NON-EXISTING XXX

1.2K 48 0
                                    

NON-EXISTING XXX

"Hindi na ako ang tagapagmana kundi... Si Prinsesa Fahara na"

Napatayo ako bigla dahil sa sinabi niya. halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Ewan, bigla akong nawalan ng lakas. Paanong .. Hindi pwede!

"W-wala na akong magagawa pa Aila... Nasasaktan ako" Kahit na gusto kong hawakan at patahanin si Prinsesa Rhayla ay hindi ko magawa dahil maski ako ay nanghihina na nang tuluyan.

Ang kwento ko... Napatingin ako kay Prinsesa Rhayla na ngayon ay nakaluhod at hindi na magawang makatayo dahil sa panghihina... Umiiyak parin siya

"M-mahal na prinsesa hindi po pwede! Maipaglalaban pa naman natin di ba?" Nginitian niya ako pero yumuko lang siya at hindi na umimik pa.

Nanghihina akong napasandal sa pader dahil sa frustration at pagkainis na naramdaman ko. Napahilamos ako sa sariling mukha gamit ang palad ko at huminga ng malalim bago nag isip ng mga pwede ko pang Gawin.

"Mahal na prinsesa wag na kayong umiyak at malungkot. Pangako ko po sa Inyo na kapag nakalabas ako dito. Tutulungan kitang maibalik ang dapat sayo. Pangako po babawiin natin ang trono ninyo... Pangako ko po sainyo na kayo ang magiging susunod na tagapag mana"   Lumamlam ang mga mata niya at saka napaluha sa sinabi ko. Hinawakan ang mga kamay ko at nagsalita

"H-hindi ko Sila masisisi kung bakit nahulog sila sa isang kagaya mo... Matapang at palaban ka... Hindi mo inuurungan ang kahit na ano at malakas pa ang loob mo..." Tinitigan niya ako sa mga mata.

Nagtataka naman akong napatingin sakanya

"Ano po? Sino pong nahulog?" Tanong ko na ikinatawa niya kaya napangiti ako. Pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya bago ulit ako hinarap

"Salamat sa lahat Aila... Pangako, sasabihin ko kay ama at ipapakiusap ko na ilabas ka dito. Nangangako ako" Ngumiti ako sakanya bago tumango

"Kumain ka na muna" Binigay niya sakin lahat ng pagkain na dala niya habang nakangiting nakatitig sakin

"Ano pa bang nangyari sa kwento?" Nag iisip pa ako sabay sulat sa notebook na dala ko. Hiningi ko pa talaga toh kay Prinsesa Rhayla dahil may isusulat lang ako at may dapat lang alalahanin.

Napasandal ako sa dingding dahil sa Wala akong maalala sa nobela ko. Nagtataka ako kung bakit Wala na akong maalala kapag iniisip ko samantalang bumabalik naman sa isip ko kapag nangyari na at di ko sinadyang alalahanin.

Napasapo ako sa ulo at naiinis na isinara ang notebook. Hihiga na sana ako sa nag iisang kama dito sa loob nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto dito.

Napatingin ako doon at nagtatakang napatingin sa lalaking kausap ng mga guwardiyang kawal. Nakatalikod naman siya sa gawi ko at madilim din kaya di ko siya Makita o maaninag masyado.

"Maraming salamat po..." Yumuko ang mga kawal bago siya iwanan at nang humarap siya sa gawi ko ay napatulala ko dahil sa Nakita.

Nakatitig din siya sakin at kagaya ko ay hindi niya pinuputol ang titig sakin. Kalaunan ay Ngumiti siya bago ako nilapitan.

"Kumusta ka dito?" Natulala parin ako at nagtataka kung bakit siya nandito

"Prinsipe Arkanghel bakit ka nandito?!" Nataranta ako dahil alam kong nadamay din ang Isang toh kahit na umawat lang naman siya.

"Nandito ako dahil gusto sana kitang makita pero di ko alam na ito Pala ang madadatnan ko" Napatanga ako sa sinabi niya. Ano raw? Tama ba yung narinig ko?

"Hindi ko aakalain na ang kitid pala ng utak ng bagong asawa ng hari" Nakangiwi pero seryoso niyang Saad bago pasimpleng inilibot ang tingin sa seldang kinaroroonan ko...

"Oo nga po eh... Tayo pa yung naging masama dun sa ginawang gulo ni Prinsesa Fahara... Kung alam ko lang na ito ang mangyayari? Sana Hindi ko nalang sinabi Sayo na awatin si Prinsipe Rhuss..  lakas ng loob niyang magsumbong! Tayo pa yung may Mali" Napatitig ang prinsipe sa akin.

"Hindi ka bagay sa seldang toh..  ang totoong pakay ko kung bakit ako nandito ay gusto kong itakas ka" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano?!

"K-kamahalan hindi niyo po kailangang Gawin ang bagay na yan... Ayoko pong mapahamak kayo at madagdagan na naman ang nagawa ninyong kasalanan " Pagpaliwanag ko pero umiling lang siya sabay hawak sa mga kamay ko at lumapit sakin

"Itatakas kita Dito. Hindi makatarungan ang ginawa nila---

"Kahit na po... Ayoko po na maging masama na naman ang tingin nila sakin. Makakalabas po ako dito nang hindi marahas at sa malinis na paraan pangako po iyan..." Nanatili siyang nakatitig sakin at hindi nagsalita Kaya nagpatuloy na ako

"Wag ka pong gumawa ng kasalanan dahil lang sakin mahal na prinsipe... Isa lang po akong alipin at---

"Pero para sakin ay hindi ka alipin Aila" Nagulat na naman ako dahil nakilala niya ko kahit di ko naman sinabi sakanila ang pangalan ko

"Halika na... Itatakas kita at ilalayo kita dito---

"Hindi po..." Binawi ko ang kamay ko sakanya

"May malaking problema po si Prinsesa Rhayla ngayon at hindi ako kailangan umalis sa tabi niya... Hindi po ako tatakas at haharapin ko Sila at papatunayan ko po na Wala akong kasalanan. Na Wala tayong kasalanan. Kapag tumakas po tayo ay parang ipinapamukha na nating may kasalanan talaga tayo" Huminga Ako ng malalim bago nagsalita ulit

"Kagaya po ninyo, pinalitan at hindi na po si Prinsesa Rhayla ang magmamana ng trono ng kaharian nila kaya gagawa po kami ng paraan para mabawi iyon. At Ikaw..." Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya saka nagsalita

"Tutulungan din kitang mabawi ang tronong dapat ay nasa inyo... Ipinapangako ko po iyan babawiin natin ang mga kinuha sa inyo" Buong tapang kong Saad at hindi humihiwalay ng titig sakanya

"Payag ako" Naging seryoso ang Mukha niya habang hindi rin hinihiwalay ang titig sa akin.

Nagulat at napaigtad ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at sinakop ng dalawang palad niya ang magkabila kong pisngi saka nagpatuloy

"Basta ipangako mo sa akin na hindi ka mapapahamak... Makakaasa ba ako? Aila? Pakiusap... Pagkatapos nito... Bumalik ka ng buhay sa akin" Nangangamba ang mga mata niya habang titig na titig sa akin.

Tumango ako at binigyan siya ng kasiguruhang ngiti. Pumungay ang mga mata niya at nagulat ako nang...

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin at... Halikan ako sa labi

Becoming the non-existing characterWhere stories live. Discover now