CHAPTER FIFTEEN

8.3K 191 18
                                    


"Bahay niyo ba 'to?" Tanong ko kay Enzo nang makarating kami sa condo nila.

"No. Gift sa akin 'to ng Mom ko noong nakaraang birthday ko." Sagot niya.

Binaba nito ang bag niya sa sofa at naupo. Ako naman ay nakatayo lang habang pinagmamasdan ang paligid ng kanyang condo.

Mas maganda pa ito sa condo ni Papa. Mas malaki at maraming gamit.

"Tatayo ka nalang ba riyan?" Tanong nito sa akin kaya napalingon ako rito.

"H-ha?"

"Umupo ka. Feel at home. 'Wag kang mahiya, tayong dalawa lang naman dito." Sabi nito sa akin. Naupo naman ako sa tabi nito. Umusog ng kaunti sa akin si Enzo. Medyo naiilang ako pero hindi ko magawang makalayo sa kanya. Para bang dumikit na ang pwet ko sa sofa.

Hinimas himas nito ang binti ko. Napakagat labi ako dahil nagsimula ng tumaas ang init sa katawan ko nang dumampi ang kamay nito sa aking binti.

"E-enzo,"

"Paligayahin mo ako, Jinuel." Bulong nito sa tainga ko. Dahan dahan akong lumingon kay Enzo.

Magkalapit ang mga mukha namin. Amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga. Kitang kita ko rin sa mga mata nito na siya'y nag-iinit na rin.

Hanggang sa tuluyan ng naglapat ang aming mga labi.

Dahan dahan ang ginagawa naming paghahalikan. Hinawakan ni Enzo ang ulo ko. Ang dila nito ay pinasok niya sa loob ng aking bibig. Nag-eespadahan ang aming mga dila.

Ang mga kamay ko naman ay kusang gumalaw at tinanggal sa pagkakabutones ang unipormeng suot nito.

Tumigil kami sa paghahalikan ni Enzo. Tumitig ito sa akin at nginitian ako.

"Alam mo ba, ikaw palang ang baklang nahalikan ko. Puro sa babae lang kasi ako nakikipaghalikan at nakikipag-sex. Wala pa akong experience sa bakla hindi kagaya ni Obet." Sabi nito.

Ngumiti rin ako rito. "Ang swerte ko pala kung ganoon?"

"Siguro." Sagot nito at pareho kaming nagtawanan. "Hubarin mo na rin itong sando ko." Tinaas ni Enzo ang braso nito. Kitang kita ko ang malago nitong buhok sa kilikili. Hindi ko naiwasang amuy-amoyin  iyon. Nakakaadik ang pinaghalong pawis at deodorant sa kilikili ni Enzo.

"Hindi ba amoy putok?" Biro nito. Umiling ako at nagpatuloy sa pagsinghot ng kanyang kilikili. "Lagi mo ng maaamoy 'yan kung papayag kang maging boyfriend ako." Dagdag nito.

Napatigil ako sa pagsinghot ng amoy sa kilikili niya at napatingin sa kanya ng may pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hinawakan nito ang mukha ko. "Gusto ko lang na maexperience na magkaroon ng jowang bading. Pwede ba?" Sagot nito.

Hindi ako sumagot rito. Nag-iwas rin ako ng tingin sa kanya.

Kapag naging boyfriend ko siya, may posibilidad na hindi ko na matikman ang mga kaibigan niya. Ayoko rin na matali. Gusto ko ay lahat ng lalaking nakapaligid sa akin ay naseserbisyuhan ko.

At saka, napakabilis naman. Nagkabanggaan lang kami kanina sa may gate, tapos ngayon ay inaaya niya na akong maging boyfriend siya?

"Bakit? Dahil ba gusto mo ring tikman ang mga kaibigan ko?" Dagdag nito.

"Hindi naman. Parang mabilis lang kasi. Kanina lang tayo nagkakilala, tapos ngayon ay gusto mo na akong maging jowa?" Hindi ko sinagot ang tanong nito. Alam kong may iba pang dahilan bukod sa gusto niya lang na maka-experience ng jowang bakla.

Mahina itong natawa sa sinabi ko. "Oo nga. Pero, noong una kitang nakita, akala ko kasi talaga babae ka. 'Yung kanina sa gate, sinadya ko iyon. Gusto ko lang malaman kung babae ka ba talaga. Pero noong malaman ko, hindi ka na nawala sa isip ko. Ewan ko. May kung ano sa'yo na para nahihipnotismo ako." Sagot nito. Lihim akong napangiti sa sinabi niya.

The Boys of Barangay SantolanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon