STAR ★ 30.

1.4K 35 1
                                    

Time flies so fast ika nga nila, after the All Star Sunday party agad agad akong umalis sa studio at tinungo ang GLAMOROUS studio, ako kasi ang magiging magazine cover nila next month issue. Oh diba, noong last ELLIE na sikat sa France ngayon naman GLAMOROUS na sikat sa California at kumakalat din ito sa mga city na sakop neto including dun ang LA (Los Angeles).


After an hour nakarating na din kami sa studio, sobra sobra na talaga kasi ang traffic ngayon. Mag-iipon na ba ako para bumili ng private whirlybird? I hope na matuldukan ng bagong presidente ang problema na yan.



Umakyat na ako sa papunta sa studio na nasa second floor, nakasunod lang si Tita Beauty, Dina, at Rhea sakin.


"Hi, if I'm not mistaken you're Xhia right?" the blonde girl asked me nung nagkasalubong kami sa second floor.


I smiled at her "Yeah, you're right. Why? How may I help you?"


"Nothing. Come, I'll show you the Glamorous Manila studio" I just nod my head at sumunod nalang sakanya.


After we roved the quite amazing whole studio, dinala niya ako sa magiging dressing room ko.


"Here you go, I think you have a hairstylist and make up artist. Am I right?"


"Right, why?" I confusedly asked her.


she nod her head "Uhmm--By the way, do you know how to speak tagalog?"


"Of course. My mother tongue. How about you?"



"Yeah, my mother tongue too. So it means, nakakaintindi ka ng tagalog kaya magtatagalog nalang ako" nagulat naman ako sa sinabi niya, well? hindi halatang Filipino siya.


"Talaga ba? kaya hindi ako nagtatagalog kasi akala ko englishera ka" well, di niyo ko masisi kasi sa looks niya. Mapagkakamalan mo talaga siyang isang American.


tumawa siya "Okay. Bumalik tayo sa gusto kong sabihin, Glamorous have their own hairstylist and make up artist. So, baka sila yung mag-ayos sayo."


"It's fine with me, ganun din sila. Ganun din naman ang Ellie Mag eh" sabi ko sabay kuha ng phone sa bag, sino kaya ang nag-text?


"Oh gosh! I knew it! Kaya pala familiar ka sakin, ikaw yung last magazine cover ng Ellie!" sobrang sayang pahayag niya, nilabas naman niya kaagad ang kanyang phone at nagtanong kung pwede daw pa selfie so 'Oh sure' yung sinagot ko. I'm not mean when it comes to my fans, I can't say no to them.


Iniwan ako ni Victoria sa dressing room ko na mag-isa, mahigpit na pinagbabawal na magpapasok ng kahit na sino maliban sa model sa loob ng dressing room that's their rule. Nasa rule book ng Glamorous yun, hanep may Rule book talaga sila.


I already texted Tita na kung okay lang ba sila sa labas, nag reply naman siya na okay lang naman daw sila pero tomguts na yung mga alagad nila sa tyan. So, nagpadeliver ako ng pizza para sa tatlong yun. I keep my phone ng may kumatok sa pinto.


"Xhia, start na daw tayo sa shoot. Andiyan na ang photographer" Victoria said, tumango ako bago tumayo. Dinala ko ang bag ko at binigay ito kay Tita Beauty pagkalabas namin sa dressing room.


SUPERSTAR★ (MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon