Kabanata 31

1.7K 79 21
                                    


Ang bilis ng mga pangyayari. Magta-tatlong linggo na ako rito sa Isla. Tatlong linggo narin akong nakakulong sa mansion. Kinulong ako ni Papa dahil ayaw ako nitong makabalik pa sa San Carmen. Matagal na pala nitong alam na nagtrabaho ako bilang katulong. Kaya galit na galit ito sa akin. At sa mga araw na lumipas, laging masasakit na salita lang ang natatanggap ko kay papa.

"Wala ka talagang kwenta"

"Bakit pa ba kita naging anak?"

"Hindi ako makapaniwalang isang katulad mo lang ang papalit sa trono ko"

Iyon ang paulit-ulit nitong linya sa tuwing nagkikita kami.

Nakakarindi na.

Masakit para sa akin na marinig ang mga salitang iyon mula sa sarili kong ama, pero nasasanay narin ako. Simula yata nang isilang ako sa mundong 'to, ay puro pasakit lang ang naging ambag nito sa buhay ko.

Kaya nakakawalang-gana siyang maging ama.

Kung pwede lang akong pumili ng magiging tatay, iba talaga ang pipiliin ko, iyong magpapaka-tatay talaga sa amin. Hindi 'gaya niyang kung tratuhin kaming mga anak niya ay para lang kaming mga hayop.

Si Mama naman masyadong inlove kay Papa, sa sobrang pagmamahal niya rito ay hinahayaan lang niyang saktan kami nito. Wala siyang ginagawa kahit alam niyang halos mapatay na kami ni Papa.

Mga walang kwentang magulang.

Bumalik ako sa pagtingin-tingin ng kung anu-ano sa cellphone ko. Kaninang umaga ko pa ito ginagawa, pabalik-balik nga rin ako sa facebook ni Illiana. Pero sakit sa puso lang din ang nakukuha ko sa pag i-stalk sa kanya. Base sa mga post niya ay lage silang magkasama ni Belén.

Mapapa-sanaol na lang ako.

May isang parte sa puso ko na umaasang hahanapin niya ako, na isang araw bigla akong makakatanggap ng chat or tawag mula kay Illiana pero hanggang sa panaginip ko na lang talaga ang mga iyon.

Pinapaasa ko lang ulit ang sarili ko sa wala.

Paano ko pa siya magagawang kalimutan nito? Paano ko magagawang hindi siya mahalin kung taksil naman ang puso at isip ko dahil hanggang ngayon siya parin ang laman nito.

Nakakabaliw. Nakakabaliw ka Illiana.

Nagitla ako nang biglang may kumatok sa pinto.

Bahagyang binuksan nito ang pinto at sumilip ito mula roon.

"Magandang araw po, Princess Julieta. Pinapatawag po kayo ng inyong Mama. Nasa sala po siya naghihintay sa inyo." Wika ni Harold na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Bakit daw?" tanong ko habang abala parin ako sa kakadutdut sa cellphone.

"May bwisita po kayo." Napasimangot ako nang marinig iyon. Alam ko na agad ang ibig nitong sabihin.

Bwisita meaning nandito sa mansion si Raphael Roma, iyong manliligaw ko dati na anak ng isang Mayora na apo pala ng matalik na kaibigan ni Papa. At kung minamalas nga naman, siya ang gusto nilang ipakasal sa akin. De pota!

"Pakisabi na tulog ako." halos walang gana kong tugon dito.

Mas gugustuhin ko pang sumakit ang mata ko kakadutdut sa cellphone ko buong araw kaysa sa kausapin sila, sigurado akong pag-uusapan lang namin ang tungkol sa kasal.

At ayoko ng marinig iyon.

Paulit-ulit lang nilang sasabihin na nakahanda na ang lahat para sa kasal ko.

Nasusuka tuloy ako sa isiping magpapakasal ako sa isang lalake. Bwesit! Gusto ko silang sakalin lahat. Nakakagalit, mga pala-desisyon sa buhay ko.

"Kailangan niyo pong puntahan sila, may pag-uusapan daw po kasi kayo."

Bumuntong hininga ako bago ilapag ang cellphone sa lamesa. Kailangan ko nga palang sumunod sa kanila, kung ayaw kong malagot ulit kay papa.

