23

142 11 1
                                    

Lisa's PoV

"Shh huwag kayo maingay mamaya magising si Lisa at Jennie sa kaingayan niyo." Saway ng isang boses na naririnig ko.

"Ay sorry sorry." Maya-maya napag desisyonan ko ng dumilat dahil nauuhaw ako.

"Ang ingay niyo. Pahinging tubig." Sabi ko sa kanila.

"Hala gising kana pala." Tinignan ko lang siya.

"Tubig lisa." Abot ni bambam saakin, na agad ko tinanggap.

"May masakit ba sa'yo?" Tanong niya.

Tinuro ko naman ulo ko, dahil kumikirot.

"Si Jennie, kumusta siya?" Tanong ko sa kanila.

"Nandito si Jennie, ayun oh naka higa sa sofa." Turo ni Ryujin.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong ok siya.

Baba sana ako ng pigilan ako ni Bambam. "Hintayin muna natin ang doctor, bago ka bumaba baka mapano ka." Sabi niya.

"Hindi ako baldado Bambam." Napa kamot naman siya sa pisnge niya.

"Alam ko pero hintayin muna natin 'yung doctor, staka hayaan muna natin matulog si Jennie." Tumango nalang ako habang tinitignan si Jennie.

Maya-maya dumating na ang doctor at binilinan ako ng dapat kong gawin, staka gamot na dapat kong inumin.

"Bam, pwede mo ba buhatin si Jennie i-higa mo dito." Sabi ko sa kaniya na agad naman niyang sinunod.

"Ok kana ba?" Biglang salita ni Jisoo.

"I'm fine." Sagot ko.

Nang mailapag na si Jennie ako naman ang bumaba staka umupo sa upuang katabi ng hinihigaan ko.

"Hanep Disney princess pala itong si Jennie, baliktad ah dapat patient ang naka higa diyaan." Binatukan naman ni Yeji si Ryujin sa sinabi niya.

Maya-maya nagising na si Jennie. "How your sleep?" I ask her.

Natawa naman ako ng palihim dahil sa itsura niya, para siyang naka kita ng multo.

"L-lisa." Nauutal na tawag niya sa pangalan ko.

"Hmm."

"B-bakit nandito ako?" Tanong niya.

"Kase natutulog ka?" Inirapan naman niya ako sa sagot ko.

"Nakita kase kitang nahihirapan matulog sa sofa, kaya pina buhat kita kay Bambam para ilipat ka dito." Pag papaliwanag ko.

"Ah guys sige lalabas muna kami ah, bigyan muna namin kayo ng moment para mag usap." Paalam nila.

Tumango lang ako bilang sagot, habang naka tingin pa din kay Jennie.

"I'm sorry." Hinging paumanhin niya.

"Sorry for what?" Tanong ko.

"Dahil saakin, napahamak kananaman." Naka yukong sabi niya.

Napansin kong may luha ng lumandas sa mata niya, kaya kumuha ako ng tissue at hinawakan ang mukha niya. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa mata niya.

"Don't blame yourself, hindi mo kasalanan mga nangyayari saakin. Ok kana ba?" Lalo siyang umiyak kaya hindi ako nag dalawang isip na yakapin siya.

"Shhh it's ok." Pag papatahan ko, pero imbis na tumahan lalo siyang umiyak.

Naku naman papaano ko mapapa tahan 'to.

"M-may masakit ba sa'yo, sabihin mo ano gusto mo?" Natatarantang tanong ko dahil mas lalong lumakas ang iyak niya.

Love is a lie (Jenlisa)Where stories live. Discover now