Patungo Sa'Kin

109 9 0
                                    

"Ken? Napa'no ka?" nababahalang tanong ni Paulo sa kaibigan nang makita niya itong umiiyak sa labas ng apartment niya.

"Pau..." Mas pumalahaw pa ito nang makita siya.

Agad niya itong hinila sa loob. "What happened?"

"Pau... niloko niya ulit ako." Para itong batang nagsusumamong sana ay patahanin na ang bawat masasakit na latay sa kaniyang puso.

Hinayaan niya lamang ang kaibigang umiyak nang umiyak. Tamang comfort lang. Gano'n naman palagi ang role niya sa buhay nito; comfort friend tapos paglipas ng ilang araw, makakalimutan siya ulit nito dahil balik na naman ito sa dating gawi - ang magpakatanga sa taong paulit-ulit namang nananakit.

Siguro ay tulad ni Ken, gano'n din naman siya. Kahit sobra na, tinotolerate pa rin niya. Kahit masakit na, nagpapanggap lang na okay pa. Kahit ang totoo ay durog na durog na naman talaga siya. Pareho lang naman sila ni Ken na mga tanga.

Napatingin siya sa kaibigang hapong-hapo. Nakatulog na ito sa kaiiyak habang nakaunan sa kaniyang kandungan. Mapait na napangiti siya ng pilit. Ayan na naman ang sakit na dumaan sa lalamunan niya. Ngunit may mas isasakit pa ba sa pusong nasasaktan na noon pa?

"Ayaw na naman niya sa'yo, bakit nanatili ka pa? Harap-harapan nang pinaparamdam sa'yong wala ka ng halaga, bakit mahal mo pa?" Bulong niya rito.

"Kung ayaw na niya sa'yo, tama na ang paghahabol. Bakit hindi mo na lang subukang maglakad patungo sa'kin?" Dagdag pa niya habang humugot ng malalim na hininga.

Nah, Just SeKenWhere stories live. Discover now