STAR★ 4.

2.3K 67 1
                                    

"LEVI! TANGHALING TAPAT NA! HARUJUSKONG BATA KA TALAGA!" ay ayan na naman ang bunganga ni Mama na sumalubong sakin. Nakakainis. Palagi nalang, di pa nga siya nakakapasok niyan ng kwarto ko. Paano kung nasa loob na siya? edi kalog na naman ang tenga ko sa kaka-Announce niya!

marahas kong binuksan ang mga mata ko at tinignan ang orasan sa tabi ng kama ko, ay anak ka ng tinapang tupa! ALAS SAIS TRENTA? TANGHALING TAPAT NA?!

"MA! ALAS SAIS TRENTA PA LANG AH?! TANGHALING TAPAT NA SAYO? SAN MO NABILI YANG ORASAN MO? IPAPASAULI KO SAYO!"

nakakainis! ansarap pa ng tulog ko eh!

*boggssh* napa-upo naman ako sa ginawa ni Mama, kalampagin ba naman ang pinto ng kwarto ko?

"HOY! BOBONG BENTOY! TAWAG DUN ADVANCE!"

ANAK NG?! BENTOY NA NAMAN?! UGH! ADVANCE TALAGA TAWAG NIYA DUN?! SOBRANG ADVANCE KAMO! Kainis.

tumayo na ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko, nadatnan ko si Mama na nakatayo pero mukhang bubuga na ng apoy mayamaya. Lalagpasan ko sana siya pero bigla niya akong hinigit sa tenga at hinatak, harujusko ansaket ng tenga ko!

habang pababa kami ng hagdan minamadali niya akong pababain "MA NAMAN! MAPUTOL TENGA KO NIYAN EH!"

"MALIGO KA NA! ANG PANGHI MO!" bulyaw ni Mama sakin sabay pabalibag ako papasok sa loob ng shower room.

Ay? pinahirapan at sinaktan pa ako? meron naman akong Shower room sa taas eh!

"MAY SHOWER ROOM NAMAN AKO SA TAAS EH! BA'T KELANGAN DITO PA AKO SA BABA MALIGO?! KAINIS!" sigaw ko mula sa loob ng Shower room habang himas himas ko ang tengang piningot ni Mama kanina.

Naligo nalang ako, pagkatapos ko sinuot ko ang robe atsaka na lumabas ng shower room. Pagkalabas ko, dumiretso muna ako sa kusina. Nadatnan ko dun si Carlito Jonas sa hapag na nilalandakan ang mga nakahandang pagkain sa mesa, di pa rin niya pala ako napapansin.

Ng isusubo na sana niya ang kakainin niya agad kong dinampot ang saging na di pa nababalatan at dali-daling sinalampak sa bunganga niya.
Nabilaukan naman siya sa ginawa ko, kaya agad agad ko siyang binigyan ng isang basong juice na may kahalong SUKA. Oo nilagyan ko kaagad 'yun, that's what you called 'Ninja Moves'.

Ng nainom na niya, agad niyang naibuga ang nainom niya at dali daling pumunta sa sink upang banlawan ng tubig ang kanyang dila. Ako naman si pilyo, tawang-tawa habang hawak hawak ang maganda kong tiyan.

hinarap ako ni Carlito "KUYA! AKO NA NAMAN BA TRIP MO?! SUMBONG KITA KAY MAMA AH!"

SUS PALAGI NAMANG SUMBONG SUMBONG CHUCHUCHU!

"Sumbong mo baby!" panunukso ko sabay tawa ng tawa sa harapan niya. Laughtrip ang mukha ng kapatid ko na 'to eh, pulang pula ba naman siya ng dahil sa ginawa ko? Haha!

"MA! SI KUYA SINALPAKAN AKO NG SAGING NA DI BINALATAN! TAPOS NILAGYAN PA NG SUKA ANG JUICE KO!" panunumbong ni Carlito kay Mama. Etong si Mama naman mas mabilis pa kay Flash, andito na agad agara eh.

"CARLITO! PAKIHINAAN ANG BOSES MO PWEDE BA?!" sigaw ni Mama pabalik, eh pagpasensyahan na ho ang pamilya ko. Isang libong bukid ang pagitan kasi nila sa isa't isa, sobrang layu no? kaya ganyan sila. Maliban sakin gwapo kasi ako eh, sama mo pa na hotter than sun.

napakamot ng ulo si Carlito "Ma naman eh, pagalitan mo nga yang si Kuya. Sinalpakan ba naman ang bunganga ko ng di binalatan na saging, tapos ang juice ko nilagyan ba naman ng suka? nasan hustisya dun?"

tinaasan siya ni Mama ng kilay "Ginawa yun ni Bentoy para mabusog ka naman kahit papaano, tapos nilagyan din niya ng suka ang juice mo para daw unique ang iniinom mo. Oh ano? may problema ka pa ba?"

SUPERSTAR★ (MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon