CHAPTER 12: Kuya (December, 2015)

2.8K 133 73
                                    

December 2015

QUEENIE

IKAW? Anong memorable event ang nangyari sa'yo noong December 2015? So memorable na kapag naiisip mo napapangiti ka. So memorable that it feels like it was just yesterday.

Para sa akin, itong araw na 'to, December 15, 2015 ang araw na hindi ko kailanman malilimutan because today...is my Wedding Day.

Araw na pinapakaasam ng karamihan ng mga babae. Araw kung saan ikaw ang pinakamaganda sa mata ng mga taong nakapaligid sa'yo. Araw kung saan mararamdaman mo ang pagkababae mo.

Ang unang araw ng panibagong yugto ng buhay mo.

"Are you ready, hija?"

Tinignan ko sa salamin si Mama, si Mama na ang ganda-ganda rin ngayon. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.

"Handa na po ako, Mama."

Niyakap ako ni Mama sa leeg ko mula sa likod. Ipinikit ko ang mga mata ko, gusto kong damhin ang yakap niya.

"Handa ka na ba talaga? Eh, hindi ka nga marunong magluto."

Napatingin kami sa may gawi ng pinto at nakita ko si Kuya na bagong pasok lang, kumakain ng burger. Takaw talaga nito. "Hanggang sa kasal ko ba naman nang-iinis ka?"

"Sus. Mami-miss mo naman."

"Tse!"

"Teka, asan na ba ang Papa niyo? Bakit parang ang tagal naman atang magbihis."

"Tapos na po si Papa kanina pa," sagot ni Kuya, "hindi lang makalabas dahil kinakabahan."

Nagtawanan kami gayundin ang mga stylists ko.

"Pupuntahan ko muna ang Papa niyo. Ikaw Qunetin, 'wag mong kukulitin 'tong kapatid mo, ah. Pagbigyan mo na, araw niya ngayon," sabi ni Mama bago lumabas.

Tawa lang ang isinagot ni Kuya.

Pero nang malabas na si Mama ay nagsimula nang manggulo ng buhay si Kuya. Kinurot niya ako sa bigla sa braso ko. "Macho!"

"Kuya naman, eh!" Napatayo ako sa inis at akmang gagantihan siya ng kurot pero panay ang iwas niya habang tumatawa.

"'Wag kang beastmode! Baka lalo kang pumanget niyan!"

Tumigil na ko dahil sa sinabi niya. Oo nga, baka ma-stressed ako. Hindi pwede, maganda dapat ako ngayon.

"Halika nga dito," ani Kuya bago ako marahang hilahin at kinulong sa yakap niya. "Mami-miss ka ni Kuya."

Sa apat na salitang 'yun ni Kuya ay gusto ko na agad maiyak. Kaya lang masisira ang make-up ko. Niyakap ko na lang din siya ng mahigpit at isinandal ko ang pisngi ko sa dibdib niya.

"Wala ng makulit at pasaway sa bahay."

"Ikaw kaya 'yun," parang bata na sagot ko.

Mahina siyang natawa. Hinaplos niya ang likod ko. "Basta kapag may ginawa sa'yong masama ang Calvin na 'yun isumbong mo lang sa'kin, ah. Uumbagan ko siya!"

Napangiti ako. "Wala namang gagawin sa'kin si Calvin, Kuya. Mahal ako nu'n."

"Psh. Hindi sapat ang pagmamahal, Quennie. Aanhin mo ang pagmamahal niya kung hindi naman siya marunong mag-effort? Kung hindi siya marunong maghintay? Kung hindi siya handa gawin ang lahat para sa'yo? Kung hindi niya kayang magsakripisyo para sa'yo? Kulang ang pagmamahal, Quennie."

Bakit sa mga sinabing iyon ni Kuya, hindi si Calvin ang naisip ko? Ma-effort, handang maghintay, handang magsakripisyo, ibibigay sa akin ang lahat? Hindi si Calvin ang naiisip ko. Lahat ng 'yun tanging si Theo lang ang nakagawa para sa'kin.

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz