AVERY 31

31 3 2
                                    

SHAIRA PEREZ POV 

@EGC

Nakabalik na kami dito sa opisina. 

Kumunot ang noo ko ng makita si Avery na aligagang nangangalkal sa drawers niya. 

Nilapitan ko siya.. 

"Anong hinahanap mo?" Tanong ko sa kaniya. 

"Yung proposal na binigay mo kanina.. Nandito lang yun eh.. Dito ko lang iyon nilagay." Namromroblemang sabi niya sabay turo sa drawers niya na nakabukas. 

"Sure ka ba na diyan mo nilagay? Baka naman namisplaced lang?" 

Ako naman din itong naki hanap-hanap din sa lamesa niya. 

"Hindi eh. Sigurado ako na dito ko lang yun nilagay kanina" 

Dumako naman ang tingin ko kay Cheska na lumihis lang ng tingin sa amin. 

Mukhang hindi maganda ang kutob ko dito. 

Importante pa naman yung proposal na iyon. 

Inis ko siyang nilapitan. 

"Nasaan yung proposal?" Deretso kong tanong sa kaniya. 

"Ha? Anong proposal?" Halata namang nag mamaang-mangan siya eh! 

"Alam mo Cheska. Ilabas mo na yan buti pa. Kailangan na kailangan yan dahil proposal sa isang Vvip client yan." Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. 

"Anong proposal nga kase yan? Ano bang malay ko diyan sa mga pinag sasabi mo." Mataray niyang sabi. 

"Ms. Madrigal. Kung totoo nga na nasayo yang proposal please lang paki labas mo na. Nakikiusap ako ng maayos sayo." Avery said. 

"Talaga ba? Porket ba bago lang ako dito ako itong pinagdidiskitahan niyo?" Bwelta niya kay Avery. 

"Ikaw lang naman yung naiwan dito. Lumabas kaming apat para mag lunch." Tila nauubusan na siya ng pasensya. 

This is not good. 

Pinuntahan ko ang lamesa ko para hanapin yung itinabi ko na usb dahil nandoon ang original na file. 

Laking gulat ko nalang din nang hindi ko ito mahanap! 

"Pati ba naman yung usb ko dito pinakeelaman mo?!" Galit na sabi ko kay Cheska! 

"Alam mo sumosorba kana!" Bulyaw ko sa kaniya at handa ko na sana siya sugurin nang awatin ako nila Patrick at Danilo. 

"Calm down Miss Perez." Patrick warned me. 

"Ahhhhh.. Alam ko na.. Pinagtutulungan niyo ba ako? Asan ang ebidensya niyo kung talagang ako nga ang kumuha?" Nakapamaywang na sabi niya atsaka hinawi ang buhok niya! 

"Aba't!" Aambahan ko na talaga ang malditang to! 

"What the hell is happening here?!" Mr. Velasco suddenly appeared! 

Nice timing! Tignan natin kung paano ka ngayon Cheska? 

"Mr. Velasco. The proposal that I've submitted to Ms. Avery suddenly disappeared!" I reported. 

Umayos kaming apat ng tayo bilang respeto sa boss namin. 

"Disappeared?" Mr. Velasco asked with a frowned face. 

"Yes sir." I answered. 

"And why is Miss Madrigal involved in here?" He asked with a straight face. 

"Because she was the only one left here during lunch break" I answered firmly. 

"Is that true Miss. Cheska Madrigal?" He asked that woman. 

MY HIGH-END SECRETARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon