CHAPTER 06: Cinema (May 2011)

3K 177 40
                                    

May, 2011

QUEENIE

NAALIMPUNGATAN ako nang mamalayan kong wala na 'yung mahaba kong unan. Kapag kasi natutulog ako lagi akong may dantayan, hindi pwedeng wala. Kahit during sleepover, dala ko 'tong unan ko, kahit magtra-travel kami, kaya ayun, lagi akong may excess baggage.

Gumulong ako sa kama para silipin sa sahig kung andu'n ba 'yung unan ko. Gotcha! There it is!

At dahil tamad pa kong bumangon, kinuha ko sinungkit ko na lang 'yung unan ko. The upper part of my body is still on my bed, while the other half is hanging on the side of my bed.

"Anong ginagawa mo?"

"Ay!" Dahil sa gulat ay tuluyan na kong nag-slide pababa ng kama kaya bumagsak ako! Good thing nasalo ako ng unan! What the fudge?!

Tinignan ko kung sino ba 'yung bigla na lang nagsalita, it was Theo. He's leaning against my door with his arms crossed. One month na siyang andito sa Pinas, at sa loob ng isang buwan na 'yun, wala siyang ginawa kundi bwisitin ang umaga ko!

"Naghahanap ng fishes! Baka sakaling may masungkit ako!" pagtataray ko sa kanya, with matching irap. Nahihirapan akong tumayo kaya tinignan ko ulit siya. "Hindi mo ba ko tutulungan?"

Ngumiti muna siya sa'kin bago ako tulungang itayo.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" tanong ko nang makatayo na ko.

Nagulat ako nang tumungo siya at inilapit niya ang mukha niya sa'kin. What the?! We're just an inch away.

"P-Problema mo?!"

Biglang lumukot ang mukha niya. "Ang baho! Mag-toothbrush ka nga do'n!"

"Ay, ang kapal! Wala kong halitosis nor simple bad breath no!"

"Eh, ano 'yung naaamoy ko?"

"Baka sariling amoy mo 'yan! Kapal mo, ha! Kahit hingahan pa kita ngayon!" At ginawa ko nga. Tumingkayad ako at humawak sa braso niya bilang suporta at hiningahan ko siya, panay pa ang iwas niya pero hindi ko siya tinitigilan.

"Ang bahooooo!" reklamo niya, pero natatawa naman.

Patuloy ako sa paghinga sa mukha niya habang natatawa rin, hanggang sa nauwi na naman kami sa kulitan. Natigil lang kami nang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table.

Just then we realized kung anong pwesto namin, nakatuon ang dalawa kong kamay sa balikat niya para tumingkayad at maabot siya, siya naman ay nakayakap sa'kin, his hands are almost on my butt. Pero binalewala ko na lang.

"Sagutin ko lang 'yun, ah." Agad akong humiwalay at kinuha ang cellphone ko, then I answered the call. "Hello-" Nagulat ako nang tumabi sa'kin si Theo, inilapat niya rin ang tainga niya sa cellphone ko.

"What are you doing?!" tanong ko sa kanya.

Instead na sagutin niya ko ay inagaw niya ang cellphone ko at in-on ang speaker. "Hello, Quenie!" Si Ai.

"O, bakit?" sagot ko, hawak pa rin ni Theo ang phone ko.

"Nood tayong sine, kasama sina Tina-"

Nagulat ako nang biglang i-end ni Theo ang call.

"Hoy! Bakit mo in-end?!"

"Hindi kayo manonood ng sine."

"At bakit?"

"Dahil tayo ang manonood." Bigla na lang niya kong tinulak papasok sa CR. "Come on! Ligo na! Chop-chop!"

"T-Teka! 8:30 pa lang! Maaga pa! Wala pang bukas na SM ngayon! Mamayang 11 pa ang sinehan!"

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Where stories live. Discover now