NON-EXISTING XIV

1.7K 60 0
                                    

NON-EXISTING XIV

"A-ahhh ahmmm..." Wala akong nagawa kundi mag peace sign sa kanilang dalawa. Naiilang at pilit akong ngumiti sakanila pareho. Wala naman Silang mga imik

"N-nakakaistorbo po ba ako? Sorry ah? Kung hindi ko kayo aawatin mukhang magpapatayan na kayo---

"At sinong nagsabi na magpapatayan kaming dalawa?" Nakakunot ang noo na tanong ni Prince Arkanghel sakin.

"It's nice to meet you again... Mysterious girl" Malamig na saad ni Prince Rhuss. Napatingin naman kami sakanya nang bigla siyang magsalita.

"H-hello po kamahalan hehe. Good morning po sa inyong dalawa mga boss" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. My God Aila Raine! Asan na yung tapang mo kanina? Nawala ba? Malamang pabida ka eh.

"Bakit ka nandito babae? Hindi ba't alalay ka ng prinsesa?" Napakamot ako sa ulo Saka napakagat ng labi dahil sa tanong ni Prince Arkanghel. Napatingin naman siya sa labi ko dahil don.

"Ah pinayagan po kase niya po akong umuwi po samin. Uuwi po kase ako sa nanay ko" Sagot ko.

"Nang Ikaw lang mag isa?" Lumingon ako sa nagsalitang si Prince Rhuss.

"Opo. May problema po ba don?" Nakita kong nag iwas siya ng tingin at umasik bago tumalikod at kumuha ng tubig Saka uminom.

Napatanga naman ako dahil ang sexy niyang tingnan idagdag mo pa na pawisan siya. Shet... Sana pala ako nalang yung tagapag alaga niya para naman mahawakan ko yung...

"Mabuti pa ay umuwi ka na" Napaigtad ako sa nagsalita. Mataman lang siyang nakatitig sakin.

"Sige po Prinsipe Arkanghel" Saad ko at aalis na sana ngunit agad niya akong hinawakan sa magkabilang balikat.

Nagtataka naman akong napatingin sakanya. Nakatitig lang kase siya sakin. At ang mas Lalo kong ikinagulat ay nang dahan dahan niyang hubarin ang suot niyang coat habang hindi parin inalis ang pagkakatitig sakin. May gusto ba to sakin? Malamang Wala. Assumera ko naman masyado.

Isinuot niya iyon sakin. "Isuot mo iyan. Baka mahamugan ka. Malamig pa naman" Mahinahon niyang anya bago dahan dahang tumalikod.

Napatulala ako saglit at hibang na tinitigan ang coat na ibinigay niya. Ano kayang Amoy nito noh? Mabango siguro. Wait. Aamuyin ko sandali.

Akmang sisinghutin ko iyon nang may humila Doon. Nagulat naman ako kase nawala na yung coat sa balikat ko. Nilingon ko ang kumuha nun at Nakita ko lang naman si Prince Rhuss na hawak hawak yun.

Napahawak pa ako sa balikat ko at kunot noo siyang tiningnan. Nakatitig naman siya sakin ngunit hindi ko mabasa ang emosyon na nasa mga mata niya.

Pinagpagan niya ang coat na bigay ni Prince Arkanghel bago lumapit sakin at dahan dahang inilagay yun sa likod ko nang hindi iniiwas ang kanyang tingin. Nagkalapit ang Mukha namin pareho habang ako. Halos atakihin na sa puso dahil sa lakas ng kabog. Owemjiiii. Hahalikan ba niya ko? Kase naman ang lapit niya sakin di ba?

"Hindi ka pa ba aalis binibini?" Nabalik ako sa wisyo nang may magsalita sa likuran namin. Napatikhim naman ako Bago agad na lumayo.

Napangiti naman ako ng sarkastiko sakanilang dalawa at naiilang na nagsalita.

