Part 44

943 61 22
                                    

Dean's POV

Huminto sa paglalakad si Jema at humarap sya sakin.

Mukhang kanina pa sya wala sa sarili nya...

"Uhm D-Dean, m-may sasabihin ako sayo" sabi ni Jema, ngumiti ako

"Sasabihin mo na mahal mo ako?" tanong ko sa kanya habang nakangiti

"Dean, seryoso ako.." sabi nya sakin

"Ayan ka nanaman sa Dean eh.. Bb nga.." sabi ko sa kanya

"Dean ano ba?! Makinig ka sakin.." sabi nya sakin

"Okay, makikinig ako.." sabi ko sa kanya

Bigla akong kinabahan dahil sobrang seryoso nya...

Hinawakan ni Jema yung kamay ko.

"Dean, siguro naman alam mo kung gaano kita kamahal diba?" tanong nya sakin, ngumiti uli ako at tumango

"Mahal na mahal" sagot ko habang nakangiti

"A-Alam mo, a-ang hirap... ang h-hirap nitong gagawin ko pero kailangan.." sabi nya sakin, nakita kong nangilid yung luha sa mga mata nya, unti-unting nawala yung ngiti sa labi ko

"J-Jema anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya

Yumuko si Jema at nakita kong pinunasan nya yung luha nya.

"B.. anong ibig sabihin ng sinasabi mo?" tanong ko sa kanya, naiiyak na din ako dahil parang alam ko na yung gagawin nya

Tumingin sya sakin.

"*sniff! M-Mahal na mahal kita Dean pero h-hinihingi ko na p-palayain muna natin yung isa't-isa..." sabi nya, umiling ako

"H-Hindi.. p-prank lang to diba??" tanong ko sa kanya, umiling naman sya

"S-Seryoso ako Dean... i-ilang araw ko ng pinag-isipan to" sabi nya sakin

"Pero b-bakit?? Akala ko ba mahal mo ako??" tanong ko sa kanya, nangilid na yung luha sa mga mata ko

"Mahal kita Dean, p-pero sana maintindihan mong k-kailangan ko munang ayusin yung sarili ko... A-Ang dami kong kinakaharap na problema ngayon, a-ayaw kong madamay ka pa" sabi nya sakin, napayuko ako at umiling, tumulo na yung luha ko sa pisngi ko

"N-Nawawalan na ako ng time sayo... a-ayaw kong maging unfair.." sabi nya sakin

"P-Pero hindi naman ako nagrereklamo diba?? K-Kasi naiintindihan kita... *sniff!" pinunasan ko yung luha ko pagkatapos tumingin ako sa kanya, "H-Hindi ako nagde-demand ng oras sayo Jema kasi alam kong may problema ka ngayon... alam kong busy ka ngayon! Good morning mo nga lang okay na sakin eh!" sabi ko sa kanya habang umiiyak, "P-Pero bakit g-ganyan yung naging desisyon mo?? P-Pano na tayo???" tanong ko sa kanya

Sobra akong nasasaktan ngayon...

"Dean, n-nakikiusap ako sayo, n-nahihirapan na ako! *sniff! Hindi din magiging maayos yung relasyon natin kung ganito yung kalagayan ko! *sniff! m-mahirap din to para sakin--"

"P-Pero bakit?!" putol ko sa sasabihin nya, "Nasaan na yung sinabi mo sakin dati na hindi mo ako iiwan? Ha?! Hanggang salita nalang ba yon?!" galit na tanong ko sa kanya

"Dean, *sniff!! please! N-Nagmamakaawa ako sayo! P-Palayain muna natin yung isa't-isa.. ayusin muna natin yung mga buhay natin.. S-Siguro hindi pa ito yung time para satin" napayuko ako dahil sa sinabi ni Jema

Umiling ako.

"A-Ayoko..." sabi ko sa kanya, "H-Hindi ko kaya Jema *sniff!" dagdag ko pa

"Dean, please... *sniff! Kailangan ko to..." pakiusap nya sakin habang umiiyak

You Are The OneWo Geschichten leben. Entdecke jetzt