Hindi pa nga naghihilom ang mga pasa ko sa hita, baka madadagdagan na naman 'to.

Unti-unti kong naramdaman ang takot nang maalala ang ginawang pagbugbog sa akin ni papa 2 weeks ago. Puro pasa at sugat ang nakuha ko no'n sa kanya. Galit na galit siya no'n dahil nag walk-out ako nang inanunsyo nito sa buong isla na magpapakasal na ang papalit sa kanyang trono.

Walang nagawa ang mga kapatid ko, maski si Isay kung hindi ang pakinggan ang bawat pag-iyak at mga daing ko. Awang-awa ako sa sarili ko no'n. Ang hirap kapag wala kang laban sa sarili mong ama.

"Princess Julieta? Nakikinig po ba kayo?"

Bumalik ako sa wisyo nang muli kong marinig ang boses ni Harold. Nandito pa nga pala siya.

"O-oo. Bababa na ako." sagot ko.

Napipilitang tumayo ako sa kinauupang sopa. Bago ako lumabas ng silid ko, tinignan ko muna ang sarili sa harap ng salamin.

Halatang wala akong tulog. Napapansin ko ring medyo pumapayat ako, kasalanan ko rin 'to hindi kasi ako kumakain ng maayos. Paano pa ba ako makakakain ng maayos kung ganito ang sitwasyon ko ngayon?

Pagkatapos kong manalamin, bumaba na ako para puntahan sila mama sa sala.

Nakita kong kausap nito si Raphael, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa pero nang makita ako ni Mama ay nagbago ang ekspresyon nito sa mukha.

"Finally! you're here. Hi, Darling! Bakit ang tagal mo naman yatang bumaba?" Kunwari masiglang bungad sa akin ni mama.

Palihim akong napa-irap dito.

Ang fake.

Diyan sila magaling ni Papa e, mga pakitang tao.

Nakita ko ring mabilis na tumayo si Raphael, saka ito naglakad palapit sa akin.

"H-hi, Juls!" Malaki ang ngiti nito sa labi. Akmang hahalikan pa nito ang kamay ko ngunit mabilis ko itong naiwas.

Dahil nakatingin sa amin si mama ay pinili ko na lang na hindi magpakita ng kahit anong emosyon kay Raphael.

Makuha ka sa tingin, de pota ka.

Na-feel siguro nito na malapit ko na siyang sakalin kaya nauna na itong umupo sa sopa.

"Ano po bang pag-uusapan natin?" tanong ko kay mama saka ako umupo sa harapan nila. Hindi na ako nag-abala pang tumabi kay Raphael tulad ng gusto nilang gawin ko sa tuwing nandito ito.

Nakakasuka kasi talaga.

Matamis na ngumiti ang aking ina.

"Ikakasal na kayo ni Raphael..." saglit na tumigil ito sa pagsasalita. Ngingiti-ngiti parin ito habang nakatingin sa amin pareho ni Raphael.

Pa-suspense pa. Hindi na lang sabihin ng deritso.

"...bukas, bukas na ang kasal ninyo." pagpapatuloy pa nito na ikinalaglag ng panga ko.

Sabay kaming napatayo ni Raphael, tulad ko ay halatang nagulat din ito sa ibinalita ni Mama.

"Excited na akong makita ka sa wedding gown mo, darling!" masayang pumalakpak pa ito.

Binalingan ko ng tingin ang lalakeng papakasalan ko. Nakatingin narin pala ito sa akin at pilit ako nitong nginitian.

Pinigilan kong maluha dahil gusto na namang kumawala ng luha ko sa aking mga mata at ayokong makita nila akong umiiyak.

Hindi 'to maaari!

Buong akala ko'y matagal pa, na may magagawa pa ako para pigilan ang kasal namin pero mukhang wala na pala. Minamadali talaga nila kami.

Pumasok sa isipan ko si Illiana.

Siya dapat ang pakakasalan ko.

Ayoko mang aminin pero hinihiling ko na sana...sana bigla siyang dumating at sagipin ako mula sa kanila.

===

Heyow! Pagpasensyahan niyo na si Juls dito, nahihirapan talaga siyang mag move-on.

Unloving Illiana [Roferos Series #1]Where stories live. Discover now