10

238 12 2
                                    

Pag dating namin sa isang sikat na bar dito daw sa bgc. Halatang mga mayayaman nandito, sa mga sasakyan pa lang eh.

Mga naka sport car.

"Good evening ma'am, nasabihan na po kami ni manager tungkol sa pina reserve niyong VIP room." Tumango naman si Jisoo at nag pasalamat.

Pag pasok namin amoy agad ng alak ang naamoy ko pati na din mga vape.

"Grabe ang daming tao, sabagay weekends ngayon kaya madaming mga kabataan kagaya natin nag aaliw-aliw." Sabi ni Jeongyeon.

Tama siya ang daming tao. Una agad napansin ko ang isang groupo ng kalalakihan. Agad na may lumapit saamin.

"Hi girls, mukhang mag sasaya din kayo ah." Sabi naman ng isang lumapit saamin, mukha siyang manyak pero may itsura.

"Obvious ba alangan naman mag dasal kami dito." Masungit na sabi ni Solar.

"Oh I like that, ganiyan ang mga tipo ko ang mga masusungit. By the way I'm Erik." Pag papakilala niya sabay lahad ng kamay kay Solar.

Tinignan lang siya ni Solar at tinignan ko si Moonbyul. Tinitigan niya ang lalaki, mukhang pinapatay na niya sa isip niya.

"Ang arte mo naman Miss, nakikipag kilala lang. Gusto niyo ba sa table namin, papakilala ko kayo sa mga kaibigan ko. For sure masasayahan kayo mamaya." Nakangiting sabi niya. Sa totoo lang mukha siyang tanga, naka ngisi pa siya at pasimpleng dinilaan ang ibabang labi.

"Hindi kami interesadong makilala kayo, kaya pwede ba padaan kami dahil may pina reserve kaming room." Sabi naman ni Jisoo at nilagpasan na niya habang hila-hila si Rosé.

Sumunod naman kami sa kaniya at tinapik naman siya ni Jeongyeon sa balikat.

"Better lock next time, bro pero mga girlfriend namin itong kasama namin." Natatawang sabi niya.

Hinawakan ko si Jennie, baka mawala kase eh. Baka bigla nalangmay humila sa kaniya, mabilis pa naman siyama hila dahil sa payat niya.

Pag pasok namin bunganga ni Moonbyul at Seulgi naririnig namin.

"Bwesit na unggoy 'yun, balak pa ata tayo i take out, nag aya pa sa table nila. As if naman kakain tayo ng tite." Sinampal naman ni Solar sa bibig si Moonbyul.

"Your mouth." Nag sorry naman agad si Moonbyul.

Siraulo talaga walang filter ang bunganga. Inalalayan ko si Jennie maka upo, nakita kong naka titig siya saakin.

Pansin ko kanina pa siya tahimik. Ano kaya problema niya, nakakapanibago. Madalas ko kase siya naririg mag salita like mag kukwento siya sa nangyari nung nag photo shoot siya.

"Hey, are you ok?" Kalabit ko sa kaniya. Nagulat naman siya at hinampas ako sa braso.

"Bakit ba nanggugulat ka?" Mataray na tanong niya.

"Sorry na kanina ka pa kase tahimik, hindi ako sanay. Alam mo sanay akong bunganga mo lagi naririnig ko, nanghihina ako pag hindi kita naririnig mag bunganga eh." Pinalo niya ulit ako.

"Pinapa mukha mo bang bungangera ako?" Tumayo pa siya sabay naka pamewang.

"Wow hot este hindi ah, naninibago lang kase. Diba lagi kangmay kwento, ang sungit mo talaga at sadista." Sabi ko sa kaniya at tinignan ang braso kong hinampas niya.

"Can I see kung namumula ba." Bigla naman ako nagulat sa ginawa niya, inangat niya lang naman manggas ng t-shirt ko at hinimas ang braso kong hinampas niya.

Agad ko naman binawi ang braso ko. "Hehe ok na, huwag mo na tignan. Alam mo uminom nalang kayo. Manonood ako." Sabi ko sa kaniya.

Tinaasan niya ako ng kilay. Ano nanaman ba problema nito, parang walang araw hindi ako tinataasan ng kilay nito ni bakekang ah.

Love is a lie (Jenlisa)Where stories live. Discover now