AVERY 6

49 3 8
                                    

AVERY GISON'S POV 

@PowerBar

*Phone rings* 

Hindi ko ito pinansin dahil si Velasco ang nasa caller id ko. 

"Wag mong sasagutin yan Avery." Pinandilatan ako ng mata ni Shaira. 

I just lift a corner of my lift and drank the glass of wine. 

"You know what. Dapat hindi ka na pumayag na irenew pa ng isang taon ang contract natin sa kaniya. You know that anytime Cheska Madrigal will be back!" Sermon niya sa akin. 

"I didn't expect that she'll be back too soon." I answered sabay salin ng wine sa baso ko. 

"Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi maganda ang kutob ko sa umpisa pa lang eh. Velasco is a demon! You know what? Hindi ko maiwasang isipin na ginagamit ka lang niya para sa kapakanan ng EGC. Tignan mo nga naman. Ang layo na ng narating ng EGC dahil sa tulong natin." -Shaira. 

Hindi ako kumibo. 

"Ang daming magagandang kumpaniya diyan na gusto tayong makatrabaho. Come on Avery wake up. Kapag yang si Cheska at siya ay kinsal paano ka? Saan ka lulugar? Kaya mo pa ba siyang makasama sa trabaho kapag nangyari yun?" She keeps on talking like a mom to me. 

Sermon malala ika nga. 

Her words are sharp but that's the truth. 

She's hurting me with the truth just to wake up from this dream! 

"Alam ko naman na noong oras na pinasok ko ang relasyon na ito ay hindi ako ang babaeng pakakasalan niya. I am not some rich heir of a multi-billion company." Sagot ko atsaka dahan-dahang pinaikot ang baso ng wine na hawak ko. 

"But you are also rich Avery. We are damn rich because of our job. Don't forget that." Pang bawi niya sa akin. 

"You are beautiful, smart and talented. You deserved someone who can be proud of you. Yung kaya kang ipagsigawan sa buong mundo na mahal ka niya. Hindi yung ganiyan. No comment nalang palagi kapag iniinterview siya or he's always saying that you're just his subordinate. Oh come on.. May subordinate bang nagtatalik at nakatira sa iisang bubong? Eh parang mag-asawa na nga kayo sa lagay na yan! Hmp!" Stress na sabi niya atsaka inisang lagok ang wine niya. 

She's right. 

Walang ganoong klaseng relasyon.. 

Kundi yung sa amin lang. 

"Alam ko sa sarili ko na girlfriend niya ako Shaira. Kaya kong tiisin yung ugali niya. Yung pagkamainitin ng ulo niya.. Yung pagka moody niya.. Yung pagiging aggressive niya.. Kaya ko lahat tiisin yun makasama ko lang siya.. Kahit alam kong ikakasal siya sa iba." Mapait na sabi ko. 

"Tignan mo? Napakalaki mong shunga. Hindi ko alam kung bakit pagdating sa kaniya eh tiklop ka kaagad. Samantalang kapag inagrabyado ka ng ibang tao hindi ka papayag na ganun-ganunin lang. We all know that you also have that bitchy attitude. Sadyang hindi mo lang kayang ipakita sa kaniya. Kasi ano?" -Shaira 

"Kasi mahal ko siya.." Mapait na sagot ko. 

Napatampal naman siya sa noo niya. 

Tahimik lang naman na nakikinig si Patrick at Danilo hawak ang kani-kanilang baso ng alak. 

Never silang nakielam sa usapang babae. 

They just listen and answer if you asked them to. 

Aminado naman ako. 

This is not the usual me. 

"Boss is calling.." Patrick showed Danilo's phone. 

"Malamang ipapahanap ka kay Danilo kung nasaan ka." Shaira said. 

MY HIGH-END SECRETARYWhere stories live. Discover now