STAR ★ 12.

1.7K 43 1
                                    

"MA! ANDITO NA SILA! MAAAA~!" narinig kong sigaw ng isang lalaki na nakatayo sa labas ng nipa hut.


"Sino yun?"


tinaasan niya ako ng kilay "Gago kong kapatid yun"


Di na ako nagsalita, mayamaya may lumabas na babae.



"LEVI!" agad niya naman kaming sinalubong. Niyakap niya si Levi at agad na bumeso sakin.


"Xhia! Xhia right?"


I smiled "Yes Mam"


umiling iling siya "No. No. No. Just call me Tita Grace, ang ganda mo talaga. Last time nakikita lang kita sa TV at sa mga magazines eh, ngayon andito ka na. Kaharap ko pa" pinindot pindot pa niya ang pisngi ko, natawa naman ako ng dahil dun.



"Ma, pagod siya sa biyahe. Pasok muna kami?" sawsaw ni Levi.


"Ay sorry, sorry. Pasok na tayo Xhia, iwan natin ang sungit dyan" sabi ni Tita Grace saka niya ako hinigit papasok, binitawan naman ni Levi ang kamay ko.



pagpasok namin tumungo kami sa kusina ng nipa hut, yeah but malaki tong nipa hut na bahay na to ah. And besides magara naman ang mga gamit na nasa loob.



"Xhia, siya si Carlito. Nakakabatang kapatid ni Levi, kita mo na? palamunin, kain lang ng kain eh"


"Eh sa nagugutom ako Ma eh!" sagot naman ni Carlito sakanya, umakbay naman si Levi kay Carlito nung pumasok ito sa kusina.



"Oh, Hi Carlito. My name is Xhia Alonzo" nilahad ko ang kamay ko sakanya.


pinahid niya ang palad niya sa damit ni Levi kaya medyo natawa ako sa ginawa niya "hachenstya ma ha"



ANO DAW?!



Nagulat ako nung binatukan siya ni Tita "Hoy Carlito, ang baboy ko naman! Diba tinuruan naman kita nung maliit ka pa na DON'T SPEAK WHEN YOU'RE MOUTH IS FULL?! Oh tagalugin ko, WAG MAGSALITA PAG PUNO ANG BUNGANGA!"


napahawak naman si Carlito sa ulo niyang binatukan ni Tita "Aray ko Ma ah! Di ba kayo nahihiya kay Xhia? nakikita niya ang pinaggagawa niyo oh"



hinaplos naman ni Tita ang braso ko "Ayy, pasensya ka na Xhia ah? ganyan talaga kami maglambingan"



SUPERSTAR★ (MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon