Kabanata 34 -Part II

1.7K 82 25
                                    


"I'm waiting, Miss Roferos? Ano na? Kailangan mo ng pumili."

Napapikit na lang ako ng mariin. Hindi ko parin kayang iwan si Julieta.

"I-Illiana, sundin mo na lang ang gusto ni T-tito. Please...para wala ng masaktan pa." mahinang anas ni Belén. Pinukulan ko siya ng masamang tingin.

"Tito? You mean magkamag-anak kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Umiling ito, "N-no, friends sila ni Dad. I didn't know na anak niya pala si Julieta. Nang malaman niya na magkakilala tayo, pinilit niya akong dalhin ka rito." pag-amin ni Belén na mas lalong ikinagalit ko.

"Miss Roferos, ang dali lang ng pinapapili ko sa 'yo—

"Mahal ko si Julieta, hindi ko siya iiwan." Mabilis kong putol sa sasabihin nito.

"Anong magagawa niyang pagmamahal mo sa kanya? Hindi niyo man lang ba naisip na pareho kayong babae? Maling-mali ang relasyon niyo. Nakakasuka kayo." he let out a loud chuckle and gave me a disgusted look.

Mas nakakasuka ka!

Itong tao ba talaga na 'to ang totoong ama ni Julieta? Bakit ibang-iba silang dalawa? Mukhang demonyo kasi ang lalakeng 'to.

Todo na ang pagpipigil ko sa galit ko ngayon. Gusto ko na itong suntukin sa mukha, kung pwede lang talaga ginawa ko na.

Naramdaman ko ulit ang paghawak ni Belén sa isa kong kamay na handa ng kalbuhin ang demonyo sa harapan ko, palihim naman itong umiiling-iling habang nakatingin sa akin.

"Kaya mo bang makita ang anak ko na puro sugat at pasa ang buong katawan?" muling wika nito.

"Kung kaya mo, I will make sure na gagawin kong impyerno ang buhay niya. Para ipakita sa 'yo kung ano ang magiging epekto ng desisyon mo." Pagbabanta pa nito dahilan para mas magalit ako.

Tumayo ako ulit at galit na muling hinampas ang table.

Napangisi siya sa naging reaksyon ko. "Nagbago na ba ang isip mo?" bored na tinitigan ako nito.

I clenched my hand in anger.

Kailangan ko ba talagang iwanan si Julieta?

Makakaya ko ba?

Paulit-ulit na isinisigaw ng puso ko na hindi, alam ng puso ko na hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin.


Sa sobrang galit ko, hindi ko namalayan na may pumatak nang luha mula sa mga mata ko na agad ko namang pinunasan.

"G-gawin ko na ang g-gusto mo." Napipilitang saad ko.

Labag sa kalooban kong piliing iwanan ang pinakamamal kong babae, but wala akong ibang choice.

Ayoko na siyang makita sa ganoong sitwasyon. Mas gugustuhin ko pang kamuhian niya na lang ako kaysa sa saktan siya ng ama niya.

Ngumiti si Mr. Amadora, iyong ngiting aakalain mong mabait ito.

"Good." tipid na tugon nito saka ito tumayo.

"Simula bukas, huwag ka ng magparamdam kay Julieta. Tapusin mo na ang namamagitan sa inyong dalawa. Ikaw na ang bahala kung paano mo siya lalayuan."


Iyon ang una't huli naming pag-uusap ni Mr. Amadora. Nagpapasalamat na rin ako dahil hindi ko na siya nakita pa ulit. Hindi ko na siguro mapipigilan ang sarili ko no'n, baka masaktan ko narin ito kahit pa matanda siya.

Para magawa ko ang planong pag-iwan kay Julieta noon, humingi ako ng tulong kay Belén. No'ng una ay ayaw nitong pumayag, pinakiusapan ko pa ito, sa huli ay napilitan din itong um-oo.

Nagawa ko naman ang plano ko no'n, nilayuan ko si Julieta. Kahit ang sakit makitang umiiyak siya nang dahil sa akin, pinigilan ko ang sarili kong yakapin siya no'n at sabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya.

Hanggang ngayon galit ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa no'ng mga oras na iyon. Ang weak ko, sobra. Mas pinili ko pa siyang masaktan kaysa sa ang ipaglaban siya.

Kaya masasabi kong deserve ko itong sakit na nararamdaman ko, karapat-dapat akong masaktan.

Ito na iyong karma ko, ang makita si Julieta na nakamove-on na at masaya na sa piling ng iba.




====

Hiii! so ayun na nga ang side ni Illiana, sana maintindihan natin sya charot!

Unloving Illiana [Roferos Series #1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora