NON-EXISTING XXXVI

1K 34 0
                                    

NON-EXISTING XXXVI

Walang nangahas na magsalita sa pagitan naming dalawa pagkatapos niyang umamin sakin. Natulala ako at di alam kung matutuwa ba ako na nagustuhan nila ako.

Pagkatapos nun ay naging ilang na kami at di ko kayang salubungin o tingnan siya sa mga mata. Aaminin ko na hindi ito ang unang beses na may umamin sakin dahil nauna si Prinsipe Rhuss pero kase...

Hindi Ako pwede sa kahit sino sakanilang dalawa dahil mga karakter lamang Sila sa nobela. Kahit naman di ko sabihin, alam at ramdam ko na matatapos din ang lahat at makakalabas ako dito sa nobela bagay na ikinabahala ko.

Napalingon ako kay Prinsipe Arkanghel nang bigla siyang tumayo at agad na tumingin sakin.

"Sasama ka ba sakin? O babalik ka doon?" Napatingala ako sakanya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Panibagong problema dahil kailangan ko na namang mamili sa dalawa.

Hindi ako umimik at napayuko ulit. Ano nga bang dapat Kong Gawin? Dapat ba akong sumama sakanya? Pero kase... Gusto kong bumalik doon.

"Sige na... Ayos lang ako" Mahina niyang saad na ikinatingala ko sakanya.

"Ibabalik nalang kita total ako rin naman ang may kagagawan kung bakit ka nandito" Umupo siya sa harapan ko at nginitian ako senyales na sinasabing ayos lang

"Pasensya na talaga... Nadamay ka pa sa paglalayas ko. Hindi ko sinasadya... Gusto ko lang talaga na may Kasama Bago umalis at Ikaw sana ang gusto kong dalhin kaso mukhang ayaw mo rin umalis Dito at sumama sakin"  Para akong nakonsensya sa sinabi niya...

"Halika na?" Inilahad niya ang mga kamay sa akin. Nag aalangan pa akong tinanggap ang kamay niya pero sa huli ay nagawa ko Rin.

Masuyo naman niya akong hinawakan sa kamay ko at inalalayan pa ko sa pagtayo. Natawa ako sa sarili

"Okay lang ano ka ba. Para naman akong lumpo niyan" Natawa siya sa sinabi ko pero kalaunan ay Napahinga ng malalim

"Gusto ko lang alagaan kahit saglit ang itinuturing na reyna ng iba" Nagtaka akong napatingin sakanya at nang Makita akong nakatitig ay ngumiti lang siya Saka pinisil ang pisngi ko

"Wag mo kong titigan nang ganyan... Baka matunaw ako niyan at magbago pa ang isip ko baka di kita iuwi sige ka" May halong pananakot niyang saad pinapagaan ang ilang sa pagitan namin.

Sinuyod ko ang kabuoan niya. Hindi na siya nagdamit pang Prinsipe kagaya ng palagi Kong nakikitang suot niya. Nakayapak na din siya at parang hindi na iniinda ang mga matutulis na bato na inaapakan.

Akmang maglalakad na kami pabalik ngunit napatigil siya at nagtatakang napatingin sakin dahil sa paghawak ko sa mga braso niya.

"S-sasama na ako Sayo" Mahina kong Saad at biglang nahiya sa sinabi. Umiwas Ako ng tingin at yumuko dahil sa hiya. Gusto ko na lamunin ng lupa ngayon

"Sigurado ka?" Namula pa ang pisngi ko dahil hinawakan pa niya yung mukha ko at pinaharap sakanya. Nag aalala naman siyang napatingin sakin.

"Baka napipilita---

"Hindi!" Napatikhim ako nang Makita kong titig na titig siya sakin. Nahiya na talaga Ako dahil nagmumukha akong desperada na sumama sakanya. Nagmukha tuloy kaming magkasintahang nagplanong magtanan

"Sige... Pangako ko sayo Hindi ka mapapahamak. Iingatan kita gaya ng palagi niyang bilin sakin" Palagi nalang akong nagtataka sa mga sinasabi niya. Nakita niya siguro ang pagtataka sa Mukha ko Kaya ngumiti nalang siya at di na nagsalita pa.

"So? San na tayo pupunta ngayon?" Nagkibit balikat siya at natatawang napakamot ng ulo saka Ngumiti. Napahinga ako ng malalim at natawa na din dahil kami lang ata yung lalayas na Hindi alam kung saan ang dapat puntahan





"Dito muna tayo pansamantala. Magpahinga na muna tayo" Mahinahon niyang saad at inalalayan na naman akong maupo sa tabi niya.

