2

30 0 0
                                    

The next day...

ABI's POV

Kagat kagat ko ang pencil ko habang tinititigan ko ang librong sinusulatan ko ng notes at kung anek anek para sa pag re-review ko. Hindi ako makapg focus dahil naiisip ko pa din yung kagabi. Letche talaga! Baka bumagsak pa ko nito dahil lang sa lalakeng yon.

Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at luminga sa paligid. Halos lahat ay busy sa pag re-review at wala ni isang papetiks petiks! Inangat ko nang bahagya ang libro para matakpan ang mukha ko at agad na hinanap ng mata ko si Theo. Matagal tagal na din bago ko na realize na may gusto ako sa kanya. Si Theo ang kambal ni Tairah, at dahil best friend ko si Tairah at magkatabi lang ang bahay namin ay madalas ko talagang makita o makasama si Theo. Bonus pang kaklase ko sya HAHAHAHAHA.

Kay Theo na lang ako humuhugot ng lakas para sa finals at para sipagin pa ko sa pastry shop ni ate. Ilang minuto na din pala ang lumipas at nakatitig pa din ako kay Theo. Okay lang, wala namang makakapansin dahil abala ang lahat. Kabisado ko na ang bawat detalye sa kanya. Maitim at wavy hair na laging mukhang messy, brown at mapungay na mga mata, matangos na ilong at manipis na labi. Matangkad at moreno, gentelman tapos matalino. Sino bang hindi mahuhulog sa kanya?

"Ahhh crush mo pala si Theo ha?"

O_O

Agad akong napalingon sa kaliwa at naka ngiting nakatingin sakin si Tairah. Hoooyyy kanina pa ba sya dyan? T_T huhuhuhu

"Crush? Pinagsasabi mo?" binaba ko ang libro sa desk at nag umpisa ulit na magbasa.

"Suuuuusss. Itatanggi mo pa eh kanina ka pa nakatitig sa kapatid ko. Halos matunaw na nga eh"

Ponye-

"FYI nag re-review ako. Nag me-memorize ako ng formula. Nagkataon lang na sa kanya ako napatingin" pag papalusot ko na for sure 'di nya nanaman paniniwalaan.

"Ahhh may formula na pala ang RPH? Mukhang hindi ako nagbabasa ah" ngumiti si Tairah at bumalik sa upuan nya.

O_O

Tiningnan ko ang hawak kong libro at yung pinaka malalang term ng shunga eh AKO. Potek! Sumablay pa ko sa pag papalusot, nalaman pa tuloy nung kapatid waaaahhhh! Memorizing ng formula? Tas hawak ko palang libro RPH? Aaaarrrgghhh!

Kinuha ko ang phone ko para i-check ang oras nang may mag chat sa akin.

Theo: u look so stressed. u still fine back there?

OMG! Nakalimutan ko na kung pano humingaaaaa!

Tiningnan ko sya at nakatingin sya sakin habang tinataas ang kilay nya.

Me: well, medyo. lately kasi super busy talaga

Theo: hindi mo naman kasi need i-force yung katawan mo sa pag papagod. ang liit mo na nga tas pinapagod mo pa sarili mo hahahahaha jk

Me: lol. isoli mo na lang yung mga reviewer na hiniram mo sakin. baka matuwa pa ko sayo

Theo: tapos mo naman na reviewhin ang mga yon eh. libre na lang kita later?

Me: weh? hindi ba yan scam?

Theo: ayaw mo ata eh

Me: ayaw ka dyan! sgesge mamaya after mag review

Theo: : )

Ibinulsa ko ang phone ko at nag focus na ulit sa pagbabasa.

The Last Day I Said I Love YouWhere stories live. Discover now