VI. Of those that speak of faith and devotion

196 16 6
                                    

══════════════════

Content Overview
Heavy on religion.
This will tackle the religion of Catholicism.

Disclaimer
This is NOT written, in any way possible, to speak badly of the Church and the Catholic Faith.

══════════════════

Para sa mga gabing pundido ang buwan.

Para sa mga pananampalatayang naligaw ng landas.

"Tagu-taguan, bilang na'ng mga buwan."
Dilaw on their song,
KALOY

══════════════════

Entry VI.
ANG KUWENTO NG LABING-WALONG-TAONG PANANAMPALATAYA SA BINONDO

Kapag daw ang bata lumaki sa dasal at misa, tila magiging bendisyon daw iyon ng Diyos at ilalayo ang bata sa kapahamakan pagtanda. Kaya ang mga matatanda, sapilitang kinakaladkad ang mga apo't-anak nila sa Simbahan ng Binondo. Kumpleto sa misa—umaga, tanghali, at gabi. Sa umaga, hindi tilaok ng manok ang gigising kun'di ang tunog ng kampana. Senyales na iyon ng panibagong araw ng paglilingkod sa Panginoon.

Ang bata, mulat sa relihiyon mula kinagisnan sa mundong ibabaw. At para kay Gani na nakasanayan na ang ganitong maghapon ay wala nang hirap. Sa labing-limang taon niyang halos manirahan na sa loob ng Simbahan ng Binondo ay wala na siyang oras para kuwestiyunin ang nakagawian niya. Para sa ama niyang piyanista ng koro, mas makabubuti nang huwag sumuway. Pananampalataya ang dahilan kung bakit may pagkain sa hapag nang tatlong beses sa isang araw.

Magdadalawampu't-walong taon nang piyanista si Dominador Puerto sa Simbahan ng Binondo. At si Isagani, ultimo ang unang nasilayan sa mundong ibabaw ay ang apat na sulok ng simbahan.

Binihisan, kinumutan, pinakain, at minahal ng simbahan ang bata at ang kanilang pamilya. Kaya labis lamang ang paglilingkod ng Pamilya Puerto. Wika nila, ito ay pagbabalik-tanaw at pagbabayad sa Kan'ya ng utang na loob.

At tama nga naman. Ano pa ba ang hihilingin kung handog ng pananampalataya nilang pamilya ang libreng pagpapaaral? Ano pa ba ang hihilingin kung handog ng pananampalataya nilang pamilya ang bubong sa itaas ng ulo nilang mag-anak?

"Tatay, pasado ako sa scholarship sa school. Kaso, kailangan kong magtrabaho sa library nang tatlong oras araw-araw—"

"Huwag na. Tanggihan mo. Rito ka na lang sa simbahan. Kain lang 'yan sa oras mo imbis na tinutulungan mo akong mag-choir. Kita mong kaunti na nga lang kayong kumakanta."

E'di, ekis. Tanggi si Gani. Medyo sayang, pero ayos lamang dahil makatutulong siya kay Tatay.

Makalipas ang ilang linggo, 'balik na naman siya. May panibagong balitang dala.

"Tatay, si Manang Luz, sabi tutulungan niya raw akong makapag-ipon! Summer job, ganoon. Pero, ako na lang daw ang mamalengke para sa kan'ya tuwing umaga—"

"Huwag na. E'di na-absent ka sa umagang misa? Sino'ng kakanta? Tanggihan mo, kain oras."

Pangalawa na. Tanggi na naman si Isagani.

How Would You Speak of Love When Language Dies? (Volume I)Where stories live. Discover now