Kabanata 30

2.4K 91 66
                                    

NOTE: PUBLISH KO LANG PO ULIT ANG KAB 30 TO WAKAS, DAHIL NAGALIT FRIEND KO HAHAHA MALAPIT NA DAW SYA MATAPOS E.

"Nakapag-paalam ka na ba, Ta?" Tanong ni Isay pagkalabas ko pa lang ng mansion. Hindi ako nakasagot nang makita ko sa tabi niya ang taong matagal ko ng hindi nakikita.

Ngumiti ang lalake at nag bow sa akin. "Kinagagalak kong pong makita kayo ulit, Princess Julieta."

Eksayted na niyakap ko ito. "Harold! Namiss kita!" masayang sambit ko.

"Namiss ko rin po kayo. Ang tagal na po no'ng huli tayong nagkita."

Si Harold ang pinagkakatiwalaan kong driver slash assistant, bakla ito at halos magka-edad lang kami.

Sinabi ko sa kanya noon na pwede muna siyang umuwi sa kanila habang wala ako sa mansion, pero patuloy ko parin siyang papadalhan ng pera kada buwan. Ayaw sana nitong tanggapin iyon pero dahil mapilit ako, wala itong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ko.

Sa totoo lang, nawala sa isip ko na tawagan siya para sana sabihin dito na uuwi na ako sa isla at kailangan ko ang tulong nito.

"Pa'no mo pala nalaman na nandito ako? Si Isay ba ang nagsabi sa 'yo?" takang tanong ko.

Umiling ito, "Pinapunta po ako ng mamá ninyo rito, gusto ng reyna na ako ang sumundo sa inyo." magalang nitong sagot.

May itatanong pa sana ako rito pero bigla namang sumingit 'tong kapatid ko.

"Let's go, Ate Ta?" apuradang saad ni Isay.

Tumango lang ako. Sumakay si Isay sa kotse niya, habang ako naman ay doon sasakay sa van na dala ni Harold.

Pinagbuksan ako ng pinto nito, bago pa man ako makapasok ay bigla akong napatigil dahil naalala ko ang sinabi nila Delia kanina.

Magpapaalam pa ba ako kay Illiana? Pero bakit pa? Paniguradong wala na siyang pake pa sa akin.

Sige na, Julieta. Alam kong gusto mo siyang makita sa huling pagkakataon. Pilit sa 'kin ng isip ko.

Kaya ko ba siyang makita ngayon? Paano kung maging emosyonal na naman ako kapag nakita ko siya? Kahapon lang kami naghiwalay, kakayanin ko ba?

Bahala na nga!

"Princess Julieta? May problema po ba?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Harold.

"May pupuntahan muna ako, s-saglit lang."

Huli na talaga 'to. Gusto ko lang makita si Illiana, iyon lang.

....

Pinuntahan namin ang lugar kung saan naroon si Illiana. Ito iyong sinabi ni Kerensa at tama nga ang lugar na binigay nito, pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko na agad siya—sila ni Belén. Magkasama na naman ang dalawa.

Sabi ko na nga ba, masasaktan lang ulit ako.

Ngumiti ako ng mapakla nang makita ko ang pinakamamahal kong babae na masayang nakikipagtawan sa taong naging dahilan kung bakit echapwera na ako sa buhay niya.

Manloloko ampota.

Hindi ko namalayan na may tumutulo na pa lang luha sa mga mata ko.

Kinuha ko mula sa bag na dala ko ang bagay na binigay niya sa 'kin no'ng birthday ko.

Pinagmasdan ko itong mabuti. Isang infinity ring na gawa sa gold—simbolo raw ng walang hanggang pagmamahal niya sa 'kin. Bahagya akong natawa nang maalala iyon. Pagmamahal? Kailan niya nga ba ako minahal? Ako lang naman yata itong nagmamahal sa aming dalawa.

Unloving Illiana [Roferos Series #1]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin