Avery 25

32 3 8
                                    

A/n: Sana naman magcomment na yung Winnie the pooh na profile diyan :p 


AXEL LEGASPI'S POV 

I can't reach Avery and i can't find her inside the venue kaya naman dumiretso na ako sa bahay. 

Umaasa ang puso ko na sana nauna na lang siya umuwi pero mukhang ayaw umayon sa akin ng tadhana. 

*Door bell rings* 

Agad akong pumunta sa gate para buksan ito dahil baka si Avery na ito. 

"Mr. Velasco." Dissapointed na bigkas ko sa pangalan niya. 

"Avery is not here." Matigas kong sabi. 

"I know." He answered. 

Kumunot ang noo ko na tinignan siya. 

"She's at my house sleeping soundly.." Deretso niyang sabi. 

I clenched my fist! 

"Anong ginawa mo sa kaniya?!" Galit na hinawakan ko ang kwelyo niya! 

Umangat lang ang sulok ng labi niya. 

"She's tired.. You know what i mean right? O gusto mo pang ikwento ko sayo?" Maangas na sabi niya! 

Binitawan ko siya at nanlulumong napasandal sa gate. 

"I need her things. Yan ang pinunta ko dito." Matigas niyang sabi. 

Tinignan ko siya ng mata sa mata. 

"Paano ako nakakasiguro na kusa siyang sumama sayo? Na totoo ang pagbalik niya sayo? Dahil knowing Avery.. That was the least thing she wants to do!" 

"It seems that you don't know her well Legaspi. I am Avery's weakness and that's the painful truth for you." Sabi niya ng seryoso na siyang nagpasikip ng dibdib ko. 

"I need her things now. I'm going to wait for you here." Utos niya sa akin. 

Aalma pa sana ako ng pinakita niya ang litrato ni Avery na mahimbing na natutulog. 

Pinakita niya din ang date at oras. 

It was today and it was taken a few minutes earlier! 

"Avery is waiting for me Legaspi.." Dagdag niya pa! 

Wala akong magawa kundi pumasok sa loob ng bahay ko at umakyat sa kwarto ni Avery. 

Masama ang loob ko na kinuha ang mga gamit niya at ipinasok sa mga maleta niya.. 

Ang sakit masampal ng katotohanan.. 

Ang katotohanan na hindi ako ang laman ng puso niya. 

At kailanman ay hindi magiging ako. 


VINCE VELASCO'S POV 

Iniabot sa akin ni Legaspi ang mga maleta ni Avery. 

"I told you she was just sulking.. Right?" Sabi ko bago ako tuluyang sumakay ng kotse at humarurot pauwi. 

Serves him right! 

How dare you take my woman?! 

And now that Avery is back with me.. 

Hindi pa ako tapos sayo Legaspi. 



THE NEXT DAY 

AVERY GISON'S POV

MY HIGH-END SECRETARYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin