NON-EXISTING XXXIII

1.2K 44 0
                                    

NON-EXISTING XXXIII

"Just promise me na you won't allow anyone to hurt you... I'm warning you Aila talagang makakasakit ako ulit" Umigting ang panga niya bago ipinagdikit ang noo naming dalawa. Kahit na may nakaharang na bakal sa pagitan namin ay di iyon nakahadlang para mahawakan at mahalikan niya ko

"Mangako ka rin na hindi ka aalis at bibitawan ang trono mo. Kapag nalaman ko talagang ginawa mo yun lagot ka sakin" Narinig ko ang matunong niyang pagngisi bago nagkibit balikat

"I can't promise... I can't handle that throne though if you're not the queen sitting beside me" Humiwalay siya sakin bago ako hinalikan sa noo.

"Wag mong sabihing I can't promise! Gawin mo kundi aalis Ako at di talaga Ako magpapakita Sayo forever!" Natawa siya pero kalaunan ay napanguso. Cute.

"Kapag hindi ka nagpakita hindi ko tatanggapin ang trono" Sinamaan ko siya ng tingin kaya napangisi lang siya sabay kagat sa labi niya...

"Your lips taste sweet my queen... I am the only person to taste that sweet lips of yours since I am your soon to be king and your soon to be husband understand?" Napalunok ako at awkward na napangiti.

"P-paano kung... May nahalikan na pala akong iba?" Dumilim ang mukha niya at parang di pa ata nagustuhan ang sinabi ko.

"And who's that f*cking creature then? I swear I will f*cking k*ll him so that he can't spread his own clans" Napangiti ako ng hilaw.

Lagot. Si Prinsipe Arkanghel pa naman ang humalik sakin...

"Umalis ka na. Baka may makakita pa Sayo dito" Umasik siya bago umirap na ikinatawa ko

"If only I am the king of our kingdom I won't hesitate to spare you here... Look at you, you're not fit in here .. lagot Sila sakin kapag naging hari ako... Lahat sila na may gawa nito pagpipirasuhin ko"

Napayuko siya nang makitang nakatitig ako sakanya at napansin na di ko nagustuhan ang sinabi niya ..

"Okay fine... Aalis na ko" Tumalikod na siya sabay ayos ng damit niya

Nagtaka ako nang humarap siya ulit sakin at nagulat ako nang mapangisi siya ng nakakaloko

"I love you"

Nagising ako na madilim ang buong paligid. Masakit ang buong katawan ko nang bumangon Ako. Napahawak pa ako sa batok ko nang sumakit ito.

Natulala at natigilan ako nang makitang iba ang paligid na nakikita ko. Nilibot ko ang paningin ko at halos siklaban ako nang takot nang mapamilyar ko ang Lugar na ito...

Madilim ngunit magandang disyerto.

"Nagkita ulit tayo...." Napalingon ako sa likuran at halos kilabutan nang Makita ulit siya... Ang matandang lalaking misteryoso na nagsalita noon sa tindahan ng keychain. Nandito siya ngayon

Nagulat ako nang makitang hawak niya ito. Hindi ako makapagsalita.

"Ang simbolo ng libro... At ang simbolo ng isang bituin" Pinaikot ikot niya ang keychain sa kamay niya...

"Kumusta?" Ngumiti siya sakin nang sarkastiko

"Kumusta ang pagpangingialam mo sa sarili mong kwento? Masaya ba? Masaya ba na nakikitang unti unti nang nasisira ang sarili mong nobela?" Hindi Ako makapagsalita at parang may bumara sa lalamunan ko

"Pinaalalahanan na kita dati... Ang Sabi ko ay mag ingat ka sa lahat ng hihilingin mo ngunit Anong ginawa mo? Hindi ka nakinig... Ngayon na nandito ka na, Akala mo ba na ang mga bida sa kwento mo ay siya paring mga bida Hanggang ngayon?" Napakunot ang noo ko

"Hindi na" Kinilibutan ako sa uri ng tinig niya.

"Walang dapat sisihin sa pagkasira ng sarili mong kwento kundi Ikaw lang Aila..." Hindi ako nakaimik

"Bilang Isang manunulat, Wala tayong karapatang makapasok o makita man lang ang mga mukha ng ating mga ginawang karakter sa kwento...  Isang malaking problema ang dinulot mo" Huminto siya Saka nakapamulsang naglakad paikot sa akin

"Hindi lahat ng mga manunulat ay nakakalabas pagkatapos ng nobela. Ang iba, nakakulong na sa kathang isip habang Buhay... Babala lang iha... Ngayon palang ay ihanda mo na ang iyong sarili... Dahil isa sa mga karakter mo sa nobela ang magiging hadlang mo para makapagpatuloy ang daloy ng kwento mo"

Bigla akong kinabahan at natakot dahil sa sinabi niya

"M-makakalabas pa ba Ako Dito?" Hindi ko alam pero may takot na mamutawi ngayon sakin na baka Hindi na nga Ako makalabas dito

"Makakalabas ka lang, kung matatalo mo ang karakter na siyang sisisra Sayo" Napahawak ako sa ulo ko.

"S-sino pong karakter? Napakarami ng ginawa Kong karakter..." Nagkibit balikat siya bago ako tinitigan sa mata

"Hindi ko Rin alam iha. Ika nga nila, it's for you to find out" Nilahad niya sakin ang keychain na binili ko

"Bilisan mo nang alamin dahil baka magsisi ka pa sa huli. Alam at kilala ka na niya at gagawa siya ng paraan para masira ang ibang mga karakter mo dito... Gagawa siya ng paraan para hindi ka na makalabas pa at manatlli dito habang Buhay"

"Mag iingat ka at nawa'y magtagumpay kang puksain ang kalaban mo dito... Kasalanan mo Yan eh malamang sa malamang Ikaw ang gagawa ng solusyon" Dagdag pa niya

Nanatili ako tulala at hindi alam kung saan na siya napunta at bigla nalang nawala. Napahawak ako sa keychain na hawak ko at bigla na lamang akong nahilo. Kasabay nun ay ang pagmulat ng mga mata ko. Gising na Mula sa Isang babala galing sa aking panaginip. .

Biglang pumasok sa isipan ko ang mga katagang binitawan ng matandang misteeyosing lalaki na nass bilihan ng keychain.

"Wag na wag mong nanaising mapasok sa isang mundong gawa gawa at kathang isip mo lamang... Maaari ka ngang makalabas, ngunit ang habambuhay mong dadalhin ang mga masalimoot na karanasan sa mundong iyong iniwanan"

"Mag iingat ka sa mga hinihiling at winiwika ng iyong bibig. Baka mamaya ay yan pa ang magpapahamak sayo... Baka mamaya, ang iyong mga kahilingang ninanais ay makuha mo ngunit ito naman ay magdadala ng panganib sa iyong buhay..."

Mga katagang nagdala ng takot sa Sistema ko. At ang mas ikinatakot ko ay... Isa sa mga karakter ko ang nakakakilala sakin at nais akong sirain at ikulong ako sa sarili kong Mundo habang buhay

Becoming the non-existing characterWhere stories live. Discover now