Part 40

1.1K 70 10
                                    

Dean's POV

Sunod akong dinala ni Jema sa Anjo World Theme Park, pero bago kami maglakad-lakad kumaen muna kami dahil nalipasan na kami ng tanghalian. 

"Dinala din ba kita dito dati?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin habang nakangiti

"Oo" sagot nya sakin, "Sinakyan mo pa nga yung mga nakakatakot na rides dito eh!" dagdag nya pa, biglang lumaki yung mata ko

"Hala! Hindi ako naniniwala dyan Jema!" sabi ko sa kanya

"Hahah! Totoo nga, sabi mo pa nga sakin dati lahat gagawin mo mapasaya mo lang ako, malungkot kasi ako nung araw na yon kaya dinala mo ako dito" kwento nya sakin habang nakangiti

Ginawa ko ba talaga yon??

"Pero ngayon ayaw kong sumakay ng rides, kwentuhan mo nalang ako kung paano kita naging girlfriend" sabi ko sa kanya

"Ay! Sayang naman kung hindi tayo sasakay ng rides" sabi nya sakin

"Edi sa mga madadali lang na rides tayo sasakay, masakit pa kasi yung paa ko eh, please..." pakiusap ko sa kanya

"Hmmp! Sige na nga!" pagpayag nya kaya napangiti ako

Pagkatapos naming kumaen naglakad-lakad kaming dalawa, mabuti nalang at hapon na kaya hindi na masyadong mainit.

Una naming sinakyan ay yung london taxi, kahit papaano nag enjoy naman kaming dalawa ni Jema, sunod naming sinakyan ay yung Mr. Cup, at yung last ay yung bumber boats. 

Pagkatapos naming sakyan yung mga yon naglakad-lakad nalang kaming dalawa ni Jema.

"Napagod ka?" tanong nya sa akin

"Medyo heheh! Pero enjoy naman" sagot ko

Umupo kami sa upuan.

"Masakit parin ba yung paa mo?" tanong nya sakin

"Hmmm oo eh, parang nakakangawit" sagot ko

"Akina, hihilutin ko" sabi nya sakin pagkatapos kinuha nya yung paa ko at ipinatong sa lap nya at sinimulan na nyang hilutin

Nakatingin lang ako kay Jema habang hinihilot nya yung paa ko. 

"Baka matunaw ako" sabi nya sakin, "Patay na patay ka talaga sakin" dagdag nya pa kaya natawa ako

"Hahah! Kapal!" asar ko sa kanya, "Pero Jema paano nga ba kasi kita naging girlfriend?" tanong ko sa kanya, napangiti si Jema

"Kapag nagkwento ako sayo malalaman mong patay na patay ka nga sakin haha!" sabi nya 

"Hahah! Ang kapal talaga! haha Sige nga, ikwento mo dali! Makikinig ako!" hamon ko sa kanya

"Osige! Wag kang mabibigla ha!" sabi nya sakin

"Oo naman!" sabi ko

"Wag kang mabibigla kapag nalaman mong patay na patay ka nga sakin haha!" asar nya uli sakin kaya natawa ako

"Sige na Jema, kwento na" sabi ko

"Heto na nga haha! Excited ka talagang malaman na patay na patay ka nga sakin!" asar nya uli sakin kaya natawa uli ako

Hahah! Ang kulit!

"Heto na nga, dati kasi kailangan kong pumunta dito para hanapin yung mama ko kaya nagbook ako sa company nila Bei, tapos ikaw yung binigay na tour guide sakin. Nung nagkita tayo gulat na gulat ka, sabi mo pa nga sakin dati 'Uhmm ang ganda mo po!'" kwento ni Jema sakin 

"Talaga??! Sinabi ko yon??!" pang-aasar ko sa kanya kaya inirapan nya ako, "haha! Continue!" utos ko sa kanya

"Tapos ayon na nga, basta halata yung kilig mo kapag magkasama tayo, sinamahan mo akong maghanap sa mama ko, nung hindi natin sya mahanap nalungkot ako kaya dinala ako dito, kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko, natuwa din ako sa effort mo dati" patuloy ni Jema sa kwento nya

You Are The OneWhere stories live. Discover now