Gcash

126 10 1
                                    

Prompt: Natalo si Ken sa mobile game laban kina Justin at Josh kaya gagawin niya ang consequences na ibinigay sa kaniya.

_________________

Sa nanghahabang mga nguso, napapadyak siya habang inaayusan siya ni Justin. Masama pa rin ang loob niya. Ni sa hinagap niya, hindi niya naisipang magsuot ng ganito sa buong buhay niya. Pero ano nga ba ang magagawa ni Ken? Natalo siya.

Unexpected iyon. Akala niya mananalo na siya. Mukhang in-underestimate niya ang kakayahin ni Justin kanina. Confident kasi siyang matatalo niya ito dahil natalo rin ito ni Josh. Ang ending, siya pa ang natalo ng dalawa sa final round. Kaya heto siya, dressed like someone else.

"Tama na iyan!" reklamo niya.

Hinawi naman ni Justin ang kamay niya. "Teka nga lang sabi! Kanina ka pa likot nang likot. Bibigwasan na kita."

"Tsk!" Naiinis man ay wala rin naman siyang magawa. Nakabusangot na lang siya habang abala sina Josh at Justin na ayusan siya... o baka naman sirain ang dignidad niya. Alin man sa dalawa, mas nangingibabaw ang huli.

"Ayan, Jah. Kabit mo sa bewang niya. Natapos ko na ang bandang braso eh," utos naman ni Josh sa pinakabata sa kanilang tatlo.

"Of course, of course." Agad din naman itong tumalima. "Kuya Josh, butasan mo sa side rito."

"Hoy, tama na!" reklamo niya.

"Ay, anong tama na? Dapat ganito para naman kita ang abs mo," natatawang saad pa ng nakatatanda.

Wala na, sirang-sira na talaga ang pagkatao niya. Mas gusto niya na lang magkaroon ng alien invasion tapos kunin siya nang matakasan ang kahihiyang ito. Pero ang masamang balita ay wala namang alien invasion na nangyari maliban sa dignity assassination na nararamdaman niya ngayon.

______________________

Kasalukuyan na siyang naglalakad sa kalsada na parang sira. Well, sirang-sira naman na talaga siya. Palingon-lingon pa nga siya sa kotse ni Josh kung saan siya bumaba kanina. Nakita niya naman ang dalawang impakto na naka-thumbs up sa kaniya kaya ang ginawa niya, itinaas niya ang gitnang daliri niya.

Naalala niya pang inutusan siyang katukin ang itim na kotse sa 'di kalayuan. Ka-p-park lang nito kaya agad siyang pinasugod ng mga abno papunta sa nasabing kotse. Halos mangiyak-ngiyak na siya sa hiya nang pagtinginan siya ng mga taong nakakasalubong at nadadaanan niya.

Sino ba namang hindi mapapatingin kay Ken? Pakiramdam niya ay higit pa siya sa mapanghe; gutay-gutay ang suot niyang oversized shirt tapos puro pa uling ang mukha hanggang leeg. Mayroon pa sa braso tapos may cellophane pang nagsisilbing belt kuno niya sa bewang. Gulo-gulo pa nga ang kawawa niyang buhok.

Dignidad check: 0.1%

Lumunok muna siya bago kumatok sa bintana na nasa driver's seat. "Shuta, nakakahiya talaga ito."

Dahan-dahan namang bumababa ang bintana ng kotse at mas lalo pa siyang nawalan ng sasabihin sa tindi ng nerbyos. Buti na lang at madungis siya kaya hindi halata ang pamumula niya sa hiya.

"Yes?" wika ng isang lalaking hindi naman kagwapohan pero langhap na langhap niya agad ang mabangong perfume nito. Kahit na gaano ito kabango, hindi naman ito gwapo talaga.

Napailing si Ken sa kaniyang isipan. Sino bang niloloko niya? Aamin na siya. Sobrang gwapo nito. Ang liit ng mukha at mukhang fresh shaven pa ito. May dimples din ito no'ng ngumiti ito sa kaniya. Ang cute rin ng nunal nito malapit sa baba tapos ang pungay ng coffee brown eyes nito na parang nangungusap sa kaniya.

He swore na luluhod siya rito gamit ang isa niyang tuhod tapos bibigyan niya ito ng singsing. Napamura na lang siya sa hangin dahil sa kalagitnaan ng kahihiyan niya, nagawa pa niyang mag-space out tapos nagpapantasya pa siya rito. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya rito pagkatapos nito?

Bakit ba kasi sa mga pagkakataong ito pa niya ito na-meet? "Hey, you okay?"

"A-Ano... uh, palimos po." Ng pagtingin ninyo.

"Uhm... kape lang meron ako rito eh. Nakain ko na kasi kanina ang donut ko." Nahihiyang inabot nito sa kaniya ang kape. Partida, Shucksbucks coffee pa talaga ang iniabot nito sa kaniya. "Sorry ah. Hindi ako nagbibigay ng pera. I only give foods."

Hindi naman pera ang kailangan ko. "Ah, sir?"

"Yes? May kailangan ka pa ba?" tanong nito sa kaniya.

Sa utak ni Ken, pinapatay na niya sina Josh at Justin. Wala siyang nagawa kung hindi ay ang ipakita ang phone niya. "Sir, sorry po. Pa-gcash po pangkain lang."

Nakita niyang natawa ito. Mas nagpa-cute pa siya rito. "Sige na po."

"Awit, may QR Code ka pa talaga, 'no?" Natatawang napatampal na lang ito sa noo.

"Please po?" pagmamakaawa pa niya.

"Eh, ba't nanghihingi ka? Naka-iphone ka naman. Gino-good time mo ba ako? Prank ba 'to?" Wala na, bumunghalit na talaga ito ng tawa.

Bigla tuloy nawala ang hiya ni Ken nang marinig ang malakas nitong pagtawa. "Please po, Sir. Pahingi po... ng number ninyo."

Umiling naman ito habang pinapakalma ang sarili. "Awit. 'Di puwede."

"Username na lang po sa social media," pangungumbinsi niya pa.

"Aliw ka! Lakas ng amats mo!" komento nito.

Magsasalita pa sana siya nang bigla na lang siyang batukan ng kung sino. "Aray! Ano ba?"

"Ang sabi namin, mang-limos ka pang-gcash at hindi manghingi ng number. Bano!" bulalas ni Josh.

"Kuya, sorry po sa baliw naming kaibigan," singit naman ni Justin bago hinila si Ken papalayo.

Muli na namang naghuramento si Ken dahil sa hindi niya pa alam ang pangalan ng instant crush niya pero wala na, nagsimula na itong mag-drive palayo.

Hindi niya alam kung anong uunahin; ang umiyak o ang patayin ang dalawang damuhong na kaibigan.

THANK YOU FOR READING :)

Nah, Just SeKenWhere stories live. Discover now