VIII. Of those that speak of histories and antique museums

166 14 7
                                    

══════════════════

Para sa pagmamahal na humihinto't-nagdaraan.

Para sa pangarap na lingid sa iyong kaalaman ay kasama ka.

"'Wag mag-alala, 'di ko sasabihin.
Naiintindihan ko kung hindi mo maamin."
Cesca on her song,
PAMBIHIRANG HARANA

══════════════════

Entry VIII.
ANG KUWENTO NG MGA NADARAAN SA ESCOLTA

Nang minsang nadaan ako sa Escolta, hinanap kita pero wala ka naman sa labas ng Calvo Museum.

Hinanap kita kung saan-saan. Doon sa dating-gawi natin sa Fred's Revolucion, wala ka rin. Hindi ka naman kasi nagsabi, sana ay nag-text ka man lang na hindi ka darating. Nagdala pa naman ako noon ng paborito mong buchi kay Mang Eddie na palagi nating kinakainan dito sa Binondo. Hindi ko tila mapagwari kung uuwi na ba ako o mag-iikot pa. Kaso, bakit pa ako mananatili sa Escolta kung mag-isa ako? Marahil ay wala na rin namang saysay iyon dahil nakakabagot mag-ikot nang mag-isa.

Tapos, ang layo pa ng UST kung uuwi ako sa dorm. Kung pupuntahan naman kita sa UP, mas malayo kasi Diliman pa iyon. Sayang sa pamasahe. Wala naman akong sasakyan, 'no!

Hilig mo lang naman kasi ay mga makakalumang siudad dito sa Maynila. Noon, tila araw-arawin natin ang Intramuros kaso, kalaunan ay nagsawa ka rin. Kaya tayo napadpad sa Escolta, hindi ba? Kasi nabagot ka na sa katatambay natin sa mga kainan sa Dapitan. Nagsawa ka rin, sa awa ng Maykapal, sa Angkong. Tapos, 'yung buong UP Diliman, nalibot na natin.

Doon yata ako umitim, hindi sa volleyball. Pinipilit mo na kaka-libero ko sa volleyball e' ikaw ang kasama ko kahit bakasyon!

Noong napadpad tayo sa Escolta, wala rin naman iyon sa plano. Kukuhanin ko lang naman sana 'yung uniform ko sa Asturias—doon lang 'yon sa likod ng UST! Kaso bigla ka nang naghatak na puntahan natin 'yung Calvo Museum. Sagot mo na 'ka mo 'yung pamasahe, e'di, of course, go ako!

Siguro kaya tama lang na pinili mo 'yung Anthropology ng UP Diliman. Noong una, iiyak-iyak ka pa na magkakahiwalay na tayo kasi maiiwan ako sa UST e' ang saya-saya mo na sa kurso mo ngayon.

"Nakapasa ka rin naman sa UPCAT! Mag-Diliman na you para magkasama tayo. Biology rin naman! Sapat na 'yung six years mo sa UST. My God. Change of environment ka naman for college!"

"Ayoko. Okay na 'yun, nabayaran ko na reservation fee ko! Saka, magagalit parents kong parehong Tomasino by heart," sagot ko sa'yo habang nasa loob tayo ng jeep noon. Akalain mo, kababayad ko lang ng reservation fee saka ka mambubudol na lumipat!

"My God, Maria Kallaine. Ang arte mo talaga. UP na 'yun tinanggihan mo pa!"

"Hindi naman ako kawalan sa UP, gaga ka. Hindi iiyak 'yang UP na dinecline ko offer nila."

"Whatever!"

Tapos kung maka-whatever ka akala mo hindi ikaw 'yung umiyak noong araw na nag-enroll ka sa UP. Ayaw mo lang aminin na ma-mi-miss mo rin 'yang usok sa España! Noong kinuha mo nga transcript of records mo sa UST, bumili ka pa ng tiger stuffed toy habang nangingilid luha mo! Baliw ka talaga, pareho lang tayong six years nilamon ng UST.

Nang minsang nadaan ako muli sa Escolta, hinanap kita pero wala ka rin sa labas ng First United Building.

Siguro kung hindi tayo napadpad sa Escolta noon, sa Intramuros lang kita hahanapin. Mas madali sana. O kaya, roon sa labas ng Gonzalez Hall ng UP. Ang hirap kaya lumuwas papuntang Escolta! Kung hindi ka nga lang din nagsawa sa UST Miguel de Benavides Library, malamang doon ka lang din tatambay. E'di mas mapapadali ako maghanap sayo tuwing uwian kasi sa Main Building lang naman ako!

How Would You Speak of Love When Language Dies? (Volume I)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang