CHAPTER THREE

22.9K 332 26
                                    


Pagkatapos ng mainit na tagpo namin ni Kuya Xander sa kanilang bahay, hinatid rin ako nito pauwi sa amin. Malapit na rin kasing mag-gabi. Mabuti na lang at wala pa si Tito Hermes at Tita Rosa dito sa bahay. Paniguradong papagalitan na naman ako ni Tito kapag nadatnan niyang wala pa ring sinaing at ulam na nakaluto.

Kaya habang wala pa ang mag-asawa, pinaspasan ko na ang kilos ko. Nagsaing na ako at naghiwa na rin ng baboy at ilan pang sangkap ng adobo.

Pero natapos na ang aking niluluto at nakatapos na rin ng isang teleserye, wala pa rin ang mag-asawa sa bahay. Hindi ganitong oras kung umuwi si Tita Rosa dahil alam niyang wala akong kasama rito sa bahay. Si Tito Hermes ay madalas na stay-in sa kanilang trabaho. Wala naman silang binilin sa akin na matatagalan ang kanilang pag-uwi. Hindi ko rin naman sila matext o matawagan dahil sira ang cellphone ko.

Lumabas na muna ako ng bahay at naupo sa isang putol na puno ng kahoy na ginawang mahabang upuan ni Tito Hermes. Nasa ilalim rin ito ng puno ng mangga kaya medyo presko ang pagkaka-upo ko rito.

Pinagmasdan ko ang paligid habang hinihintay ang pag-uwi nila Tita. Kaunti na rin ang mga tao sa labas. Ang iba'y nag-uumpisa ng pumasok sa kani-kanilang bahay. May mga pauwi na rin na galing sa kanilang mga trabaho. Ang mga batang naglalaro ay unti unti na ring nababawasan.

Napabuntong hininga ako. Hindi ako sanay na walang kasama rito sa bahay. Alam ni Tita Rosa na takot akong maiwanan. Nadala ko ang trauma na iyon mula noong bata pa ako.

Walong taong gulang ako noon. Nagising ako na wala si Nanay sa tabi ko. Iyak ako ng iyak. Hanggang sa umabot na ng gabi ay hindi pa rin umuuwi si Nanay.

Nagising na lang ako na nasa loob na ako ng ospital. Nang makita ko si Nanay, agad ko itong niyakap at humagulgol sa balikat nito.

Kaya simula noon, hindi na ako iniiwan ni Nanay. Ang kaso, noong sampung taong gulang ako tuluyan na akong iniwan ni Nanay. Hindi na siya bumalik noon.

Kaya nang ihabilin niya ako sa nag-iisa niyang kapatid, sinanay ako ni Tita Rosa na matutong tumayo sa sariling mga paa.

Pero ngayong gabi na ito, parang muling nanunumbalik ang trauma ko noong bata pa ako.

Hindi ko na napigilan pa ang luha ko. Tinatawag ko sa isip ko ang pangalan ni Nanay at Tita Rosa. Pero kahit na anong tawag ko sa kanila, walang ni isa ang dumating para aluin ako.

Hanggang may isang boses ang siyang nagpaliwanag ng aking mata. Sa wakas ay may makakasama na ako.

Nilingon ko sa gilid ko ang pinanggalingan ng boses. Awtomatikong napakunot ang noo ko nang makilala ang lalaking nakatayo sa may poste ng ilaw at may hawak na sigarilyo.

"K-kuya Lexus?" Pagkilala ko rito.

Inubos muna nito ang sigarilyo niya bago lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Umusog ako ng kaunti para makaupo ito.

"Bakit nasa labas ka pa?" Tanong nito sa barakong tono.

Pinunasan ko muna ang luha sa pisngi ko. "H-hinihintay ko po kasi sina Tito at Tita. Mag-isa lang kasi ako sa bahay."

Umusog ng kaunti si Kuya Lexus at inakbayan ako. Para akong nakuryente nang dumampi ang matikas nitong braso sa aking balikat.

"E, bakit hindi mo sila hintayin sa loob ng bahay niyo? O, baka ako lang ang hinihintay mo." Pabirong sabi nito na parang may laman. Nilingon ko ito. Nakatingin din siya sa akin at nginisian ako.

Inismiran ko siya. "Sira. Takot akong mag-isa sa bahay kaya lumabas na muna ako para hintayin sila rito. Tsaka, malapit lang naman ang bahay namin mula dito sa kinauupuan ko." Paliwanag ko rito.

The Boys of Barangay SantolanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon