CHAPTER TWO

28.7K 432 20
                                    


"Jenna, uuwi ka na ba?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

Si Kuya Xander pala na lulan ng kanyang pinapasadang tricycle. Mahina lang ang patakbo nito. Sinasabayan ang paglalakad ko.

"Opo, Kuya. Inutusan ako ni Tita Rosa na magpunta sa amo niya. Kinuha ko lang itong mga pinabibigay na pinaglumaang damit nila." Pinakita ko pa sa kanya ang dalawang malaking supot na hawak ko sa magkabilang kamay ko. Sa kagustuhan kong itaas ito para makita ni Kuya Xander, siya namang na-out of balance ako kaya napaupo ako sa kalsada. Mabigat kasi ang dala dala kong mga plastic.

Agad na hininto ni Kuya Xander ang tricycle niya at bumaba rito. Nilapitan niya ako at inalalayan sa pagtayo.

"Ayos ka lang ba, Jenna?" Nag-aalalang tanong nito. Kinuha niya ang dalawang plastic na hawak ko at pinasok ito sa loob ng kanyang tricycle.

Hindi ako sumagot kay Kuya Xander. Nakahawak pa rin ako sa braso nito at titig na titig sa gwapo niyang mukha.

Mula nang lumipat ako rito sa Barangay Santolan, isa si Kuya Xander sa mga naging crush ko. Gwapo ito, matangkad at may kalakihan ang katawan. Kayumanggi ang kulay dahil mahilig itong maglaro ng basketball. Kaibigan din siya ni Tito Hermes.

Pero hindi tulad ng ibang kalalakihan dito sa Barangay Santolan, si Kuya Xander ay never ko pang natikman.

May asawa't anak na kasi ito. Siguro'y ayaw niya lang talaga na magpatikim sa mga kagaya ko kahit na maraming nagkakandarapang mga bakla sa kanya.

Malaki ang respeto ko kay Kuya Xander mula nang tumuntong ako dito sa kanilang Barangay. Ganun din naman kasi siya sa akin. Never niya akong tinawag na bakla gaya ng pang-asar ng ibang kalalakihan rito. Jenna ang madalas na itawag nito sa akin. Kaya kahit gusto ko siyang matikman, pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong magalit siya sa akin at layuan ako.

Noong lumalaki na ako, mas lalong lumabas ang kabaklaan ko dahil na rin sa ang mga madalas kong kalaro ay mga babae.

Kaya noong tumuntong ako ng trese anyos, nag-umpisa na akong mag-ayos ng aking sarili. Nahilig na rin ako sa pananamit ng damit pambabae. Hindi naman tumutol si Tita Rosa sa naging hilig ko.

Noong bata pa lang raw ako ay nakitaan na nila ako ng pagkamahinhin. Tsaka mukha rin daw talaga akong babae dahil sa kutis kong maputi. Namana ko raw iyon sa Tatay kong Amerikano.

"Oh, bakit titig na titig ka sa akin?" Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala tinititigan ang mukha ni Kuya Xander.

Sa pagkapahiya ko, agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Akmang kukunin ko na sana ang mga plastic bag nang pigilan ako ni Kuya Xander.

"Tara muna sa bahay. Inom tayong softdrinks." Mabilis akong napalingon kay Kuya Xander. Nakangiti itong naghihintay sa isasagot ko.

"B-baka nandun po si Ate Lena–"

"Wala. Umalis sila ng mga bata. Bukas pa ang balik. Tara."

Hindi na ako nakasagot pa nang bigla akong hilahin ni Kuya Xander at paupuin sa likurang bahagi ng tricycle.

"Yumakap ka sa bewang ko. Bibilisan ko ang patakbo." Agad nitong paalala sa akin.

Kahit pa ayokong yumakap sa bewang niya ay napayakap na rin ako dahil mabilis nitong pinaibis ang kanyang tricycle.

Halos mahulog na ako sa kinauupuan ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito.

Mabuti na lang at nakakapit ako ng mahigpit sa bewang nito. Damang dama ko ang maalsang pangangatawan ni Kuya Xander kahit na nakasuot pa ito ng tshirt.

Hindi ko rin mapigilang amuyin ang napakabango nitong amoy. Nakakaadik ang amoy niyang pinaghalong panlalaking pabango at pawis.

Ang sarap yakapin ni Kuya Xander. Feeling ko ay ako ang asawa niya. Dinantay ko pa ang aking ulo sa kanyang malapad na likuran.

The Boys of Barangay SantolanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon