STAR ★ 14.

1.6K 41 1
                                    

We already arrived in NAIA Airport, dala dala ni Levi ang backpack ko.


Nagsilapitan naman ang mga fans na nag-aantay samin, bakit nila--Okay, hindi na ako magtataka pa dahil nagpost na pala si Levi ng picture sa IG. And imagine meron pang LOCATION, grabe talaga siya.



He posted my foot picture, and ang caption niya naman ..



Family bonding with X 💦



yan ang caption niya na pinagkaguluhan sa social media, kasi naka-tag ang pangalan ko.



Yung mga comment, magkasama ba kayo ganito ganyan? walang humpay na tanong. Yung iba naman sweet daw kasi pinakilala na ako sa mama ni Levi. Like seriously? Natatawa ako sa mga ganyang comment nila, may nakaka-offend din namang mga comment pero di na dapat patulan pa.



~



"Hey!" napatayo ako sa kinauupuan ko.



napahawak ako sa dibdib ko saka humarap sa taong may lakas ng loob para gulatin ako.


"Bakit ka ba ng gugulat?" sinamaan ko siya ng tingin.


bumungisngis naman kaagad siya "You're spacing out bud, bakit? naalala mo na naman ba ang accident dun sa Honda Bay?"


binato ko naman siya ng cushion pillow "Wag mo na ngang ipaalala yun sakin!"


humalakhak naman siya "Bakit? ayaw mo ng maalala na niyakap mo ko?"

Argh! This guy is getting on my nerves seriously. Pinapaalala kasi niya yung nangyaring pagyakap ko sakanya, remember the scene na tumakbo ako palabas ng room kasi may nakita akong panget na mukha? 'Yon yun, paglabas ko agad akong napayakap dahil sa takot na din siguro. Pero nung pinuntahan namin sa labas, nakita namin si C lang naman pala. Nagsuot siya ng mask na nakakatakot, ay grabe talaga nakakahiya yun.
Sinabihan pa kami ni Tita Grace ng 'Get-a-room-guys' ay grabe talaga, feeling ko lumayas yung espiritu ko dahil dun.



hinampas ko naman kaagad siya sa braso "Tigil tigilan mo ko sabi eh!"



tumawa siya ulit and he kissed my hair "Sige na, di na nga kita kukulitin" piniga pa niya ang ilong ko.




"Sabay na tayong pumunta sa shoot?" he asked me.




I suddenly shrugged "Sabay kami kina Tita eh"



"Edi sabay tayo sa kotse ko, sunod nalang sila dala yung kotse mo"



"Sabihan ko siya mamaya"



umupo na kami sa couch na dalawa, mamayang hapon pa naman shoot namin.




"Boss texted me" he uttered at pinakita sakin ang text ni Boss.




"On the next day pa naman 'to" kinuha ko ang phone sa kamay niya, priness ko ang home at hinanap ang camera.




SUPERSTAR★ (MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon