5

161 13 0
                                    

"Anak, gising kana pinapatawag ka nila señorita." Nagising naman ako sa pag yugyog saakin.

"Good morning po nanay V." Bati ko kay nanay.

"Good morning din anak, tara na bangon kana diyaan dumating na sila señorita gusto ka nila kausapin." Tumango naman ako at nauna na bumaba si nanay.

Nag hilamos at nag toothbrush muna ako, dahil nakakahiya sa kanila kapag magulo ang buhok at walang ayos.

Pag baba ko nakita ko na agad ang dalawang matanda, mukhang nag uumagahan.

"Good morning po." Bati ko sa kanila at yumuko pa, bilang pag galang.

"Kumain kana muna may pag uusapan tayo." Tumango naman ako.

Habang kumakain kami ay naka tingin lang sila saakin, medyo naiilang ako sa tingin nila.

Pag tapos namin kumain ay nag presinta akongmag hugas, pero hindi pumayag si nanay v, dahil gusto daw ako kausapin ng dalawang matanda.

Pag pasok ko sa office ay agad ko na datnan ang dalawang matanda.

Pinaupo nila ako agad.

"Kumusta ang pag aaral mo?" Tanong saakin ng lola ko.

Medyo kinakabahan ako kapag kausap sils, parang anytime lalapain ako.

"Ok lang po, marami pong mga activities pero nagagawa ko naman po agad." Sabi ko sa kaniya.

"Mabuti naman. I want to tell you na bibigyan ka namin ng motor, pang pasok mo sa school." Nagulat naman ako sa sinabi ng lolo ko, kase ang expect ko palilinisin nila ako ng bahay or pag lalabahin.

"Po?" Tanong ko para sure, baka nabingi lang ako eh.

"I said, I give you a motor for your school. Sabi saakin ni Valintina, nag lalakad ka lang pag papasok." Ano kaya pumasok sa isip nila at bibigyan nila ako ng motor.

"Huwag na po, nakakahiya po staka mas sanay po ako nag lalakad lang pag papasok sa school. Staka hindi po ako marunong mag motor." Tanggi ko dahil hindi naman ako marunong mag motor.

"Papaturoan kita kay Albert, kaya tanggapin mo na. Gusto namin bilang kapalit mag aral ka lang ng mabuti." Hindi ko alam ano i-rereact ko.

"Pwede kana lumabas, simula ngayon tuturuan ka ni Albert, may motor na kaming binili para sa'yo." Sabi saakin ng lolo ko.

"Maraming salamat po, aasahan niyo po na gagalingan ko po sa school ko." Tumango lang sila staka ako lumabas. Hindi ko maiwasan hindi mapa ngiti ng malaki.

Sana mag tuloy-tuloy itong magandang samahan namin ng grandparents ko, kahit manlang sila. Gusto ko maranasan ng isang pamilya na hindi ko naranasan sa mga magulang ko.

"Mukhang ang ganda ng ngiti natin anak ah, mukhang maganda ang usapan niyo ng lolo at lola mo." Ngumiti naman ako ng malaki kay Nanay v.

"Ah opo nay, at lubos po na ikinasasaya ng puso ko ang pag uusap namin." Tinap-tap niya ang balikat ko.

"Kamukhang-kamukha mo talaga ang Lola lari mo." Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ah excuse me po sino po si Lari?" Tanong ko dahil matagal ko na naririnig 'yang pangalan na 'yan, sa biological mother ko.

"Halika kwentuhan kita tungkol sa kaniya." Inaya niya ako sa kusina.

"Maupo ka lang diyaan anak, ikukwento ko kung sino si Lola Lari mo." Sabi niya saakin at tumango naman ako.

"Ang Lola Lari mo ay kapatid ni Señora, na dating kasintahan ko. Bestfriend ko ang lola mo, dahil sa lola mo bakit ko nakilala si Lari. Nung una para kaming aso at pusa, lagi niya akong inaasar nung kapanahunan namin. Kaklase ko ang lola mo habang si Lari naman ay Senior namin. Mas ahead siya ng isang taon saamin ng lola mo. Alam mo bang ang lola lari mo, sikat noon sa university na pinasukan namin. Maraming nag kakagusto sa lola mo lalo na mga babae." Tama ba narinig ko babae?

Love is a lie (Jenlisa)Where stories live. Discover now