1

470 17 1
                                    

LISA'S POV

"Lisa anak, sa philippines ka muna mag aaral." Sabi saakin ng aking nanay.

"Bakit po ma?" Tanong ko sa kaniya.

"Miss kana ng mga lola at lolo mo gusto nila makasama ka, kaya sana pag bigyan mo sila.

Alam ko naman bakit gusto ako ni mama pauwiin sa phiippines, dahil ayaw ng bago niyang asawa na kasama ako sa iisang bahay.

Dahil anak ako sa labas ng aking nanay. Noon pa lang mainit na dugo niya saakin, nung tumira ako sa kanila.

Pina layas kase ako ng bagong asawa ni papa. Ayaw niyang doon ako tumira, kaya ganito din galit ko sa tatay ko, dahil hindi manlang niya ako pinag laban.

Papa's girl ako at mas close ako sa tatay ko kesa sa nanay ko na, pinapabayaan lang ako. Hindi ko ramdam pag mamahal niya saakin, siguro dahil bunga ako ng pag tataksil niya sa asawa niya.

Wala din naman ako magagawa, dahil ayaw ko din naman tumira dito. Napilitan lang ako, dahil naki usapp ang tatay ko sa nanay ko na kupkupin ako.

"Ok po ma, kailan po ang alis ko?' Tanong ko sa kaniya.

"Bukas sana anak, may ticket kana. Tatay mo nag asikaso ng papeles mo at ticket pa puntang pilipinas." Tumango nalang ako kesa mag tanong pa.

"Pasok po muna ako sa kwarto, aayusin ko lang po gamit ko, staka doon po muna ako kila Bambam, hanggang sa makaalis ako ng bansa." Sabi ko sa kaniya.

Bago ako umakyat may sinabi ang nanay ko.

"Pasensya na anak napapabayaan kita, alam mo naman sitwasyon natin." Hinging paumanhin niya na kina tango ko lang, at umakyat ng pataas.

Pag pasok ko ng kwarto, agad kong kinuha ang mga damit ko at mga mahahalagang gamit ko.

Pag tapos ko mag ayos, napag desisyonan kong bumaba na, bitbit ang maleta ko.

"Sinabi mo na ba sa bastarda mong anak, na sa philippines na siya titira at hindi na siya pwede sa pamamahay ko?" Pag karinig ko sa sinabi ng stepfather ko.

"Sinabi ko na, kaya sana tumahimik kana. Ito na pinapaalis ko na anak ko, kayo pinili ko kaya sana tumigil kana. Alam kong nag kamali ako, sana naman huwag mo na idamay 'yung bata. Wala siyang kasalanan dito, ako ang may kasalanan." Hindi ko maiwasan mapa hawak sa dibdib sa mga narinig ko. All this time akala ko walang pake saakin nanay ko.

"Anong walang kasalanan, siya nga ang bunga ng pag tataksil mo!" Hindi na naka imik nanay ko, dahil may point naman ang step father ko.

Napag desisyonan ko ng bumaba.

"Huwag po kayo mag alala, hindi na po ako makiki tira sa inyo. Tama po kayo ako ang bunga ng pag tataksil ng nanayko, kaya sana mapatawad mo po ang nanay ko. Ako na po ang kusang aalis at puputulin ko na po ugnayan namin ng nanay ko, sa ka itatahimik ng pamilya niyo." Lintaya ko.

"Mabuti naman nakiramdam ka din, ikaw lang anay sa pamilya ko. Miski sarili mong tatay, hindi ka maipag tanggol dahil ikaw ang anay, ikaw ang bunga ng pang loloko nila saakin." Hindi ko na maiwasan na masaktan at umiyak, dahil below the belt na mga sinasabi niya.

Tinignan ko ang nanay ko wala manlang siyang reaction, naka tungo lang siya kaya lumabas na ako.

Bago ako lumabas narinig ko pa sinabi ng stepfather ko.

"Huwag mo ng kontakin ang bastarda mong anak at bigyan ng pera. Hindi mo na siya obligasyon." Hindi ko maiwasan na mapa yukom ng kamao sa sagot ng nanay ko.

"Don't worry, hindi ko na siya kokontakin at bibigyan ng pera basta patawarin mo lang ako at ayusin natin itong pamilya natin." Ang sakit marinig sa mismong bibig niya ang sinabi niya.

Love is a lie (Jenlisa)Where stories live. Discover now