CHAPTER 11: Kasal (September, 2015)

2.1K 110 37
                                    


September, 2015

QUEENIE

HABANG inaayos ko ang mga invitation cards ay walang tigil sa pag-iyak si Hanj. "Huhuhu! I can't believe this," ungot niya.

Mga 30 minutes na kong nag-aayos ng mga invitation cards at n kung ano-ano pa kaya mga 30 minutes na rin siyang umiiyak. At mga 30 minutes ko na rin siyang hindi pinapansin.

"Queenie, bakit? Bakeeeeet?! Queenie! Sabihin mo sa'kin bakit—aaaaah!"

Saka ko lang siya nilingon nang sumigaw siya. Pagkalingon ko ay nakita ko siyang nakaplakda sa sahg.

"O? Bakit nagpla-planking ka diyan?"

"Huhu, Queenie! Ang sakit!"

"Ang ligalig mo kasi, eh." Tinulungan ko siyang tumayo. "Kawawa naman 'yung sahig ko. Sana okay lang siya," seryosong sabi ko. Nakaupo na ulit kami pareho sa kama.

"Letse ka talaga! Hindi lang kasi ako makapaniwalang ikakasal ka na."

"Grabe ka naman! Para namang sinabi mon gang pangit ko!"

"Gaga, hindi! Kasi naman, parang kalian lang ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin. Tapos ngayon ikakasal ka na! Kaya lang...kay Calvin."

"O, bakit? Anong problema kay Calvin?"

"Team Theo kasi ako."

"Hay nako!" Inirapan ko siya at bumalik na lang ako sa ginagawa ko.

Ayoko na kasing pag-usapan si Theo. Ni pangalan niya ayokong marinig.

"Huuuuy..." niyakap ako ni Hanj mula sa likod, "nagjo-joke lang naman ako, my friend. Hayaan mon a ko. Mukhang imposible na rin naman kayo. Ikakasal ka na, at isa pa wala na tayong balita kay Theo."

Natigilan ako sa ginagawa ko. Totoong wala na kong balita kay Theo. Nang nag-confess siya sa'kin one and a half year ago, hindi na ulit siya nagparamdam. Huling beses ko na nakita siya ay noong burol ng mama niya.

Yep, Tita died.

Hindi ko siya nakausap noon. Tahimik lang siya, wala siyang kahit sinong pinapansin. Tapos lagi siyang naka-shades. At noong eulogy niya, hidi niya natapos iyon. Pumiyok siya kalagitaan at nag-walk-out. Pagkatapos no'n, wala na. Hindi na namin siya nakita. Wala na kong balita.

"Huy, Queenie."

"Ano ba?"

"Natahimik ka na diyan?"

"Wala. Iniisip ko lang 'yung pizza sa ref, baka kinain na ni Kuya."

"Sa susunod kami naman ng Kuya Quentin moa ng ikakasal hehe."

I just rolled my eyes.

"Gawa kaming maraming bebe. Mga 12 ganern."

"Kadiri ka!" Binato ko siya ng unan at nagharutan na kami.


NANG makaalis na si Hanj ay saka ko tinawagan si Calvin, pero ring lang nang ring ang phone niya. I tried to call him again pero hindi niya pa rin ako sinasagot. So I texted him na lang.

[San ka na, mahal? Baka ma-late tayo sa appointment with Ms. Sam.]

No response.

Medyo naiinis na ko but I keep my patience with me. It's already 3PM at 4:30 ang appointment namin with Ms. Sam. She's my wedding dress designer. Malapit lang naman ang boutique shop niya pero kung ganitong wala pa si Calvin, baka ma-late kami. At nakakahiya 'yun.

I was about to call him again pero kinatok na ko ni Mama.

Pinagbuksan ko siya ng pinto pero hindi lang si Mama ang nakita ko, kasama niya si Kuya at kinakain na nga niya ang pizza ko!

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon