CHAPTER 04: Debut (July, 2008-April, 2009)

3.5K 172 51
                                    

July, 2008

QUEENIE's

"PWEDENG ngumiti," sabi sa'kin ng photographer ko.

Ang taray ko talaga forever and ever. Amen. May photographer ako. Once in a blue moon lang 'to.

Sinunod ko ang utos niya at pilit na ngumiti.

Natawa na lang 'yung photographer ko at sinabihan na lang akong 'wag ngumiti, be fiercer na lang daw if dun ako kumportable.

Duh? Hindi naman ako nagpapaka-fierce. Ganito lang talaga ang mukha ko, para laging papatay. Kaya siguro madaming naiinis sa'kin tho hindi ko naman sila kinakausap. Intimidated much? Hmp! Saka hindi rin ako ngumingiti sa picture, 'yung ngiting labas ngipin. Nagmumukha kasi akong Yahoo Messenger 'pag nakangiti dahil sa tambok ng pisngi ko.

Today is my Debut.

I've been waiting for this for a long time, nasa tiyan pa lang ata ako ng Nanay ko, pinaghahandaan ko na 'to sa matres niya.

Dati gusto kong mag-celebrate ng Debut kasi parang ang saya, kasi once in my lifetime buhay Reyna ako. 'Yung iba mas pinipili ang gadgets or material over a party, pero ako hindi. 'Yang mga gadgets na 'yan? Pwede akong magkaroon niyan kapag naging doctor na ko. Pero ang Debut? Minsan lang 'to.

Dati, 'yun lang ang dahilan ko, ngayon hindi na lang 'yun.

Right after kong nakuha ang class card ko at ibinalita ko ang masamang balita sa mga magulang ko na may dalawa akong bagsak at isa pa du'n ay major, kinausap nila ko. Medyo nasigawan ko pa nga sila. Paano ba naman kasi, tinanong nila kung bakit daw nagkaganun, kung anong problema ko. Nainis talaga ko.

I was like hellooooooo?! Hindi ba talaga obvious? Hindi ba kayo aware na kayo ang may dahilan nito?

So I explained to them every fiber. Sinabi kong sobra kong naapektuhan na palagi silang nag-aaway; batuhan ng plato, murahan, sigawan, mabuti na nga lang at may Kuya Quentin ako na pwede kong iyakan, eh, paano kung only child ako? Eh, 'di naglaslas na ko.

Sinabi kong sobra kong nasaktan nang nalaman kong sobrang dami palang naging babae ni Papa. Ayun ngang isa lang na maging kabet sobrang sakit na, paano pa kaya 'pag madami na? Sobra kong nasaktan nang papiliin nila kami ni Kuya kung kanino kami sasama dahil nga maghihiwalay na sila.

Binigyan pa nila kami ng isang araw para makapag-isip kung kanino ba kami sasama ni Kuya Quentin. Wow ha? Kailangan ko bang magpa-Canton dahil kahit papano may natitirang konsiderasyon pa sa kanila?

The day after, hindi ako nagdesisyon, binalewala ko ang plano nilang paghihiwalay. Lumabas ako at gumala, at kakagala ko, nakita ko si Calvin na may ka-date na ibang babae. O 'di ba? Putangina?

Hinabol ako ni Calvin noon, humihingi siya ng sorry sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Kahit naman hindi ko siya masyadong mahal, nasaktan pa rin ako, may pride pa rin naman ako, tao pa rin naman ako. Nasasaktan pa rin ako kasi alam kong hindi ako karapat-dapat, kasi hindi ako 'yung tipo ng babae na sineryoso.

Nang mahabol niya ako, niyakap niya agad ako. Tapos sinabi kong break na kami. Instead na magmakaawa siyang 'wag akong makipag-break, hinigpitan niya lang ang pagkakayakap niya sa'kin at humingi ng sorry. Hayup na 'yun, 'di man lang nagmakaawang balikan ko siya? At kamalas-malasan pa, nahuli ako ni Mama na kayakap si Calvin, eh since illegal ang relasyon namin, bonggang-bonggang sermon in public ang inabot ko kay Mama. Hindi lang 'yun, kinaladkad niya ko mula SM hanggang bahay. Naging araro ako ng wala sa oras. Badtrip nga. Kung kailang break na kami saka naman kami nahuli.

Dahil sa pangyayaring 'yun, hindi natuloy ang paghihiwalay nina Mama at Papa. Hindi ko talaga akalaing totoo 'yun-na maghihiwalay sila, akala ko wala lang silang magawa, akala ko trip lang, akala ko prank lang. Walangya, totoo pala?

Spin the Bottle (August 1994-September 2017)Where stories live. Discover now