NON-EXISTING XXXIX

1K 47 0
                                    

NON-EXISTING XXXIX

Napatayo ako sabay iwas ng tingin sakanya. Nagtataka naman siyang napatingin sakin.

"Hey, what's wrong?" Napatayo na rin siya at saka pumunta sa harapan ko para tingnan ang mukha ko.

"Prinsipe--

"Rhuss. I told you to call me by my name. I want you to call me like that" Napatikhim ako bago siya pilit na nginitian pero nanatili lang siyang nakatitig sakin.

"U-umuwi na po kayo" Mahina kong Saad at hindi na siya tiningnan pa. Napatingin ako sakanya nang mangunot ang noo niya at maya maya lang ay biglang sumama ang timpla ng mukha.

"Pinapauwi mo na ko? For what? Para Wala nang sagabal pag kasama mo ang lalaking yun?" Ngumiwi naman siya at saka masamang bumulong at tumingin sa itaas

"I'm more handsome than him..." Kumibot kibot pa ang labi niya kaya naman ay napangiti ako na nauwi sa mapait na ngiti

Pabagsak siyang umupo kaya nagulat pa ako sa ginawa niya. Nakayaka na siya sa lupa habang ang mga paa ay kung ano ano lang ang posisyon.

"He's handsome isn't he?" Biglang tanong niya. Napaupo din ako sabay titig sakanya na hindi nakatingin sakin.

"Prin-- R-rhuss tingin ka sakin please" Hinawakan ko ang mukha niya pero inilayo niya lang ito habang nakatingin sa kawalan.

"You don't love me anymore" Yumuko siya. Para siyang batang nagtatampo na di nabigyan ng gusto.

"Tell me Aila do you find Arkanghel handsome?" Napangiwi ako dahil sa naging tanong niya. Seryoso? Ito pa ba yung evil villian na ginawa ko? Bakit iba yung nasa libro at dito? Iba yung expectation sa reality? Asan na ang hustisya? Di ba dapat kinatatakutan ang Isang toh? Bakit naging ganito ang kinalalabasan? Parang Bata kung umasta

"Opo pero mas gwapo naman po kayo kaysa sa kanya" Gusto kong maiyak dahil sa naisip ko kanina.

"Really?" Tumingin siya sakin na Masaya ang Mukha. Hinawakan ko naman ang mukha niya at nagulat nang pagsasampalin ko ito. Hindi naman siya nakapalag at Panay lang ang aray nito.

"Ouch... Stop..." Tinigil ko ang pagsampal at naaawang tiningnan ang mukha niyang namumula. Panay naman ang hawak niya dito na parang pinapawala ang sakit. Gwapo parin siya kahit Anong itsura niya.

Bumaling sakin ang kulay asul niyang mga mata at tinitigan ako. Hindi man lang siya nagtanong kung bakit ko siya sinampal. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at dinala sa labi niya Saka hinalikan at malamlam akong tiningnan

"I didn't expect to see you here... I'm glad that I finally found you" Binitawan niya ang kamay ko at tumayo

Nagtataka naman ako at nagulat nang bigla niyang iniluhod ang Isang tuhod at inextend ang isang kamay niya senyales na gusto niyang makuha ang kamay ko.

"It's unexpected but I promised this one to you last time when I gave you flowers. I want this one to be our first date Aila... Please... Let me date you. I don't want to missed this opportunity since I don't know when you'll be back into my arms again"

Naninikip man ang dibdib ko ay nagawa kong hawakan ang kamay niyang nakalahad. Napangiti siya habang titig na titig parin sakin. Hindi ako tumingin sakanya pabalik dahil ayokong Makita niya na namumula ako

"Wow" Namamangha kong saad habang kumikislap ang mga matang nakatingin sa mga nagliliwanag at magagandang mga alitaptap. Napanganga ako dahil hindi lang Isang Puno ang napapalibutan nito kundi maging ang buong kagubatan.

Malamig din dito na nakapagpadagdag sa masarap na pakiramdam. Inilibot ko ang paligid, puro kabundukan ang nandito at tahimik na tahimik talaga. Naaamoy ko rin ang natural na Amoy ng kalikasan na mas nakapag pagaan ng pakiramdam ko. Nakakarelax na parang gusto ko nalang mag stay dito.

Maganda ang Lugar para sa mga taong gustong mag isip isip at mag isa. Para talaga akong nasa fantasy world kahit may ganito naman sa real world.

"Do you like here?" Napangiti ako at napatango bago umiwas ng tingin dahil sa titig niyang malalim. Kanina pa siya, hindi ako tinantanan ng titig na para bang pag kumurap siya ay mawawala ako sa paningin niya.

"I'm sorry if we did this first date here, I promise to make it more romantic when--

"Nako ayos lang... Salamat sa pagdala sakin dito. Ang Ganda dito" Nakangiti Kong baling sakanya

"Ang ganda ng Lugar tsaka ang daming alitaptap" Dagdag ko pa Saka kumawala ng hawak sakanya at naglakad sa may puno na mas maraming liwanag dahil sa mga alitaptap

"For you by the way" Napalingon ako sakanya at doon ko nakitang may dala siyang kumpol ng mga bulaklak. Nang makitang tinitigan ko lang toh ay napakamot siya sa ulo niya at nahihiyang ngumiti

"H-hindi mo na nagustuhan? Don't worry ibibili nalang--

Kinuha ko ang kumpol ng bulaklak Saka siya Niyakap na ikinatigil niya. Naestatwa pa siya sa kinatatayuan pero kalaunan ay napayakap din sakin.

"Salamat dito..." Mahina kong bulong at inamoy ang bulaklak Saka kinilig na isiniksik ang ulo sa dibdib niya.

"Hindi ba masyadong pangit? Baka hibdi mo nagustuhan... Pasensya na pinitas ko lang kase---

Umiling iling ako Bago siya nginitian. Humiwalay ako ng yakap sakanya pero agad niya naman akong hinila pabalik

"Salamat sa effort" Medyo nahiya pa siya at napayuko. Doon ko lang nakitang may letter palang kalakip dito na ikinatunaw ng puso ko.

Ito Pala yung sinabi niya kaninang aasikasuhin niya sandali bago kami pumunta dito.

"Aila..." Napatingin ako sakanya na nagtatanong ang mga mata. Ngayon ay hindi na ko naiilang sa mga titig niya.

"Bakit?" Lumapit siya sakin malumanay na nagsalita

"Always remember how much I love you... From this night, I promise to win you back again and take you as my queen"

~~~kilig kilig po muna tayo Dito dahil susunod na ang sakit

Becoming the non-existing characterWhere stories live. Discover now