Part 15

908 35 0
                                    

Jema's POV

"B, ito yung kumot at unan mo ha.." sabi ko sa kanya pagkatapos inilapag ko sa sofa yung kumot at unan.

"Thank you B.." sabi nya sakin, kakalabas nya lang din ng CR

Umupo ako sa sofa, naglakad naman sya palapit sakin at umupo sa tabi ko.

Isinandal ko yung ulo ko sa balikat ni Dean.

"B, gusto mong manood ng movie?" tanong ko sa kanya, "Maaga pa kasi" dagdag ko pa

"Hmm, pwede din" sagot nya sakin

Kinuha ko yung remote at binuksan ko yung TV.

"B, anong gusto mo, Netflix nalang?" tanong ko kay Dean

"Hmm, pwede din" sagot nya

Binuksan ko yung Netflix, pumili lang ako ng movie at nanood na kami ni Dean.

Tumayo din ako para patayin yung ilaw dahil mas magandang manood ng TV kapag walang ilaw. Nang mapatay ko yung ilaw bumalik ako sa tabi ni Dean.

Napangiti ako nang yakapin ako ni Dean kaya napasandal ako sa kanya.

Mas masarap ngang manood ng movie kapag may nakayakap sayo...

Halos nangangalahati na yung movie nang maramdaman ko yung paghalik ni Dean sa leeg ko, dampi lang yon pero malaki yung naging epekto sakin, dahil sa ginawa nya para bang nabuhay yung natutulog na dugo ko, parang may dumaloy din na kuryente sa buong katawan ko.

Napapikit ako ng muling halikan ni Dean yung leeg ko at sa pagkakataong ito hindi lang dampi yung ginawa nya, gumapang yung labi nya papunta sa tenga ko.

"H-Hmm.." mahinang ungol ko habang nakapikit

Hinawakan ni Dean yung pisngi ko at iniharap sa kanya yung mukha ko pagkatapos dahan dahan nya akong hinalikan sa labi, agad naman akong tumugon sa halik nya.

Palalim ng palalim yung halikan naming dalawa ng biglang....

Dingdong!! Dingdong!! Dingdong!!

"Oh my God!" gulat na sabi ko, agad akong napatayo pagkatapos tumingin ako kay Dean, kitang kita ko yung pamumula ng mukha nya

"A-Ahh t-titingnan ko lang kung sino yon" paalam ko sa kanya

"S-Sige l-lang.." utal na sagot nya

Naglakad ako papunta sa pintuan.

Sino ba kasi to?? Anong oras na ha!

Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin yung mukha ng kapatid ko.

"Hi! Ateee!!!" bati nya sakin

"M-Mafe?? Anong ginagawa mo dito??" tanong ko sa kanya

"Anak" napatingin ako sa tumawag sakin, nakita ko si mama at papa, agad na kumunot yung noo ko

"M-Ma? Pa? A-anong ginagawa nyo dito? Gabi na ha" sabi ko sa kanila

"Eh kanina pa sana kami dito, kaso natraffic kami kaya ngayon lang nakarating heheh" sagot ni papa

"Manonood kasi kami ng game nyo bukas anak" sabi naman ni mama

"Ate, hindi mo manlang ba kami papatuluyin? Nakakapagod kaya sa byahe" sabi ni Mafe

Patay! Nandito pa naman si Dean!

"A-Ahh p-pasok po kayo" sabi ko, napakamot ako sa ulo ko

"Hay salamat! Makakapagpahi----ohhh sino to??" tanong ni Mafe habang nakaturo kay Dean sabay tingin sakin

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon