Part 20

875 45 10
                                    

Dean's POV

Pagkatapos naming kumaen nagready kami sa labas ng mga upuan at lamesa.

"B" tawag sakin ni Jema kaya nilingon ko sya

"Wag kang magpapakalasing ng sobra ha" sabi nya sakin, ngumiti ako

"Opo" sagot ko

"Oh, anak, babantayan mo ba si Dean dito?" tanong ni Tito Jesse kay Jema, kakalabas nya palang kasi at may dala syang alak at pulutan

"May sinabi lang po pa" sagot ni Jema

"Aahh, haha kala ko babantayan mo eh, sige na, ako ng bahala sa kanila dito, bonding to ng mga boys" sabi ng papa nya kaya natawa ako

Maya maya nagsimula na kaming mag inuman at magkwentuhan.

Medyo marami-rami na din kaming nainom, alam kong may tama na din si Tots at si Bea dahil napipikit na sila.

Nagkwento lang si Tito tungkol kay Jema, simula pagkabata. Nalaman ko din na sya yung nagturo kay Jema sa paglalaro ng volleyball.

"Nalulungkot nga ako kapag binabash yung anak ko, mabait na bata yon pero kung i-judge nila daig pa yung nakapatay ng isang tao" sabi ni Tito sabay iling, nakita ko din na nangingilid na din yung luha nya, "Pero alam kong malakas yung loob ng anak ko! Marami ng pinagdaanan sa buhay yon eh! Kaya proud na proud ako sa kanya!" dagdag pa ni Tito, napayuko ako

"Sorry po, m-mukhang mas dumami po yung bashers nya nung naging kami" sabi ko kay Tito

"Hay! Wag mo nalang silang isipin, masama bang nagmahalan kayong dalawa ni Jema? Hindi naman... ang mahalaga ay yung wala kayong naaapakan na ibang tao" sabi sakin ni Tito Jesse

"Tama ka Tito!! Basta magmahalan lang sila ng magmahalan! Eh buti nga sya mahal na ni Jema, eh ako parang hindi napapansin!" sigaw ni Tots habang nakapikit, "Kaya tagay pa tayo!!" dagdag nya pa, natawa naman kaming dalawa ni Bei

"Eh nililigawan mo ba??! Baka naman kasi wala kang ginagawa??!" tanong sa kanya ni Tito Jesse

"Naku Tito Jesse, hanggang tingin nalang ata kay Ced yan!" sabi ni Bei

"Ha?! Kay Ced ba?? Hahahah! Tyagaan mo lang Tots! Malay mo mahulog na din sayo!" sabi ni Tito

"Hayaan mo tito! Mahuhulog din sakin yan! Teka, liligawan ko sya ngayon! Support nyo ako ha!" sabi ni Tots, "CEEEDD!!" sigaw nya kaya nagtawanan kami. Lasing na talaga sya

"Hindi ka maririnig non Tots, baka tulog na" sabi ni Tito sa kanya

"Hindi pa tulog yun Tito!" sabi ni Tots pagakatapos tinawag nya uli si Ced, "CEEEEDD!!" sigaw uli ni Tots

"Ano ba?? Ang ingay nito, may mga natutulog na!" sabay sabay kaming napatingin sa pintuan at nakita namin si Ced na nakatayo doon kasama si Jho at Jema

"Haha! Ced may sasabihin ako sayo!" sabi ni Tots

"Ano yon??!" inis na tanong sa kanya ni Ced

"I love you!!" sabi ni Tots habang nakangiti, natatawa nalang ako dahil sa kakulitan nya

"Yyiieeehhh!!" asar namin sa kanilang dalawa

"Para kang baliw dyan, lasing ka lang, matulog ka na nga!" sermon sa kanya ni Ced, napanguso naman si Tots

"Totoo yun!!" sabi nya kay Ced

"Ewan ko sayo!" irap sa kanya ni Ced pagkatapos pumasok na sya sa loob, sumunod naman sa kanya sila Jema

"Basta liligawan kita!" pahabol ni Tots pagkatapos tumingin sya samin, "Pakipot lang yon! Hahah!" sabi samin ni Tots

"Hahah alam mo naman yung mga girls pakipot talaga" sabi ni Tito Jesse

You Are The OneWhere stories live. Discover now