Kabanata 08

1.5K 73 29
                                    

08.
Julieta

Bumalik na ako sa pagtatrabaho sa mansyon after ng isang linggo kong leave. Dapat nga dalawang araw lang ang pagpapahinga ko, kaso pinilit ako ni Manang Dolores na gawin na lang one week ang leave ko para makapagpahinga ako ng maayos.

Nalaman din nina Don Jowelo ang nangyari, sila mismo ang naghabilin kay Manang na huwag muna akong pagtrabahuin. Kaya wala akong nagawa, kundi ang sumunod sa kanila. Pero dahil hindi ko na kayang tumungaga lang sa balay, pinilit kong pumasok ngayon.

Sana lang ay hindi ko muna makita si Belen, dahil baka s'ya naman ang masabunutan ko.

Malawak ang ngiti ko habang binabati ang mga tao sa mansyon. Nagulat pa ang mga kong kapwa tagapag-silbi sa biglaang pagpasok ko. Buong akala nila ay hindi na ako babalik dahil sa nangyari.

Hindi pa nga talaga nila ako lubos na kilala. Pinanganak kaya akong strong ng Mama ko.

Hindi ko na nga pala muling nakita si Illiana, huli naming kita no'ng dinalaw niya ako sa bahay—ni hindi niya rin ako chinat or tinext man lang.

I miss her—kahit puro sakit lang ang dala n'ya sa 'kin.

"Oh, Julieta? Kumusta ka naman? Okay ka na ba?" Salubong na tanong ni Manang Dolores pagkapasok ko ng kusina.

Busy ang matanda sa paglalagay ng mga plato sa kabinet, agad ko s'yang nilapitan para tulungan.

"Maayos na ho ako manang. Malakas na ulit," nakangiting tugon ko rito.

"Salamat sa Diyos kung ganoon. Pero kung kailangan mo pang magpahinga, sabihin mo lang sa akin." Ramdam kong nag-aalala si Manang.

Kahit medyo masungit at strikto ang matandang 'to, sobrang caring n'ya naman sa mga nagtatrabaho rito.

"Salamat ho, manang."

"Osya, ikaw na nga muna ang maglagay ng mga 'yan, Julieta. May gagawin lang ako sa lanay. Dadating kasi mayamaya ang mga kaibigan ni Senyorita Iska." Nakangiting tumango ako, saka ko pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Pakanta-kanta ako habang ginagawa ang utos ni Manang Dolores, napahinto lang ako dahil sa pagpasok ng dalawang katulong.

Kilala ko ang dalawa, pero hindi ko sila ka-close. Dumeritso sila sa may lababo—Hindi ko na lang sana sila papansinin kaso bigla namang nagsalita 'yong isa. Pilit pa niyang hininaan ang boses, pero naririnig ko pa rin naman.

"Ang ganda talaga ni Ma'am Belén, ano? Swerte ni Senyorita Illia sa kaniya, nagkabalikan na pala sila?" Napaismid ako. Huli ka na sa balita, sis.

"Oo, dai. Swerte kamo sila sa isa't-isa, parehong mayaman kaya bagay na bagay," segunda naman niyong isa.

"Kung ako kay Ma'am Belen, hinding-hindi ko na iiwan 'yang si Senyorita. Itatali ko na agad ito, sa dami ba naman ng nagkakagusto rito. Mahirap na, baka maagaw pa ng iba."

"Narinig ko nga sa usapan nina Donya Maribela na gusto na nilang magpakasal ang dalawa pagka-graduate ni Senyorita."

Dahil sa narinig ko'y hindi sinasadyang nabitawan ko ang platong ilalagay ko na dapat sa kabinet. Gulat na napatingin sila sa direksyon ko.

Unloving Illiana [Roferos Series #1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora