CHAPTER 13: Pool (October 2016)

1.1K 79 12
                                    

October 2016

"FULLY!"

Biglang nagising ang diwa ko nang marinig kong sumigaw ang intern namin.

"Table po!" sigaw ulit niya.

Dali-daling dumating ang nursing attendant na may dalang stretcher at inilipat doon ang buntis. Sumakay ang intern sa stretcher habang naka-IE kay momshie na buntis. In layman term, nasa loob ng pempems ni Momshiecakes 'yung dalawang finger ng intern para hindi lumabas si baby.

Mabilis na tinulak ng mga attendant ang stretcher papuntang delivery room.

Napangiti ako, naalala ko nung inter ako, aka alipin, aka pinakamababang uri ng hayop sa hospital. I am now a second year resident in Ob-Gyn and dito ako naka-assign sa ER. Second year resident talaga ang nilalagay sa Emergency Room.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagaan ang senior namin na siya ngayong nasa Delivery Room. "Doc, good afternoon po. Endorsing patient po, fully na po and papunta na po 'yung intern diyan. Patient po is 36 years old, G3P2 (2002) cephalic in labor, 37 2/7 weeks age of gestation by first ultrasound. No hypertension, diabetes, and thyroid disorder po, Hepatitis B positive po. Thank you, doc."

After in-end ni Doc ang tawag ay binigay ko na sa nurse ang admitting orders ng patient para maisunod niya sa taas.

After that ay may dumating na buntis, the intern took history and I examined the patient. The pregnant patient is already 7cm, for admission na naman.

Huminga ko nang malalim. Sobrang daming pasyente, parang lahat ng buntis sa buong Manila dito pumupunta sa'min. Tinignan ko ang orasan. It's already 4PM, one hour na lang uuwi na ko. 36 hours kasi ang duty shift namin.

IT's 5:OO PM already, time for me to go home. Nag-endorse muna ko sa kapalitan ko and that took 15 minutes. I took a bath first sa resident's quarters bago umuwi.

Umuwi na ko sa condo. Nope, this is not my condo. Nakiki-condo lang ako. Medyo basa pa ang buhok ko pero wala akong pake, antok na antok na talaga ko kaya nagpalit na ko ng night dress, humiga, at natulog.

I jolted awake when I felt an arm around my waist, I am being spooned. He pulled me more so my back is hardly pressed on his chest. I like this position, I feel safe. I felt small kisses on my bare shoulder trailing up to my neck. I arched my neck to give way to his kisses.

Nang dumapo na ang mga halik niya sa tainga ko ay bumulong siya, "I missed you."

I chuckled. Dahan-dahan akong umikot para harapin siya. My Theo...

Biglang nanumbalik sa alaala ko ang mga nangyari pagkatapos ng postponed wedding ko. Hindi na umalis si Theo, hindi na siya nawala sa tabi ko. He even broke up with his girlfriend that time just to be with me. Tama ako. Fiancee nga niya 'yung Faye na nakita ko noon sa Wedding shop. They were about to get married also but...eto ako, nanggulo.

I felt guilty to be honest, but Theo assured me that there's nothing to be guilty about dahil desisyon niya 'yun.

Now we're together. It's finally official. Twenty two years in the making din 'to. We're not married anyway. We're just sort of...magka-live in.

"I missed you too," sagot ko bago ko idampi ang labi ko sa labi niya.

Just like before, he's always aggressive. Mabilis niyang sinagot ang halik ko sa kanya and before I knew it, nasa ibabaw ko na siya trailing kisses to my chest. Pinanggigilan niya ang parteng iyon.

"Theo..."

"Hmmm..."

"Sorry...code red."

He stopped at bahagyang natawa. "I'm sorry," he said before lying next to me again. Nakatihaya kaming dalawa, pinagmamasdan ang kisame, nag-aabang ng butiki.

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Where stories live. Discover now