwartong inuupahan namin, malaki ito at may dalawang room.

I was busy putting lotion in my body when suddenly dumating si Edraela habang dala-dala ang ipad nito. "Nandito po si Mama, Tita Amora." Mabilis akong bumaling kay Edraela, na kausap nito si Amora mula sa iPad.

She turned the iPad cam on me, kaya mabilis akong kumaway kay Amora. Ibang-iba na siya. "Gaga, miss kitang punyemas ka!" sigaw nito. Nasa Manila na rin siya dahil nagkaroon ng panibagong branch ang bar niya.

Sobrang proud ako sa kanya, malaki rin ang utang na loob ko sa kanya at kay Nanay, dahil sila ang tumulong sa akin noong panahong walang-wala ako.

"Wife, the food is ready!" Napabaling ako kay Edrael na kalalabas lang ng kusina. Nakasuot ito ng masculine black T-shirt at denim shorts.

"Papa, si Tita Amora po!"

Lumapit naman sa akin si Edrael, saka ito umakbay sa akin at humarap kay Amora. I saw how Amora changed her expression because this is the first time she saw Edrael. Naikwento ko lang kasi kay Amora ang lahat ng kay Edrael, but she didn't have the chance to meet him even through Skype.

Lust And ObsessionWhere stories live. Discover now