4

26 0 0
                                    

ABI's POV

"Call me by my second name...Shannayah"

It was the first time I heard someone called me by my first name. It hits different. I feel electricity all over my body and kinda tickles me. I feel like I'm a new person.

Morris

Is it weird if I call him by his second name? I mean, hindi naman kami talaga super close eh. Ngayon ko nga lang sya nakasama na hindi namin kasama si Tairah. Why does he want me to call him by his second name?

"Why do I have to call you by your second name pala? Aren't you comfortable na I call you Theo?" confused kong tanong sa kanya.

"Let's say na I'm tired of people calling me by my first name. Tsaka hindi ba yon okay sayo? Tatawagin mo ko sa second name ko tapos tatawagin kita sa first name mo ^____^"

I still can't get his point pero sumang-ayon na lang din ako. Parang ang saya din naman kung may ibang tao na tumatawag sa first name ko hehe. Nag maneho na si Morris at lumipas ang 20 minutes ay nakarating kami sa park.

"Anong ginagawa natin dito? Akala ko uuwi na tayo" pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sa timgin ko kasi, kailangan nating dalawa ng sariwang hangin" bumaba sya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Pag baba ko ay dumampi agad sa balat ko ang lamig ng hangin sa park dahil may river dito. Hindi ganoon karami ang tao kaya naman payapang tingnan ang lugar. May mag isa lang, may mag jowa, merong pamilya at meron din na pets lang ang kasama. I find it peaceful at ngayon palang ata ako nakapunta dito.

"Malapit lapit 'to sa hospital namin kaya natuklasan ko ang park na 'to" pag sisimula nya. Umupo kami sa damuhan sa tapat ng river at maya maya pa ay humiga sya. "Look at the stars, ang ganda..." pag tuturo nya sa langit. Tumingala ako at humiga rin sa damuhan katabi nya. "..ngayon ko na lang ulit natitigan nang ganito ang langit" pag papatuloy nya.

Matagal kaming natahimik at ninanamnam lang ang hangin habang nakatingin lang kami sa mga bituin. Ngayon ko lang naramdamang maging magaan. Parang wala akong nararamdaman na kahit anong bigat o problema. Masyado ako na stress sa school, sa shop tapos dumagdag pa si Yvo. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na makikita ko sya ulit. Hindi ko pinag handaan ang ganong sitwasyon kaya para akong statue kanina sa pag kabigla. Kung may girlfriend na pala sya, bakit pa sya nagparamadam sa social media ko? Bakit pa sya nag message sa akin?

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah" pag babasag ni Morris sa katahimikan. Tiningnan ko sya at hindi ko inaasahang nakatingin sya sa akin.

"Hindi ko kasi alam na...magkikita ulit kami ni Yvo...sa dami ng mga posibleng araw, hindi ko inaasahang ngayon pa" ngayon ang araw na nag hiwalay kami.

~FLASHBACK~

June 30, 2022

9:34 pm

Parking lot ng T.U

"Mahal, kanina pa kita hinihintay. Isang oras na ko dito : <" pag tatampong sabi ko kay Yvo na kadadating lang para sunduin ako gamit ang motor nya.

[Play Pagsuko by Jireh Lim]

"Pinag isipan ko pa kasi nang mabuti Abigail"

Abigail? Ngayon ko na lang ulit sya narinig na tawagin ako sa pangalan ko. Hindi naman kami nag away ngayong araw eh? Wala din naman akong kakaibang kutob. Bakit parang seryoso nya ata?

"Mahal, may...problema ba?" mahinahon na tanong ko sa kanya.

"Tapusin na natin 'to Abi" nakayukong sambit nya.

The Last Day I Said I Love YouWhere stories live. Discover now