STAR ★ 37

1.1K 29 1
                                    

Levi's Pov



"Mahal, pwede ba kaming mag volleyball ng mga girls?" I looked at her, kanina pa sila enjoy na enjoy kaming mga lalaki naman enjoy na enjoy ding bantayan sila. Ni hindi nga kami nakapaligo ng maayos, si Tyler parang mababaliw na dahil tinatakasan siya ni Azi.




I sighed "Fine, basta kayo lang ha"




she smiled at me, then she cupped my face "Thanksss!"




tumakbo na siya papunta sa girlfriends niya "Girls! Let's play volleyball!"





napakunot ang noo ko ng may sumiko sakin, si Calex lang naman pala "Improving na ang endearment niyo ni Xhi ah? kinikilig ka?"





"Eh kung sapakin kaya kita? kikiligin ka din kaya? pwede ba, mind your own damn business!" inirapan ko siya saka binalik ang tingin ko kay Xhia. Yes, mahal na tawag niya sakin simula pa kanina. Di ko yun iniinda kasi alam kong naglalambing lang yan, pero tignan natin kung tuloy tuloy na. Mahal din naman tawag ko sakanya, syempre aayaw pa ba ako?




"Sus, for sure kinikilig ka" nakangising saad niya sakin.





di ko siya nilingon naka-focus lang ako kay Xhia "Kung bantayan mo nalang kaya ang binabantayan mo? kesa pinapakialaman mo ang nararamdaman ko"





"Puta mo!" natatawang tugon niya sakin, kaya natawa na din lang ako.





mayamaya pa ay "Kabwiset naman, sobrang inet dun sa pinuwestuhan namin ni Shawn!"




Sino pa? edi si Tyler the reklamador guy ever!





"Damn, pwede ba tumahimik ka na Tyler?! Pumayag ka din naman!" Shawn yelled, umupo siya sa tabi ni Calex na tawang tawa.





Nakatingin lang ako kay Xhia, sobrang ganda niya pag nakatingi at tumatawa. Masaya na din ako pag masaya siya, wag ko lang siyang makikitang umiiyak dahil baka mapatay ko kung sino man ang magpapaiyak sakanya. Enjoy na enjoy niya ang paglalaro ang volleyball, sobrang hilig niyang mag spike pero lagi namang sablay tapos tawa ng tawa. Natawa na din tuloy ako, tinawanan naman siya nina Azi dahil palpak na naman ang spike na ginawa niya.





"Stop laughing!" sigaw niya kina-Azi.





Sinundan ko sila ng tingin, naglakad sila papunta sa gilid ng pole na nilalagyan ng net. Umupo sila dun sa gilid na apat, then mayamaya may lumapit na tatlong lalaki sakanila. Agad na kumunot ang noo ko, at napatayo ako bigla.





"Damn! Let's go guys!" atat na atat na saad ni Tyler samin, nagsitayuan naman si Calex at Shawn.





Naglakad na kami papunta sa kinaroroonan ng mga babae, ng malapit na kami..





"What's going on here?" panimulang tanong ko.





tumayo naman si Xhia at lumapit sakin "Mahal, magpapapicture daw sila samin"





tinignan ko ang mga lalaking kasamahan ko, sobrang tagal nilang mag response pero sa kalaunan ay tumango na din sa wakas.





binigay sakin ng lalaki ang camera niya, wow! just wow, ako pa pala ang photographer nila. Sa gwapo kong to?!





I rolled my eyes, hindi naman nila makikita it's because naka sunglass ako.





Pinagitnaan nila ang apat na babae, dalawa sa tabi ni Xhia at isa naman sa tabi ni Azi. Isho-shot ko na sana ang ikalawa ng biglang sumigaw si Tyler kaya di ko na pindot kaagad ang button.





"Hands off Dude!" agad naman akong napatingin sa lalaking katabi ni Azi, inakbayan pala nito kaya naman putok yung butse ni Tyler. Agad namang inalis ng lalaki ang kamay niya kaya shinot ko na ang ikalawang pose nila. Halos naka lima silang shot, pero mas nabwiset ako ng humirit pa yung isang lalaki.





"Bro, pwede solo picture kami ni Xhia. Isa lang" he said, ang kapal ng mukha niya pero sige pagbibigyan kita. NGAYON lang.





"Ako photographer niyo ngayon ah?" natatawang tugon ko, mas nainis ako ng nilagay niya ang kamay niya sa bewang ni Xhia! Ay putek, ibang usapan na yan letse!





dinaan ko nalang sa ngisi ang inis ko, ansarap niyang sapakin! Napalingon naman ako sa tumapik sa balikat ko "Chill bro, labas sa ilong ang ngisi mo eh" gagong Tyler na to! Humalakhak pa.





"Ganto nalang, bilang ako ang photographer niyo susundin niyo ang pose na iuutos ko. Ayos ba yun tol?" saad ko "Eh sa'yo mahal? ayos ba?"





she smiled at me "Okay mahal"





tinignan ko naman ang lalaking bwiset, agad naman siyang tumango "Ayos na ayos tol"





Ayos na ayos pala ha? sige maghintay ka, tignan natin kung ayos pa ang masasabi mo after this shot.





"Let's do this. Mahal bigyan mo ko ng isang matamis na ngiti, then bro arm sideward. Both of you face the camera, then 1.. 2.. 3.. Here we go" then clinick ko na ang button, nice shot!




binalik ko naman ang camera ng lalaki, hinigit ko na kaagad sa bewang si Xhia. No one is allowed to touched her waist! Only me. ONLY ME. Sounds like possessive but the hell I care?!





"Mahal, napaghahalataan ka na ha" and now, she's teasing the hell out of me! Damn it!








--------👋
Kaway-kaway sa nag-aantay ng update ko ah, pasensya na po. Tinopak na naman ang bestfriend ko, sarrey sarrey. Then iaannounce ko na, this week ay exam na namin pero mag-uupdate pa din ako. Whaha!


Please follow me on twitter>>
@janetejada26
@LWLAuthor

Please follow me on instagram>>
@awesome_jane26


Thank you for reading, lovelots!

SUPERSTAR★ (MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon