NON-EXISTING XVII

1.6K 61 0
                                    

NON-EXISTING XVII

Gulat namang napatingin si Prinsesa Fahara sa nagsalita at parang hihimatayin na sa kaba. Nagulat naman ako nang lumapit sakin si Rhayla na may pangamba sa mga mata habang nakatingin sa prinsipe

"G-greetings your highness" Nauutal na Saad ni Fahara bago yumuko. Nagsiyukuan naman ang iba. Nakalimutan ko na mas makapangyarihan din pala ang Isang to.

"I said what's the meaning of the commotion I witnessed earlier?" Malamig parin ang tinig nito.

"R-rhayla and I are just talking your grace. I-i'm just making and having some talks with her" Kita ko ang kaba sa Mukha ni Fahara. Gusto ko mapangiwi. Ang tapang niya kanina tas tiklop siya Kay Prince Rhuss ngayon? Oh... What a shame

"Rhayla? So you mean you're not treating her like a princess? You should be respecting other royalties like how they also respect you" Napayuko naman si Fahara at hindi umimik.

"Seems like, you're treating her like a commoner" Nagulat naman ang prinsesa sa paratang ng prinsipe. Maski ako. Grabe naman yun. Sumosobra na

"M-my apologies for my behavior Princess Rhayla... I'm also sorry your highness for my behavior" Nakayuko at Magalang niyang Saad.

Hindi nagsalita ang prinsipe at ibinaling nalang ang tingin Kay Prinsesa Rhayla. Nakita kong yumuko ang prinsesa at nagsalita

"Greetings also your highness" Mahinhin niyang Saad na tinanguan ng prinsipe.

Nagulat Ako nang mabaling sakin ang tingin niya. Hindi ko alam pero malamlam niya akong tinitigan at hindi pa siya kumurap. Nilibot ko ang paningin at nasa akin na Pala ang atensyon ng lahat. Bigla akong nahiya

"G-good morning Prince Rhuss from Asmodeus kingdom" Pormal Kong saad. Narinig ko ang singhapan ng mga nakararami.

Nakita ko ang pangamba sa mukha nila.

"Is she a royalty?"

"Why is she using our royalty language?"

"I thought she's a personal maid?"

"O oh... You're now in danger maid girl"

Napatikhim naman ako. Napalingon ako Kay Prinsesa Rhayla nang hawakan niya ko sa balikat. Nag aalala ang mukha.

"Your personal maid is using the royalties language. What a shame" tumawa si Fahara Kasama ang mga alipores niya

"I think she thought she's a part of a royal family... Ohh... Dream on" Nagtawanan sila.

"Someone is on danger right now for breaking the rule"

"I think we should forgot that law. From now on, All of us has the right to use that royalty language. Either a royalty or not" With that umalis siya. Nagkatinginan kami ni Prinsesa Rhayla dahil don.

Sa tuwing dadaan ako ay mag bubulong bulungan na parang bubuyog ang mga royalties maging ang kanilang mga alalay. Napapairap nalang ako bagay na napansin ni Rhayla.

"Wag mo na lamang Silang pansinin. Hayaan mo na at magsasawa din ang mga iyan" Saad niya.

Nasa cafeteria kami kumakain. Kasama ko siya dahil humingi pa siya ng pabor upang matulungan ko siyang makausap ang prinsipe. 

"Jusko naman mahal na prinsesa! Eh delikado po yang gusto niyo eh!" Kinakabahan Kong reklamo. Pano ba naman kase, gusto niyang magkita sila ng patago.

"Hindi kami pwedeng magkita. Alam mo naman di ba na lihim lang ang pag uusap namin" Saad niya sakin.

"Pwede niyo namang totohanin di po ba?" Umiling siya bagay na ipinagtaka ko. Eh bakit? Sa pagkakaalam ko ay maikakasal din naman Sila sa huli at suportado pa nga ang mga magulang nila. Yun ang naisulat ko sa libro

"Basta. Wag nang maraming tanong" Saad niya. Wala akong magawa kundi sumang ayon. Nalilito na rin kase ako sa takbo ng kwento. Diko na alam kung bakit may kulang at may di tamang nangyayari.

WALA akong nagawa kundi sundin ang gusto ng prinsesa. Medyo kinabahan pa ko. Pano ba naman kase, sa may ilog daw sila magkikita. Mauuna daw siya sakin at susunod daw ako para hindi kami pagdudahan ng mga tao sa palasyo. Kaya naman eto Ako, Dala dala ko ang coat na pinahiram niya sakin habang naglalakad ako mag isa sa madilim na gubat.

"Naman eh. Bakit ba naman kase sa gabi pa?" Reklamo ko habang napapakamot. Ang daming lamok.

Naglalakad ako Hanggang sa makarating ako sa ilog at doon ko nakita ang Isang magandang bulto ng lalaki. Nakatalikod ito sa akin.

"Kamahalan" Tawag ko dito. Lumingon ito at Nakita kong nagulat ito.

"A-anong ginagawa mo Dito? N-nasan si---

"Susunod daw po siya. Pinauna na niya po Ako Dito diko alam kung bakit pa niya Ako sinama sama. Hayy" Umupo ako sa may batuhan at Napapaypay sa sarili.

"Pasensya na po. Medyo haggard na po ako pumunta Dito. Maupo nalang po muna kayo baka maya maya ay nandito na po iyon" Saad ko ngunit nanatili naman siyang nakatitig sakin.

Nabaling ang tingin niya sa coat na hawak ko. "Isusuli ko na po ito"

Ngumiti siya nang inabot ko ito sakanya sabay kuha dito. Akala ko ay saan siya pupunta ngunit pumunta lang Pala siya sa likod ko para ipatong ulit iyon sa balikat ko.

Hindi Ako nakapagsalita.

Umupo siya sa tabi ko sabay titig sakin.

"Ang totoo niyan... Para talaga sayo... Ang bagay na iyan" Saad niya na ikinagulat ko na ikinangiti naman niya

Becoming the non-existing characterWhere stories live. Discover now