5

24 0 0
                                    

ABI's POV

Maaga akong nagising kaya naman maaga din akong nakarating sa school. Nakaupo ako at tulala lang sa blackboard. Parang naalog utak ko mula sa mga nangyare kahapon. Hindi pa din nags-sink in sa akin lahat ng nangyayare.

I stood up and decided na magpunta sa library para malibang ang utak ko. Ayoko din naman na maabala nang ganito kaaga si Morris.

Nang makapasok ako ay agad kong nilibot ang library para makapag hanap ng libro na magkakaroon ako ng interes. Habang naghahanap ng libro na mababasa ay napansin ko ang mata ng babaeng katapat ko sa kabilang side ng bookshelf. She looked surprised at first then smiled at me. Nawala sya at ilang saglit pa ay lumapit sya sa akin.

"Abi, bakit bigla na lang kayo umalis kahapon? Medyo napahiya ako sa boyfriend ko" ang malungkot na pag kakasabi nya habang nakahawak sa balikat ko.

"Ahhh...sorry Analaine, bigla na lang din kasi ako hinatak ni Morris para umuwi" paliwanag ko at nag panggap na magtuloy sa paghahanap ng libro.

"Morris? Since when did you call Theo with his second name?" Biglang tumaray ang tono ng pananalita nya at nang sasagot na sana ako ay may bigla na lang nagsalita sa likuran namin.

"It's none of your business" malamig na sabat ni Morris.

Tiningnan ko sya at hinatak nya nanaman ako palayo kay Analaine. Hobby talaga nito na hatakin ako! Baka mamaya kakahatak nya sa akin eh matanggal na braso ko! Nang makalabas kami sa library ay iniharap nya ako sa kanya.

"Bakit ang aga mo? Isasabay sana kita sa pag pasok pero sabi ni tita maaga ka daw umalis sa inyo" nag simula akong maglakad papunta sa direksyon ng garden.

"Maaga ako nagising eh. Tsaka mas okay nang maaga kesa late noh" sagot ko at nagmadaling tumakbo papunta sa bench na nasa ilalim ng puno.

"Well from now on, kasabay mo na ko pumasok at umuwi" bakas sa boses nya ang awtoridad. Akala mo boss kung mag salita pero sige, si Theo Morris Antonio na yan eh tatanggi pa ba ako?

At dahil masyado pang maaga ay inubos namin ang oras namin sa pagku-kwentuhan at pagbibiruan. Sa gitna ng pag uusap namin ay may babaeng lumapit samin at mukha syang nasa high school.

"Kuya Theo, nasa clinic si ate. Ikaw hinahanap eh" balisang sabi nito. Habang si Morris naman ay parang walang naririnig. Sino ba 'to? Tsaka sino ba ate nya?

"Uhmm hi, sino ba ate mo?" Malumanay kong tanong, bago pa makasagot sakin yung babae ay inunahan agad sya ni Morris.

"Ano ba nangyare?" Walang emosyon nyang tanong. Halatang naiinis kay Morris yung babae pero sinabi nya pa din kung ano ang nangyare sa ate nya. Bigla na lang daw sumakit nang sobra ang tiyan ng ate nya.

Sumunod naman si Morris sa babae kaya sumunod na din ako. Pag dating namin sa clinic ay hindi ko inaasahang si Analaine ang dadatnan namin. Kumunot ang noo nya nang makita ako pero itinuon nya ang pansin nya kay Morris.

"Theo...I'm so glad you're here. Ngayon na lang ulit ako sinakitan ng tiyan at hindi ko alam gagawin k-"

"Bakit ako pinatawag mo?" Malamig na tanong ni Morris.

"W-what? What do you mean? Of course you know what I go through" sagot ni Analaine.

"Asan boyfriend mo? Hindi nya ba alam?" malamig pa din na pag tatanong ni Morris.

Hindi makapag salita si Analaine at nanatiling nakayuko ang ulo nya. Humarap si Morris sa babae kaninang lumapit sa amin.

"Allaine, sa susunod na mangyare yan..hindi ako ang pupuntahan mo kahit pa inutos ng mommy o daddy mo. Hindi ko responsibilidad ang ate mo, naiintindihan mo ba?" sambit ni Morris at maririnig mo ang inis sa boses nya. Tumango lang ang babae at tumingin nang masama kay Analaine. Si Analaine naman ay parang maiiyak na ewan. Hinatak ako ni Morris palabas ng clinic at naglakad na para bang walang nangyare. Naguguluhan ako. May alam ba sila na hindi ko alam? Habang naglalakad ay nagulat ako nang bigla na lang sya huminto at humarap sa akin na may malaking ngiti.

The Last Day I Said I Love YouWhere stories live. Discover now