"M-mauuna na po ako... M-maraming salamat po dito" Saad ko. Tumango lamang si Prince Arkanghel

"Sino namang nagsabing hindi mo ibalik yan?" Narinig kong asik ni Prince Rhuss sa tabi ko. Napatanga naman ako nang makitang inis ang rumihestro sa gwapo niyang mukha. Napahiya naman ako.

"L-lalabhan ko na---

"Hindi na. Sayo na iyan. Pasasalamat ko Sayo sa pagligtas saming dalawa ni Prinsesa Rhayla " Saad niya na nakapagpatigil sakin.

Magsasalita na sana ako ngunit agad na pumagitna si Prinsipe Rhuss habang hindi parin maipinta ang Mukha.

"Umalis ka na. Matuklaw ka sana ng ahas pag uwi mo. Alis na!" Asik niya sakin bagay na nakapagpatanga sakin. Ano raw? Naiinis parin ang boses niya at nagulat pa ko nang irapan ako nito Bago nauna sa tumalikod at umalis

Problema nun?

"Diyos Kong Bata ka! Saan ka ba nagsususuot at ngayon ka lang umuwi?" Napangiti ako Kay Aling Lucia bago inakbayan siya at agad kaming pumasok sa bahay niya.

"Sa palasyo po don sa mga Ursianna po" Magalang kong Saad. Napakunot naman ang noo niya Bago sumeryoso ang mukha.

"Paano ka napadpad doon?" Ngumiti ako sakanya.

"Aling Lucia may trabaho na po ako" Nagtataka naman siyang napatingin sakin Kaya naman ay napangisi naman ako.

"Trabaho? At Anong trabaho?" Sinabi ko sakanya yung unexpected encounter ko sa tatlong royalties at kung ano ang naging trabaho ko sa palasyo ng mga Ursianna. Malamang, dapat niyang malaman kase parang siya na rin ang naging guardian ko sa mundong toh. Kapal ko naman pag hindi pa ko nagpaalam.

"Ayos ka lang ba doon? Ayos lang ba ang trato Sayo ng prinsesa?" Nakangiti niyang tanong sakin na ikinatango ko.

"Opo... Ang bait niya nga po eh. Sobra. Nakakainggit ang ganda niya Aling Lucia! Bagay na bagay talaga sila ni Prince Arkanghel excited na po ako sa magiging kasal nila shocks! Di na ako makapaghintay mangyari yun " Napatigil ako nang nagtataka akong tiningnan ni Aling Lucia.

"Ano? Ikakasal sila?" Napatakip ako sa bibig ko. Pahamak talaga ako kahit papano.

"A-ahhh... I-imagination ko lang po yun oo. Imahinasyon ko lang po kase naman bagay na bagay talaga sila Aling Lucia! Tsaka ship ko po sila kase alam mo yung, the way niya tingnan si Prinsesa Rhayla eh kakaiba Kaya Ayun po!" Pag papalusot ko naman. Nagmumukha po akong spoiler sa totoo lang.

"Naku ewan ko Sayo! May kasalanan ka pa sakin! Hindi ka umuwi at di mo man lang sinabi sakin! Ibig ba sabihin nun ay di ka na madalas makakauwi ng bahay?" Naging malungkot siya nang sabihin ang huli.

"Pipilitin ko pong makauwi at makabisita. Tsaka, siyempre naman bibisita ako kahit apat sa Isang linggo" Pagpapanatag ko ng loob sakanya na ikinahinga niya ng maluwag

KINABUKASAN ay agad din akong bumalik sa palasyo. Nagtataka pa ako kase pagpasok ko ay may Nakita pa akong pamilyang na color gold na karwahe.

"Familiar to ah? San ko ba nakita?"

Doon nasagot ang katanungan ko nang makita ko si Prince Rhuss... Na nandito at ilang dipa lang ang layo sa akin. Nakatayo at...

Nakatitig sakin.

♥️

Becoming the non-existing characterWhere stories live. Discover now