9

149 11 0
                                    

"Iha, anak pinapasabi ng lola at lolo mo hindi daw muna sila makakauwi ngayon. " Nalungkot naman ako, dahil hindi ko nanaman sila makakausap.

Nasanay na kase ako na lagi silang kausap.

"Ganon po ba, nay sayang naman balak ko pa naman mag luto ng sinigang na hipon." Malungkot na sabi ko.

Favorite daw kase ng lolo ko 'yun. Pinag aralan ko pa ang putahe na 'yun, para may mailuto ako sa kanila.

"Hayaan mo anak, pag dumating sila pag lutuan mo. Oo nga pala may isang kwarto na bakante, lumipat kana daw doon pina renovate pa ng lola mo 'yun. Para sa'yo staka 'yung dati mong kwarto, balak gawin ng lola mo study room at gaming room para hindi ka maboring dito sa bahay." Natuwa naman ako sa sinabi ni nanay, kaya agad ako pumunta sa bago kong kwarto.

Grabe ganito pala feeling ng may lolo at lola. Sa side kase ng biological father ko, namatay na ang parents niya kaya hindi ko din sila nakilala.

Pag dating ko sa kwarto ko namangha ako kase sky blue ang kulay ng kwarto ko, tapos may mga cloud pa. Mukhang inalam talaga nila lola kung ano ang mga favorites ko.

Inilibot ko pa ang kwarto ko, bago ko napag desisyonan ilipat na ang mga gamit ko. Tinulungan din ako nila nanay, kaya mabilis din ako natapos.

Naka arrange na din itong kwarto, kaya hindi na din ako mahihirapan mag arrange pa.

Grabe ang laki parang master bedroom na din, may tv na at ref pati sofa, parang condo na din ito.

Kung bumili kaya ako ng computer set at iba pang mga video games. Sabihan ko nalang sila lola na huwag na gawing gaming room, 'yung dati kong room para hindi na din ako mahirapan pumunta pa doon.

Napag pasyahan ko na maligo, dahil may lakad din kami nila Jisoo. Nag kayayaan kase mag bar, hindi naman ako umiinom pero sasama pa din ako. Baka sabihan akong kj staka nakakatamad din dito, wala naman sila lola kaya sasama nalang din ako.

Pag tapos ko maligo nag make up ako ng light, sabi kase nila Jisoo mag make up ako kahit light lang. Hindi naman ako marunong but I watch on YouTube.

Then after my make up lumabas na ako, nakita ko pa si nanay v nanonood ng tv.

"Nay, alis po muna ako." Paalam ko sa kaniya.

"Saan ka pupunta anak?" Tanong niya saakin.

"Hmm nay, pwede po ba huwag po muna ninyo sabihin kila lola na mag babar po ako. Promise hindi po ako iinom, sasama lang po ako. Mag u-unwind lang po kami kakatapos lang po kase ng prelim." Ako nalang mag sasabi kila lola pag uwi. Hindi ko kase sila ma contact, busy ata sila.

"Ok basta 'yung promise mo, hindi ka iinom at umuwi ka bago mag hating gabi." Lumapit naman ako at yumakap sa kaniya.

"Opo promise, hindi po ako iinom. Kakain lang po ako ng pulutan." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Oh siya umalis kana, baka inaantay kana ng mga kaibigan mo." Tumango naman ako at nag paalam na.

Bago ako umalis tinext ko pa sila Jisoo, sa bahay nila ako pinapapunta dahil utos daw ng kapatid niya.

Pag dating ko sa bahay nila agad ako pinapasok ng guard, kilala naman nila ako dahil madalas ako sa bahay nila Jisoo.

Pag pasok ko sa gate nila rinig ko na agad ang ingay at sigawan nila Seulgi, mukhang nandito din sila.

Pag pasok ko sa loob, may humampas ng unan sa likod ng ulo ko.

Narinig kong nag tawanan pa sila kaya naman sinamaan ko sila ng tingin.

"Gago ka Moon, masakit ah." Sabi ko sa kaniya, dahil siya ang namalo ng unan saakin.

"Ang tagal mo kase, kanina pa kami dito. Mabuti nag memake up pa si lovey mo." Inirapan ko naman siya at sinenyasan ako ni Jisoo na umakyat sa itaas.

Love is a lie (Jenlisa)Where stories live. Discover now