Nanatili akong tahimik. Hindi namin alam kung nasaan na kami. Wala din naman akong naging pakialam dahil ang nasa isipan ko ay ang sumama sakanya sa paglalayas. Hindi ko alam, bigla ko nalang gustong sumama sakanya.

Puro mga puno ang nandito. Nakita ko ang langit na lumiwanag na ng konti, malapit na sigurong mag umaga.

"Aila..." Napalingon ako dahil sa pagtawag niya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil nasa matatayog na puno ang tingin niya

"Bakit? May problema po ba kamahalan?" Lumingon siya sakin at malamlam ang mga matang nakatitig sakin

"Wala na Ako sa palasyo pero nagagawa mo pa rin akong tawaging ganyan?" Ngumiti siya Kaya napangiti na lang din ako at itinuon ang atensyon sa mga puno sa harapan. Masukal ang kagubatan

"Eh sa ganun naman po talaga ang ginagampanan niyo dito sa mundong ito. Ang maging Isang Prinsipe" Ngumiti ako nang Hindi siya tinitigan

"Nagsisi ka ba na sumama sakin? Hindi pa tayo masyadong malayo, pwede ka pang umatras ihahatid kita ulit" Tanong niya sakin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Gusto niya nga talagang marinig ang nais ko.

"Hindi na po. Nandito na tayo Saka malayo na po ang nilakad natin" Malayo na talaga kami dahil hindi pa naman Ako makakalimutin para hindi maalala.

"Magiging malapit lang iyan Basta Ikaw Ang ihahatid ko. Kahit gano pa kalayo... Hindi kita pipilitin Aila Kaya gusto ko malaman kung ayos lang ba talaga na sumama ka sakin" Napabusangot ako. Ang kulit ah?

"Para niyo na po akong pinapaalis eh. Dapat pa nga po matuwa kayo dahil sumama ako. Parang kayo yata yung gustong magpahatid pabalik eh" Humalakhak siya na ikinakunot ng noo ko. Para dun lang?

"Sinisiguro ko lang" Napabuga Ako ng hangin Saka naiiyak na tumingin sakanya

"Gutom na ako" Napatingin siya sakin at naaawang tiningnan ako na nakahawak sa tiyan ko.

"Halika na. Magpatuloy na tayo at humanap ng makakain" Saad niya at tinulungan pa talaga akong tumayo. Napansin ko talaga na maginoo siya palagi. Well, ako din naman ang may gawa kung bakit siya ganito kumilos

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ilang minuto lang sa wakas ay nakahanap na rin kami ng makakain. Malayo na kami sa pinanggalingan namin. Humihingi kami ng pagkain gaya ng kamote at saging saka tubig.

Mabuti nalang at binigyan kami ng makakain ng hiningan naming bahay dahil kung hindi ay Wala siguro kaming makain ngayon. Mukhang hindi din naman siya kilala nung babaeng hiningian namin.

Kami na rin ang nag isip ng paraan kung paano ito lutuin. Nakakahiya naman kung iaasa pa namin sa babae na nagbigay samin ng pagkain.

Napatingin ako Kay Prinsipe Arkanghel at nakitang sarap na sarap siya sa kinakain. Walang halong kaartehan ang pinapakita niya. Nakaramdam ako ng awa sakanya. Masasarap ang mga pagkain sa palasyo nila at alam kong Hindi siya sanay Kumain ng mga ganito pero pinipilit niya parin.

Sandaling sumagi sa isip ko si Prinsesa Rhayla. Alam Kong nasasaktan siyang iwanan ang ang mahal niya pero Wala siyang magagawa. Ako rin naman. Nasasaktan ako sa di ko malamang dahilan.

"Kamahalan pano po pala si Prinsesa Rhayla? Hindi po na natin siya dadalhin sa Inyo? Sigurado akong magtatampo iyon sakin kapag nalaman niyang Wala na ako. Paniguradong magagalit yun sakin dahil nangako pa naman din ako sakanya na kapag nakalabas ako ay tutulungan ko siyang mabawi ang trono para sakanya pero mukhang di ko na ata magagawa yun"

"Wag kang mag alala... Makukuha niya ang trono" Nagtataka ko siyang tiningnan. Sumeryoso ang mukha niya habang nakatitig ng mariin sakin

"Dahil ikakasal na siya kay Prinsipe Rhuss"

Becoming the non-existing characterWhere stories live. Discover now