1

64 0 0
                                    


It is still fresh in my memory, the day when I said my last I love you.

Ramdam ko pa din yung bigat at sakit ng araw na yon. Ever since that day, palaging nag re-replay sa utak ko ang scenario na yon.

It is very hard to let go a person who you made memories with for 4 years.

Is second chance even possible for us?

Will we ever cross paths again?

On the day we meet again, will there be no pain and will we stay forever?

ABI's POV

I'm at a local coffee shop doing my school works and reviewing for finals. Grabe na ang stress ko at ayoko na mag-aral! Huuyy! Di magiging tamad ang ferson dahil magiging rich tayo. I quietly scanned the whole coffee shop. Lovers here, lovers there, lovers everywhere! Walang forever! Bitter na kung bitter pero di kayo mag ta-tagal hmp!

"Abi! Dito ka pala nag re-review? 'Di ka man lang nag-aaya!" agad na lumapit sakin ang classmate kong si Meg. Close kami but we're not totally friends. We hangout kapag mga review for exams or quizzes ang aatupagin. I forgot to invite her kasi stress na talaga ko sa lahat lahat at na d-drain na ko T_T.

"Sorry Meg kung hindi na ko nakapag-sabi sayo. Sumabay kasi yung finals natin pati yung pastry shop ng ate ko. Alam mo naman, kapag sa restaurant sya nakatutok ako muna sumasalo sa pastry shop" pagpapaliwanag ko habang binababa nya ang bag ko na nakalagay sa upuang katapat ko at saka sya umupo.

"Ang sipag mo naman! Hayaan mo, diba pag uwi naman ng kuya mo from Australia eh sya na bahala don?" nakangiti nyang sambit habang nilalabas nya ang laptop at reviewer nya. "Arrggh! Sana nga, kasi baka hindi ko masulit yung bakasyon natin. Konting tiis na lang third year na tayo!"

We studied for about 3 hours pero I was there for 5 hours na siguro T_T huhuhu. Yung utak ko talagang umiiyak na for some rest. Habang nagliligpit kami ay may namukhaan ako sa labas ng coffee shop kaya nagmadali na ko at nag paalam kay Meg na mauuna na.

Nang makalabas ako ay tinapik ko kagad sya sa balikat.

"Bakla ka ang tagal mo!" pasigaw na sabi ni Tairah, bestfriend ko. "Apaka O.A mo hoy nakita ko kakarating mo lang" sagot ko at nagtawanan kami. Sumabay ako sa kanya since hindi ako masusundo ni daddy. Isa pa, magkatabi lang naman bahay namin aarte pa ba ko!

After 30 minutes, we finally got home. "Thankiiieee! Pasabi pala kay Theo yung mga reviewer na hiniram nya sakin isoli nya na lang ha?" bilin ko kay Tairah habang pababa ako ng sasakyan nila. "Sige no problem. Pumasok ka na, baka gusto mo hatid pa kita sa pinto nyo?" pabiro nyang sabi na tinawanan ko lang at agad na ko pumasok sa bahay.

"Hi ma" bati ko nang makita ko si mommy na kabababa lang. "Oh ginabi ka na ata? Kasabay mo ba si Tairah?" tanong nya at saka nya ko bineso. "Opo, nag review pa kasi ako kanina kasama ko si Meg. Masyado kami nahirapan eh" nilapag ko ang bag ko sa sofa at saka ko ibinagsak ang katawan ko para makahiga. "Abi, sabi ko naman sayo wag mo masyado pagurin ang sarili mo. Natututukan pa din naman ng kuya mo ang pastry shop ng ate mo kahit nasa Australia sya" umupo si mommy sa paanan ko at tinatapik ang binti ko. "Mommy, gusto ko pa din makatulong sa kanila, tsaka di naman ako lugi kasi sinuswelduhan ako hehe" ngumiti si mommy at tumayo. "O sya, umakyat ka na para makapag palit ka at makapag dinner na tayo. Gabing gabi na makakauwi ang daddy mo" utos ni mommy at dumeretso sya sa kitchen.

Umakyat ako papunta sa kwarto at naglinis ng katawan. After kong makapag palit ng damit ay umupo ako sa kama at binuksan ang laptop ko. Agad kong chineck ang mga follow at friend requests ko sa mga social media. As usual, sabog pa din notifications ko. I'm not a queen bee pero di ko din alam bakit popular ako sa University. Habang iniisa isa ko ang requests ay may nakakuha ng atensyon ko.

The Last Day I Said I Love YouWhere stories live. Discover now