CHAPTER 004 - As Simple As That

295 11 1
                                        



Nasa labas na si Demani nang salubungin siya ng malakas na ulan. Lalong sumama ang panahon at mukhang lalo siyang mahihirapang makahanap ng taxi na masasakyan.

Kinuha niya ang payong na ini-sabit niya sa umbrella rack saka binuksan iyon. Sa kabilang kalsada ay marami siyang nakikitang dumaraang taxi at UV, doon siya mag-aantabay. Maingat siyang naglakad patawid sa kalsada at dahil traffic ay hindi siya gaanong nahirapan. Sumiksik siya sa pagitan ng mga sasakyan hanggang sa marating niya ang kabilang kalsada.

Habul-habol niya ang oras, kailangan niyang mauna sa bahay nila bago dumating ang Lola Valentina niya.

Dalawang taxi ang dumaan sa harap niya subalit pawang may mga sakay. Hindi niya inalintana ang nagtatalsikang tubig-ulan sa suot na pantalon habang nakikipag-unahan siyang pumara ng masasakyan.

At hindi na niya mabilang ang sandaling naroon siya at hirap na hirap habang bitbit ang box ng cake— dahil malaki iyon at mabigat ay kailangang naka-alalay ang paghawak niya. At 'di bale nang mabasa siya ng ulan, huwag lang ang box.

Nang maka-kita ng taxi sa unahan ay inangat niya ang isang kamay saka pumara. Subalit sa unahan ay hindi niya napansing may mga pasahero ring naroon at naunahan siya.

She cursed between her breath.

Bakit kasi ngayong araw pa talaga umulan, summer naman!

At habang pabulong siyang nagre-reklamo ay may isang kotse na huminto sa mismong harapan niya. It was one of those expensive cars that she could only see on men's magazines or TV.

Nagsalubong ang mga kilay niya. At nang bumukas ang pinto ng front seat ay doon nanlaki ang kaniyang mga mata.

It was the V. Dominic from the bakeshop. Naka-ngisi ito habang nakasilip sa bintana. "You're soaking wet."

Hindi siya naka-apuhap ng isasagot.

"Get in, ihahatid na kita sa inyo."

Doon siya napa-atras saka ngumiwi nang may maapakang lubak kung saan may naka-pondong tubig-ulan.

Nainis siya at hindi napigilang ibuhos iyon sa lalaking nasa loob ng magarang kotse.

"Mukha ba akong sumasama sa estranghero?"

He shrugged nonchalantly. "You already know my name. Estranghero pa rin ba iyon sa iyo?"

"Yes," matigas niyang sagot. "Hindi ako nagtitiwala sa taong kilala ko lang sa pangalan. Lahat ng prolific serial killers sa America ay kilala ko by their names— so, I don't trust anyone."

Sinundan niya iyon ng irap.

You are good-looking alright, and you make my heart beat so fast, but that doesn't mean I should trust you right away. Hindi rin ako easy-to-get, no, Mr. V. Dominic!

Umiwas siya ng tingin nang makita ang malapad nitong pag-ngiti.

Hindi ako suplada pero para pagtakpan ang pagkapahiya ko kanina ay kailangan kong magpanggap na naiinis. God, bakit ba ako nakararamdam ng ganito?

"Hey!"

Kunot-noong ibinalik niya ang tingin sa lalaking nasa loob pa rin ng sasakyan nito. May ipinakita ito sa kaniyang ID na hindi pamilyar ang itsura.

International Driver's License ... Van Dominic Loudd.

Hanggang doon lang ang na-basa niya dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan at ang suot niyang puting blouse ay lalong na-basa. Mas mahalagang ang box ng cake ang payungan niya kaysa ang kaniyang sarili. She just couldn't risk her granny's cake.

ANOTHER DAY ROTTING IN VAINWhere stories live. Discover now