Part 48

1.2K 78 16
                                    

Dean's POV

Nakakunot noo ako habang hawak-hawak ko yung phone ko.

"Sino ba kasi tong superman_ng_buhay_mo? Gaya-gaya ha!" bulong ko sa sarili ko

"Guys, kung sino yung top 1 and top 2 gifters ko may chance na ma-meet ako sa personal" maya sabi ni Jema

Oo na, ako na si batman_ng_buhay_mo... matagal na din akong nanonood ng live ni Jema sa Kumu, yung totoo nga ako yung palaging top 1 sa mga nagbibigay ng gift sa kanya.

Nagsinungaling din ako kay Tots at Bei na hindi ko alam yung Kumu, pero yung totoo matagal ko ng alam.

Dahil sa sinabi ni Jema sunod-sunod yung pagbagsak ng Yamashita ni superman_ng_buhay_mo...

Ayaw mong tumigil ha!

Magbabagsak sana ako ng Yamashita kaso naubos yung coins ko kaya kailangan kong mag top up.

Shit!!

Mabilis akong nag top up kaso wala palang laman yung GCash ko.

Dali dali akong lumabas ng kwarto ko.

"Toootttss!!" sigaw ko

"Oh! anong nangyare??" tanong nya sakin

"A-Ano, m-may laman ba yung Gcash mo?" tanong ko sa kanya

"Bakit? Anong gagawin mo?" tanong nya sakin

"Uhm.. m-nay bibilihin lang ako online, babayaran ko din mamaya" sabi ko sa kanya

"Bakit? wala bang COD yon?" tanong nya sakin

"W-Wala" utal na sagot ko

"Tsk! Magkano ba?" tanong nya sakin, napangiti naman ako

"Hmm 5K" sagot ko, mabilis na napatingin sakin si Tots

"T*ng*n*!" sabi nya

"Dali na, babayaran ko ngayon!" sabi ko

"Oo na!" sabi nya, "Sa number mo parin ba?" tanong nya, mabilis akong tumango

"Oo" sagot ko

Hindi na ako mapakali, ang tagal kasi ni Tots mag send.

"Wait lang haa.." sabi nya

"Tots, bilis!" sabi ko, napapapadyak na din ako ng paa

"Hahah! Wait lang!" sabi nya habang nakangiti, "Pero wait... sayaw ka muna!" sabi nya sakin

Tae yan! Pinagtitripan ata ako nito!

"Ano ba yan!!" yamot na sabi ko sa kanya

"Ay, tatagalan ko pa to!" sabi nya

"Tots naman eh!!" inis na sabi ko sa kanya

"Hahah! Oh, sasayaw o hindi??!" tanong nya sakin

Tae yan baka nalalamangan na ako ng superman na yon!!

Dibale na nga! Hays!!

"Oo na, sasayaw na!" sabi ko

"Wait hahaha! Gayahin mo to!" sabi ni Tots habang natatawa

"T*ng*n* naman eh!" inis na sabi ko, pinanood ko yung tinutukoy nyang sayaw sa tiktok

Pinag-aralan ko yung sayaw.

Maya maya nagpatugtog na si Tots.

🎶Ayoko nang iba, ikaw ang gusto ko at sa aaminin ko, maniwala ka mas gusto kita kaysa kay Darna🎶

You Are The OneDove le storie prendono vita. Scoprilo ora