CHAPTER 02: Gate (November, 2007)

4.4K 192 67
                                    

November, 2007

INAANTOK pa ko. Kulang na lang pumikit ako habang naglalakad papunta sa elevator. Madami na kaming estyudyanteng naghihintay sa tapat ng elevator. Lahat sila maingay, nagkekwentuhan, samantalang ako ay humikab dahil inaantok pa talaga ko.

Saktong buka ng bibig ko ay siya ring pagbukas ng elevator. And the worse thing is that, mga professors ang nakasakay. And if there's more than worse, eto na 'yun, dahil nasa loob din siya.

Natulala ako...

"Mga hijo at hija, bawal sumakay ang mga estyudyante dito."

Saka lang ako bumalik sa realidad nang nagsalita na 'yung elevator boy na kung ituring ng mga estyudyante ay isang salot sa lipunan dahil hindi nagpapasakay ng estyudyante sa elevator, nakakasakay lang ang mga estyudyante kapag wala siya.

Napatungo na lang kami at naglakad na papunta sa katabing hagdan. Pero bago pa ko umakyat ay natanaw ko pa siya na naglalakad palayo kasabay ang mga Prof. At saka pala, kapag may kasamang Prof., nakakasakay din ang mga estyudyante sa elevator.

PAGKARATING ko sa 6th floor dome ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko—ng mga bagong kaibigan ko. Originally, 7 lang silang magkakabarkada, all girls, and I'm glad they 'adopted' me. Ayos daw kasi naging even number ang bilang ng barkada, wala ng isang loner.

Masaya ko sa kanila. In fact, mas masaya ko sa kanila. Mas naging totoo ako, at mas naging komportable ako. I can fart in front of them, I can speak to them even if my mouth is full, I became more balahura nang naging kaibigan ko sila. A lot of people might hate us but this is where I became happier. And mas naging totoo sila sa'kin.

"Hoy, ano? Nakapag-review ka na?" tanong sa'kin ni Hanj. Isa pa sa dahilan kung bakit ko sila nagustuhan ay dahil kasama sa barkada si Hanj, ang girlfriend ni Kuya Quentin.

"Bakit? May exam ba?" tanong ko sabay hikab.

"Gaga!" at biglang pinasak ni Tina ang FEWA niya sa bibig ko kaya tinawanan nila ko! Kahit pa nabulunan ako ay tumatawa pa rin sila. Ang FEWA ang pinakamabentang pagkain sa'min, creative version ng footlong. FEWA means Footlong with Egg Wrapped Around.

Nang malunok ko na ang FEWA ay nakipagharutan ako sa kanila. "Mga baliw kayo! Baliw! Baliw!" at nagharutan na nga kami sa dome at ibinaon na sa ilalim ng lupa ang tinatawag nilang 'review'. Review? Ano 'yun? Nakakain ba 'yun?

Habang nagkukulitan, nagtatawanan nang malakas, at nagbabalahuraan ay nabangga namin nang hindi sadya ang mga dati kong kaibigan. At kapag sinabing dati, kabilang na siya doon...

"Sorry, ang gulo kasi ng mga 'to," sabi ni Kristine.

"Okay lang, sanay na kami sa inyo," nakangiting tugon ni Stacey. "Let's go na, guys, mag-review na tayo." At umalis na nga sila.

E, 'di kayo na masipag, kayo na matalino, kayo na lahat!

Hmp!

Sabay flip hair.

"Ah!"

Napatingin ako sa nag-"Ah" at nakita ko siya. Natamaan ata ng buhok ko ang mukha niya. Minsan na nga lang ako mag-flip hair, nakasakit pa.

"Sorry," sabi ko.

"Okay lang," sabi niya na parang walang gana. Psh! Kailan ba 'yun nagkagana? Kapag nakikita si Stacey.

Pagsapit ng 9:30 ay pumunta na kami sa Room N609, ito ang favorite kong room dahil tanggalin na lang ang 0, Room 69 na. Hehe. 69.

"Nakangiti ka diyan?" tanong ni Ai.

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Where stories live. Discover now