Part 16

852 36 0
                                    

Dean's POV

Nandito kami ngayon sa isang restaurant kasama ng family ni Jema, medyo naiilang ako dahil ang daming tumitingin samin. 

Sabagay, sikat kasi si Jema...

Tumingin ako kay Jema, kanina ko pa napapansin na parang badtrip sya, lumapit ako ng kaunti sa kanya

"Bb, okay ka lang?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin at pilit na ngumiti

"Oo naman Bb, kaen ka lang dyan, wag mo akong pansinin" sabi nya sakin

Hmmm... Ang weird... 

"Sure ka?" tanong ko sa kanya, tumango lang sya

"Hay! Grabe naman tong mga taong to!" inis na sabi ni Mafe habang nakatingin sa phone nya

"Bakit?" tanong ng papa ni Jema

"Kasi nama--"

"Mafe, pwede bang mamaya na yang phone na yan? Kumakaen tayo eh" saway ni Jema kay Mafe

"Okay, sabagay, nakakairita yung mga nababasa ko" sabi ni Mafe

Anong meron?

Tumingin ako kay Jema, nang naramdaman nyang nakatingin ako sa kanya tumingin din sya sakin.

"Bb, kaen ka pa" sabi nya sakin

Siguro badtrip lang talaga sya dahil natalo sila ngayon.

Nakipagkwentuhan nalang ako kila tito at tita habang kumakaen, natutuwa ako dahil nakasundo ko kaagad sila. 

"Dean, saan ka pala uuwi ngayon?" tanong sakin ni Tito

Kay Jema po, char!

"Sa hotel po tito" sagot ko sa kanya

"Ahh ganon ba? Sige, ihahatid kana namin sa hotel na tinutuluyan mo" sabi ni Tito

"Salamat po" sabi ko sabay ngiti

Pagkatapos naming kumaen at magpahinga hinatid na ako nila Jema sa hotel na tinutuluyan namin nila Bei. Pagdating namin sa harap ng hotel nagpaalam na ako sa kanila. 

"Thank you po sa paghatid, ingat po kayo ha" sabi ko sa kanila

"Sige ijo" sabi ni Tita

Tumingin ako kay Jema, kanina pa kasi sya walang kibo 

"B, ingat ha, rest ka pagdating mo, I love you!" bulong ko sa kanya, imbes na sagutin nya ako tumingin sya sa papa nya

"Pa, wait lang po, mag uusap lang kami ni Dean" sabi ni Jema sa papa nya

"Sige anak" sabi ng papa nya

Sabay kaming bumaba ni Jema, nagtataka na din ako dahil sa mga ikinikilos nya

May nagawa ba ako??

Nang makalayo kami sa sasakyan nila tumingin ako kay Jema. 

"B, okay ka lang ba talaga? M-May nagawa ba akong mali?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sa mga mata ko

"Bb, wala, na stress lang ako, sorry ha... uhm pwede ba akong makiusap sayo?" tanong nya sakin

"Ano yun?" tanong ko sa kanya

"P-Pwedeng wag ka munang mag open ng twitter?? O kaya uninstall mo nalang yung twitter mo" pakiusap nya sakin, biglang kumunot yung noo ko

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Basta, toxic na kasi don eh" sagot nya sakin

"Dahil ba sa mga bashers mo?" tanong ko sa kanya, napayuko sya at dahan dahang tumango

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon